2. Upang higit na maging mabisa ang
alinmang pagbasa, nangangailangan
ito ng wastong pagkakasunod-sunod
ng mga hakbang sa pagkakamit ng
inaasahang bunga. Tinatawag itong
pamaraan pagka’t ang mga ito ang
karaniwan at ideyal na proseso ng
pagbasa.
3. PERSEPSYON.
- Ito ang hakbang sa pagkilala sa mga
nakalimbag na simbulo at maging sa
pagbigkas nang wasto sa mga
simbulong nababasa.
4. Iba ang nagbabasa lamang sa tunay na
nakaunawa sa kanyang binasa.
KOMPREHENSYON ang ikalawang
proseso
- Pagpoproseso ito ng mga
impormasyon o kaisipang
ipinahahayag ngb simbulong
nakalimbag na binasa. Ang
pagpoprosesong ito ay nagaganap sa
isipan.
5. Ang REAKSYON ang pangatlo na
umaayon sa bisang hatid ng binasa sa
bumasa. Sa hakbang na ito,
hinahatulan o pinapasyahan ang
kawastuhan, kahusayan at
pagpapahalagang isang tekstong binasa.
Ayon kina Aban at Cruz, may
dalawang paraan ang pagsasagawa ng
reaksyon:
INTELAKTWAL kung tuwirang nasaling
ang kaniyang pag-iisip na humantong
sa pagpapasya sa kawastuhan at lohika
ng binasa.
EMOSYONAL kung higit sa paghanga sa
istilo at nilalaman ang reaksyon niya.
6. Para sa mga mambabasang may
malawak nang kaalaman ang
ikaapat. Gayunman, maaari rin
itong makamit ng mga taong kahit
hindi palabasa ay may sapat nang
karanasan, ito ang
INTEGRASYON o ASIMILASYON
Sa hakbang namang ito, isinasama at
iniuugnay ang kaalamang nabasa sa
mga dati nang kaalaman at/o
karanasan.
7. Para kina Aban at Cruz may
kinalaman ang
BILIS/BAGAL NG PAGBASA(reading
rate) sa panahon o oras na ginugugol
ng isang mambabasa sa napili niyang
paksa. Maaaring maging mabagal o
mabilisang pagkakabasa depende sa
kanyang layunin(skiming o iskaning),
ang materyal na binabasa(kanya
bang larangan o hindi),wika(Filipin o
Ingles),kasanayan at lawak ng
kaalaman.
8. Ang huli na siyang dulong pamaraan
NABUONG KASANAYAN AT
KAUGAL5AN SA PAG-AARAL(study
habit and skills).
Masasabing ito ang mismong layunin
ng buong proseso ng pagbasa. Kung
kinagiliwan, nauunawaan at nailapat
niya ang lahat ng kaniyang binasa at
paulit ulit niya itong ginagawa ng
may giliw at kusa, naging mabisang
tunay ang mga pamaraang inilahad.