2. Filipino – Ika-anim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan_Modyul-1: Gamit ng Pangngalan
Unang Edisyon 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda
ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan
ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na
ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa
isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng
pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng
kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Lanao del Norte
Tagapamanihala ng mga Paaralan: Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 6
Manunulat: Grace A. Canencia
Tagaguhit : Jonah G. Rizada
Proofreader, In-House Content and Language Editors: Justina P. Sanchez-PII
Management Team
Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Schools Division Superintendent
Co-Chairpersons: Mary Ann M. Allera
Assistant Schools Division Superintendent
Members Mary Arlene C. Carbonera, Ed.D. OIC-CID Chief
Monisa P. Maba, PhD., EPS-Filipino
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Joselito C. Epe, Ed.D., PSDS
Lawanun Mohammad, School Principal
Editha Tawantawan, School Principal
Anisa D. Sarip, PhD, School Principal
Sahanidah Makiin, PhD, School Principal
Regional Evaluator: Bendee Nancy M. Orlanda, Division of Malaybalay
Inilimbag sa Pilipinas ng: ______________________
Department of Education – Division of Lanao del Norte
Office Address:Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan, Tubod, Lanao del
NorteTelephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com
3. 6
Filipino
Unang Markahan_Modyul-1
Gamit ng Pangngalan
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga
piling guro, punong guro, tagamasid pampurok at tagamasid pansangay sa
Departamento ng Edukasyon- dibisyon ng Lanao del Norte. Hinihikayat ang
lahat ng guro at mga stakeholders sa edukasyon sa pamamagitan ng pag-
email sa kanilang mga puna, komento o mungkahi sa Deped-Lanao
Division at lrmdsldn@gmail.com.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
4. TALAAN NG NILALAMAN
Page
COVER PAGE
COPYRIGHT PAGE
TITLE PAGE
TABLE OF CONTENTS
Aralin 1 – Gamit ng Pangngalan
Alamin 1
Subukin 1
Balikan 2
Tuklasin 3
Suriin 4
Pagyamanin 5
Isaisip 6
Isagawa 6
Tayahin 7
Karagdagang Gawain 8
Susi sa pagwawasto /Sanggunian 9
5. 1
Panimula:
Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 nang pag-aaral sa Filipino! Kawiwilihan
mo ang nilalaman ng modyul sa Unang Kuwarter, Unang Linggo. Ito ay ginawa upang
magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa pag-aaral sa mga paksa sa
Filipino 6 na binubuo ng mga aralin na kinakailangang matapos sa loob ng isang linggo.
Pamantayang Pangnilalaman:
1. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pag-unawa sa napakinggan.
2. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
Pamantayan sa Pagganap:
1. Naisasagawa ang pagsali sa mga usapan at talakayan, pagkukuwento, pagtula,
pagsulat ng seleksyon.
2. Naisasagawa ang pagsali sa mga usapan at talakayan at pagkukuwento
Tatas: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang o nabasang pabula
Kasanayang Pampagkatuto: Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na ikaw ay ;
1. nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang pabula;
2. nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pakikipag-usap sa iba’t ibang
sitwasyon;
3. nakapagsipi ng isang talata mula sa huwaran; at
4. naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan.
Simulan na natin ang iyong paglalakbay, halina’t tuklasin ang itinatagong ganda ng
modyul na ito.
Panimulang Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ang mga tanong at
isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bilang.
_____ 1. Ito ay pangngalang pambalana na tumutukoy sa mga bagay na may katangiang
pisikal kaya’t ito ay nakikita at nahahawakan.
a. pantangi b. tahas c. pambalana d. basal
Aralin
1 Gamit ng Pangngalan
Alamin
Subukin
6. 2
______ 2. Pangngalang tumutukoy sa tangi o tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at
pangyayari. Nagsisimula ito sa malaking titik.
a. lansakan b. pambalana c. tahas d. pantangi
______ 3. Pangngalang pambalanang tumutukoy sa kaisipan o konsepto. Wala itong pisikal
na pisikal na katangian kaya’t hindi nakikita at nahahawakan.
a. basal b. pambalana c. lansakan d. tahas
______ 4. Ito ay pangngalang tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar at pangyayari. Nagsisimula ito sa maliit na titik.
a. pambalana b. pantangi c. basal d. lansakan
______ 5. Pangngalang nangangahulugan ng dami o kalipunan ng marami.
a. tahas b. basal c. lansakan d. pambalana
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang mga salitang nasa ibaba ayon sa wastong hanay ng
pangngalan.
Mindanao Sapatos Pedro Pusa lapis kasal Maria Pasko Lanao del Norte aso
Ang Pangngalan ay bahagi ng pananalita na nagsasaad sa ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar at pangyayari.
Panuto: Basahin ang kwento at unawaing mabuti ang bawat detalye upang masagot mo
ang mga sumunod na tanong.
Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari
Balikan
Tuklasin
7. 3
Si Langgam at Si Tipaklong
Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na si
Langgam. Nagluto siya at kumain. Pagkatapos, lumakad na siya. Gaya nang dati, naghanap
siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang
bahay. Nakita siya ni Tipaklong.
“Magandang umaga kaibigang Langgam, bati ni Tipaklong. Kaybigat ng iyong dala.
Bakit ba wala ka nang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?”
“Oo nga. Nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon”, sagot ni
Langgam.
“Tumulad ka sa akin kaibigang Langgam, wika ni Tipaklong. Habang maganda ang
panahon tayo ay magsaya. Halika! Tayo ay lumukso, tayo ay kumanta.”
“Ikaw na lang kaibigang Tipaklong, sagot ni Langgam. Gaya nang sinabi ko sa iyo,
habang maganda ang panahon ako ay maghahanap ng pagkain. Ito'y aking iipunin para ako
ay may makain pagsumama ang panahon.”
Lumipas pa ang maraming araw. Dumating ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa
hapon at sa gabi ay umuulan pa rin. At dumating ang panahong kumidlat, kumukulog at
lumalakas ang hangin kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kawawang Tipaklong. Naalala niyang
puntahan ang kaibigang si Langgam.
Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam. Bahagya
na siyang makalukso. Wala na ang dating sigla ng masayahing si Tipaklong.
Tok! Tok! Tok! Bumukas ang pinto.
“Aba! Ang aking kaibigan, wika ni Langgam. Tuloy ka. Halika at maupo.”
Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Saka mabilis na naghanda siya ng
pagkain.
8. 4
Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang magkaibigan.
“Salamat kaibigang Langgam, wika ni Tipaklong. Ngayon ako naniwala sa iyo.
Kailangan nga pa lang mag-ipon habang maganda ang panahon at nang may makain
pagdating ng taggutom.”
Mula noon, nagbago na si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang
panahon ay kasama na siya ng kanyang kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at
natuto siyang mag-impok.
1. Anong katangian ang ipinakita ni Langgam at Tipaklong dito? ______________________
2. Nang dumating ang tag-ulan, anong nangyari kay Langgam? _______________________
3. Kung ikaw si Tipaklong, hihingi ka rin ba ng tulong kay Langgam sa kabila nang ginawa
mo? Bakit? ______________________________________________________________
4. Sa palagay mo, ano kaya ang maaaring mangyari kay Tipaklong kung hindi siya tinulungan
ni Langgam? _____________________________________________________________
5. Paano mo maipakita ang pagiging isang mabuting kaibigan? ________________________
1. Balikan ang kwentong “Si Langgam at si Tipaklong”. Mula sa nabasang kwento, magtala
ng:
a.)mga salitang tiyak o tanging ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari. Ito
ay mga pangngalang nagsisimula sa malaking titik. Isulat ito sa iyong sagutang
papel.
b.) mula sa mga pangkalahatang pangngalang iyong naitala, uriin ang mga ito at ilagay
sa loob ng kahon ayon sa wastong hanay nito.
Salitang may pisikal na
katangian kaya’t ito ay
nakikita at nahahawakan
Salitang walang pisikal na
katangian kaya’t ito ay hindi
nakikita at nahahawakan
Salitang nagsasaad
ng dami o kalipunan
ng marami
2. Mula sa kwento, magsipi o isulat ang isang talata na kung saan ito ay kapupulutan ng
inspirasyon at kung papano mo ito maiiugnay sa iyong sariling karanasan. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.
Ang pangngalan ay nahahati sa dalawang uri. Pangngalang tumutukoy sa tiyak o
tanging ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari at ito ay nagsisimula sa malaking
titik na tinatawag na Pantangi. Ang pangngalang tumutukoy naman sa pangkalahatang
Suriin
Pagyamanin
9. 5
ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari at nagsisimula sa maliit na titiik ay tinatawag
namang Pambalana. Ang pambalana ay nahahati sa tatlong uri. Ang pambalanang tumutukoy
sa mga salitang may pisikal na katangian kaya ito ay nakikita at nahahawakan ay tinatawag
na Tahas. Mayroon ding pambalanang tumutukoy sa anumang salitang walang pisikal na
katangian kaya ito ay hindi nakikita at nahahawakan ngunit ito ay isang kaisipan o konsepto
na tinatawag namang Basal. At ang pambalanang nangangahulugan ng dami o kalipunan ng
marami ay Lansakan naman ang tawag nito.
Ang pagsipi ng talata mula sa huwaran ay pagkuha o pagkopya ng talata o mga
salitang naglalaman ng nakikita, naririnig at nadarama ng isang tao kung saan ito ay
nakapagbigay inspirasyon sa iba.
Panuto: Suriin ang uri ng pangngalang may salungguhit kung ito ay pantangi o pambalana.
Kung ang pangngalan ay pambalana, ibigay kung anong uri ng pambalana ito. Lagyan ng tsek
ang patlang ng tamang uri ng pangngalan.
1. Si Ana ay naglilinis ng bahay.
_____ pantangi
_____ pambalana ___ tahas ___ basal ___ lansakan
2. Ang aking kuya ay masunurin sa magulang.
_____ pantangi
_____ pambalana ___ tahas ___ basal ___ lansakan
3. Kasintigas ng bato ang kanyag puso.
_____ pantangi
_____ pambalana ___ tahas ___ basal ___ lansakan
4. Marami nang nagkakasakit sa Pilipinas dahil sa covid-19.
_____ pantangi
_____ pambalana ___ tahas ___ basal ___ lansakan
5. May bago kaming alagang pusa sa bahay.
_____ pantangi
_____ pambalana ___ tahas ___ basal ___ lansakan
Tandaan!
Ang dalawang uri ng pangngalan ay ____________at __________. Pantangi ay
tumutukoy sa tiyak o tanging ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari. Nagsisimula
ito sa malaking titik. Ang pambalana naman ay tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao,
bagay, hayop, lugar at pangyayari. Nagsisimula ito sa maliit na titik. May tatlong uri ang
pambalana: tahas, basal, at lansakan. _______ kung ito ay may katangiang pisikal kaya ito ay
Isaisip
10. 6
nakikita at nahahawakan. _______ naman kung ito ay walang katangiang pisikal kaya ito ay
hindi nakikita at nahahawakan ngunit ito ay isang kaisipan o konsepto. Tinatawag naman itong
___________ kung ito ay nangangahulugan ng dami o kalipunan ng marami.
Ang pagsipi ng talata mula sa huwaran ay pagkuha o pagkopya ng talata o mga
salitang naglalaman ng nakikita, naririnig at nadarama ng isang tao kaya ito ay nakapagbigay
inspirasyon sa iba.
Taglay ng mga pabula ang kagandahang asal at mabuting pamumuhay sa mga tao
lalong lalo na sa mga kabataan kaya sikaping unawain at ilagay ang sarili sa nararamdaman
ng may-akda upang ito ay lubos na maunawaan.
Kailangang isapuso natin ang mga magagandang aral na ating natutunan upang ito ay
magsilbing gabay sa ating pamumuhay at maging ehemplo sa iba.
A. Panuto: Sumulat ng isang seleksyon at magtala ng mga pangngalang pantangi at
pambalana mula sa seleksyon, isulat sa loob ng kahon ayon sa wastong hanay nito. Isulat
ang sagot sa inyong kwaderno.
Pantangi
Pambalana
Tahas Basal Lansakan
B. Panuto: Magsipi ng isang talata mula sa seleksyon kung saan ito ay makapag-udyok sa
iba sa paggawa ng mabuti.
Mensahe para sa Guro
Ang sagot ng bata ay ibabatay sa pamantayan Rubric na iyong
inihanda.
Si Togak at ang Gintong Uwak
Noong unang panahon ay may isang ibon na nakatira sa kagubatan na ubod ng itim
at may mapupulang mga mata. Ang pangalan ay Togak. Dahil sa kaniyang anyo ay nahihiya
itong lumapit at makipaglaro sa iba dahil baka pagtawanan lamang siya ng mga ito. Kaya
palagi siyang nag-iisa at nagdarasal na sana ay maging maganda ang kaniyang anyo tulad
ng iba.
Isagawa
Tayahin
11. 7
Isang araw, habang naghahanap ng pagkain si Togak ay may narinig siyang tumawag
sa kanya. Agad na lumapit si Togak at nakita niya ang isang magandang diwata. “Ako si Inang
diwata. Ang diwata ng mga ibon. At narito ako para tuparin ang iyong kahilingan ngunit sa
isang kondisyon,” wika ng diwata Kailangan mong magpakita ng magandang asal at huwag
ipagmalaki kung ano man ang iyong kaanyuan. Kung hindi, ikaw ay babalik sa dati mong
anyo,” malinaw na sabi ng diwata. At isang kumpas lang ng kamay ng diwata naging kulay
ginto ang kaniyang mga balahibo at naging maamo ang kaniyang mga mata. “Maraming
salamat!” Masayang sabi ni Togak sa diwata.
Habang naglalaro sina Kalapati, Kuwago at Maya ay napansin nilang napakaliwanag
at kulay ginto ang mga balahibo ni Togak. Inggit na inggit sa kaniya ang mga ito.“Togak,
puwede bang makipag-kaibigan?” Sabi nila. “Ayokong makipag-kaibigan sa mga mabababang
uri,” pahambog na sabi ni Togak. “Umalis kayo sa harapan ko, ayokong makipag-kaibigan sa
mga katulad niyo!” Pagyayabang na sabi ni Togak sa mga ito. “Talagang nagbago na nga si
Togak mula ng maging ginto ang kaniyang mga balahibo.” Wika ni Kuwago. “Oo nga, talagang
wala na siyang kinikilalang kaibigan.” Sabi naman ni Maya.
Kaya isang araw habang naglalakad si Togak ay nagpakita muli sa kaniya ang diwata.
“Togak, dahil sa ipinakita mong masamang pag-uugali at pagiging hambog, ikaw ay babalik
sa dati mong anyo.” Wika ng diwata. At sa isang iglap lang ay bumalik nga ang dating anyo ni
Togak na sobrang itim at mapupula ang mga mata. Kaya umuwi si Togak na luhaan at hiyang-
hiya sa sarili. At ng papauwi siya ay nasalubong niya sina Kalapati, Kuwago at Maya. “Puwede
bang makipagkaibigan sa iyo?” Sabi ni Kuwago. “Kahit na ganito ang anyo ko,”malumanay na
sabi ni Togak.
“Hindi naman panlabas na anyo ang basihan sa pakikipagkaibigan, ang importante ay
tanggap ninyo ang isa’t isa.” wika ni Kalapati. Kaya mula noon ay masayang masaya na si
Togak sa mga bago nitong kaibigan. Kahit na ubod ng itim at mapupula ang mga mata ay wala
na siyang ikinahihiya. Dahil tanggap siya ng mga ito ano man ang kaniyang anyo.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Mula sa isang pabula na nasa
itaas, sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bilang.
____ 1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
a. diwata b. kalapati c. Togak d. Maya
____ 2. Bakit umiiwas si Togak sa ibang ibon?
a. ayaw niyang makipaglaro sa ibang ibon at baka masaktan lamang siya
b. nahihiya siyang lumapit sa iba dahil sa kaniyang anyong ubod ng itim at may
mapupulang mata
c. ayaw niyang pagtawanan ang kaniyang anyong ubod ng itim at may malalaking paa
d. baka pagtawanan ang kaniyang maputing balahibo at malaking mata
____ 3. Paano binago si Togak sa kaniyang bagong anyo?
a. naging palakaibigan c. sumikat siya
b. palaaway d. hambog at mayabang
____ 4. Kung ikaw si Togak, paano mo dadalhin ang iyong sarili bilang isang batang may ubod
itim na balat?
a. hindi ako lalapit sa iba
b. hindi ko ikakahiya at ipagmamalaki ko ang biyayang bigay ng Diyos
c. magtago at iiwas sa ibang bata baka ako ay kutyain
d. sisihin ko ang Diyos dahil ginawa niya akong iba sa lahat
12. 8
____ 5. Aling talata sa kuwento ang magbibigay inspirasyon sa iba at nagpapakita ng
pagkapantay pantay?
a. 5 b. 3 c. 4 d. 2
Panuto: Maghanap ng isang pabula na may mga tanong. Kopyahin ito sa inyong kwaderno
at sagutin ang mga tanong.
Mula sa pabula, itala ang mga pangngalang pantangi, pambalana, tahas, basal at
lansakan.
Magsipi ng isang talata mula sa pabulang kinopya kung saan ito ay nagbibigay
inspirasyon sa lahat.
Karagdagang Gawain
13. 9
Sanggunian
Banlaygas, E.. & Antonio, E., 2016. Yamang Filipino 5, pahina, 67. Rex Printing Company,
Inc., 67.
Castillo, L. & Dichoso, J., 2017. Yamang Filipino 6. Rex Printing Company, Inc., 11.
https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-fables-mga-pabula-si- langgam-
at-si-tipaklong-pabula-fable_590.html
https://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/381?page=1
Susi sa Pagwawasto
14. 10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Division of Lanao del Norte
Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Compound,
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address : lrmdsldn@gmail.com