3. Mga Layunin sa Pananakop ng
mga Espanyol
Merkantilismo
Ito ang kaisipang nagsusulong na ang
lakas at kapangyarihan ng isang bansa ay
nakasalalay sa dami ng pilak at ginto nito.
Nanguna ang mga bansang Portugal at
Espanyal sa paghahanap ng mga ito. Ang mga
bansang mananakop (mother country) ang
nakikinabang sa yaman ng lupaing sinakop
(kolonya). Ang mga kolonya ang naging
tagatustos ng mga hilaw na materyales na
ginagamit ng mga bansang Europeo.
4. Sa pagsara ng pasilangang ruta
patungong Asya dahil sa mga Turkong
Muslim, naghanap ang mga manlalakbay ng
pakanlurang ruta. Sa pangunguna ng Espanya
at Portugal, nilakbay ng mga ito ang
Karagatang Atlantiko. Isa sa mga layunin nito
ay upang mapuntahan ang isla ng mga
rekado o spices --- Moluccas (Indonesia).
Ilan sa mga halimbawa ng panrekado ay
paminta, bawang, luya, nutmeg, at cinnamon.
5. Ang isa sa mga pinakakilalang
manlalayag sa Europa na nakarating sa
Asya ay si Ferdinand Magellan. Sa
kanyang paglalayag ay dala ng kanyang
pangkat ang limang barko:
Trinidad
San Antonio
Santiago
Concepcion
Victoria
6.
7. Mga Estratehiya sa Pananakop
ng mga Espanyol
Ang ganap na kolonisasyon ng
Espanya sa Pilipinas ay natupad lamang
ni Miguel Lopez de Legazpi.
Nagtatag siya ng unang permanenteng
pamayanan sa Cebu matapos talunin si
Raja Tupas (Abril 1565). Noong Hunyo
24, 1571, itinatag ang Maynila bilang
punong-lungsod ng Espanya sa Pilipinas.
8. Ang estratehiyang ginamit ng mga
Espanyol sa pagsakop ay ebanghelisasyon
at kolonisasyon. Ang ebanghelisasyon ay
mapayapang paraan sa pamamagitan ng
pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Ito ay
kinakatawan ng krus. Ang kolonisasyon
naman ay paggamit ng puwersa at lakas-
militar. Ito ay kinakatawan ng espada.
9. Sa paggamit ng mapayapang
paraan, napalapit ang loob ng mga
Pilipino sa mga dahuyang mananakop.
Tinawag ng mga Espanyol ang mga
Pilipino noon bilang di-sibilisado,
barbaro, at pagano. Ang mga Pilipino
noon ay nakatira sa mga lupaing kaiba
sa Espanya kaya’t tinawag na barbaro o
di-sibilisado. Tinawag ding infieles o
pagano ang mga Pilipino dahil wala
silang pinaniniwalaang diyos noon.
10. Patakarang Espanyol na Bumago sa
Pamayanang Pilipino
Gobernador-heneral ang pinakamataas na
pinunong Espanyol sa Pilipinas. Ito ang
kumakatawan sa hari ng Espanya sa Pilipinas. Siya ay
may kapangyarihang panghukuman, pangmilitar, at
panrelihiyon. Siya rin ang presidente ng Real
Audiencia o Kataas-taasang Hukuman sa
bansa. Ang kapangyarihan bilang tagapagbatas ay
hindi hawak ng gobernador-heneral. Ito ay nasa
ilalim ng Consejo de las Indias na nasa Espanya.
Pero dahil sa cumplase, binibigyan ang
gobernador-heneral ng karapatan na hindi ipatupad
ang mga batas na pinagtibay ng Consejo de las Indias
kapag hindi ito akmas sa bansa.
11. Sa pamahalaang lokal, alcalde
mayor ang namumuno sa mga
alcaldia o probinsiya. Nasa ilalim
nito ang gobernadorcillo na pinuno
ng pueblo. Cabeza de barangay
naman ang tawag sa pinuno ng
barangay. Mayroong mga bayan o
probinsya na di ganap na mapayapa. Ito
ay tinatawag na corregimiento na
pinamumunuan ng corregidor.
12. Entrada, Reduccion, at Doctrina
Ito ay mga patakaran ng Espanyol para
magkaroon ng sentro na magsisilbing siyudad
ang pamayanang Pilipino. Una, ang entrada
ay ginagawa sa paggamit ng lakas-militar para
masakop ang mga katutubong komunidad.
Pangalawa, ang reduccion ay ang pag-iipon
ng mga tao sa iba’t ibang barangay sa iisang
sentro na tinatawag na cabecera. Pangatlo,
ang mga paring misyoneryo naman ang
nagpapatupad ng doctrina. Ito ay paghahanda
sa pagtatayo ng parokya.
13.
14. Sistemang Encomienda
Encomienda ang tawag sa mga
lupaing ipinagkakatiwala ng mga Espanyol sa
mga tao. Ang tawag sa tumatanggap ng
encomienda ay encomendero.
Polo y Servicio Personal
Ito ay tumutukoy sa sapilitang
pagbibigay ng serbisyo para sa hari ng
Espanya. Ang mga kalalakihang nasa edad
16-60 ang pilit na pinagtatrabaho sa loob ng
40 araw sa isang taon. Ito ay tinatawag ding
prestacion personal.
15. Polista ang tawag sa mga nagbibigay
ng serbisyo.
Tributo
Ito ang tawag sa pangkalahatang
buwis na ipinapataw ng mga Espanyol sa
mga Pilipino noon. Nang tinanggala ang
tributo, pinalitan ito ng cedula personal.
Ang paniningil dito ay nakabatay hindi sa
edad kundi sa laki ng kita.
16. Patakarang Pangkabuhayan na
Bumago sa mga Pilipino
Bandala
Ito ang sapilitang pagbebenta ng
ilang produkto tulag ng niyog at bigas sa
pamahalaan. Ang pamahalaan ang nagtatakda
sa presyo ng produkto na mas mababa sa
orihinal na presyo. Naging kahulugan nito
ang pagsamsam ng pamahalaan sa
mga produkto o kalakal.
17. Monopolyo ng Tabako
Sapilitang itinakda ang ilang lugar sa bansa
bilang eksklusibong taniman ng tabako. Bilang
monopolyo, tanging sa gobyerno lang maaaring
ibenta ang mga tabako sa presyong itinakda
nito.
Kalakalang Galleon
Ito ang kalakalan sa pagitan ng Maynila
at Acapulco, Mexico sa pamamagitan ng barkong
tinatawag na galleon. Ito ay tinawag ding
Kalakalang Manila-Acapulco. Ang Kalakalang
Galleon ang naging tagapag-ugnay ng Pilipinas sa
Kanluran. Dahil dito, nagkaroon ng pagpapalitan ng
mga halaman at hayop sa pagitan ng Silangan at
Kanluran.
18. Mga Reaksiyon at Pagtutol ng mga
Pilipino sa Pananakop
Hindi pareho ang reaksiyon ng mga
Pilipino sa pananakop ng mga Espanyol. May
mga nag-alsa o naglunsad ng rebelyon ngunit
mayroon ding sumang-ayon at
nakipagsabwatan.
May mga Pilipinong tinanggap nang
buong-buo ang kulturang Espanyol
(akulturasyon). May mga Pilipino ring
iniangkop ang bagong kultura sa katutubong
kulta upang makabuo ng isang panibagong
kultura (asimilasyon).
19. Mga Pag-aalsa Bilang Pagtutol sa
Pananakop
Iba-iba ang mga pag-aalsang naganap sa
bansa dahil sa pananakop ng mga dayuhan.
Pinamunuan ni Lakan Dula at
Sulayman ang pag-aalsa sa Maynila (1574)
para hilingin sa mga Espanyol na malibre sila
pagbabayad ng buwis. Isang panrelihiyong
pag-aalsa naman ang ginawa ni Tamblot sa
Bohol (1621) para ibalika ng kanilang
mataas na katayuan sa lipunan. At si
Bankaw naman ay sinubukang ibalik ang
katutubong relihiyon sa Limasawa (1622).
20. Si Apolinario de la Cruz o Hermano
Pule naman ay nag-alsa sa Tayabas (1841) dahil
sa diskriminasyon ng mga prayle sa mga Pilipino sa
pagpapatupad ng Kristiyanismo. Hindi tinanggap ng
mga prayle si De la Cruz bilang pari. Dahil dito,
itinatag niya ang kapatiran na Cofradia de San
Jose na nakapaghikayat ng mga miyembro.
Ang pinakamahabang pag-aalsa naman ay
pinangunahan ni Francisco Dagohoy ng Bohol.
Ito ay dahil tinanggihan ng prayleng bigyan ng
Kristiyanong libing ang kapatid ni Dagohoy na
namatay sa duwelo. Naganap ang rebelyon noong
1744-1829 at tumaggal ng 85 taon.
21. Pagtutol ng mga Muslim sa Pananakop
Ang higit na organisadong pamahalaang
sultanato ng Muslim ang tumakot sa mga Espanyol
para hindi agad sakupin ang Mindanao. Hindi rin
naging priyoridad ng mga Espanyol na sakupin ang
mga katutubong nakatira sa kabundukan.
Tinawag ng mga Espanyol ang mga Muslim
nilang moro o moors. Sinimulan nila ang pagsakop sa
Sulu (1578) at sinunod naman nila ang Maguindanao
(1579). Nang matalo ang pinuno ng mga Muslim
(Datu Dimacasnay at Buisan) ay napilitan silang
makipagkasundo sa mga Espanyol.
22. Kawalan ng Diwang Makabansa:
Sanhi ng Kabiguan
Higit sa 300 pag-aalsa ang nagawa ng mga
Pilipino sa bansa. Kawalan ng pambansang
pagkakaisa ang sanhi ng pagkabigo ng mga
Pilipino. Hindi pa nagigising ang damdamin ng
nasyonalismong Pilipino. Karaniwang pansarili,
pangrelihiyon, at pamprobinsiya lang ang dahilan
ng mga pag-aalsa. Bunga nito, maituturing
lamang na patriotismo o pagmamahal sa
partikular na lugar ang nagbuklod sa pag-aalsa at
hindi pa matatawag na makabansa o
nationalist. Ang ilan sa mga patriot ay sina
Dagohoy, Diego Silang, at Lapu-lapu.