1. Marc Irving J Herrera
BSED-I
Mga unang expedisyon ng Espanya
Fernando de Magallanes na nakarating sa Pilipinas noong 1521.
Estatwa ni Lapu-Lapu na nakatayo sa lugar kung saan napatay daw si Magallanes noong 1521.
Unang nakarating ang mga Europeo sa Pilipinas sa pagdating ng expedisyon ng mga Español
na pinamunuan ng Portuges na si Fernando de Magallanes noong Marso 16, 1521. Pumalaot si
Magallanes sa pulo ng Cebu, inangkin ito para sa Espanya, at binigyan ito ng pangalan na Islas
de San Lazaro.
Magiliw siyang nakipag-ugnayan sa ilang mga lokal na datu. Nagdaos pa sila ng tradisyonal na
sanduguan o tinatawag ding karadyaan kung saan pinalalabas ang dugo sa braso, inihahalo sa
tubig o alak at iniinom nilang magkasama. Sa ganitong paraan, ang dugo ng kasama niya ay nasa
kanyang mga ugat na ginagawa silang "magkapatid sa dugo", isang sagrado at hindi pwedeng
ipawalang-bisa na kasunduan. Nakumbinsi pa ni Magellan na maging Kristiyano.[3] Nagawa niya
itong gawin kay Humabon ng Cebu dahil sa Kristiyanismo, ginagalang ng mga bata ang mga
matatanda. Ito ang nag-enganyo sa konbersyon dahil noong panahong iyon ay hindi iginagalang
ng mga bata ang matatanda dahil wala na silang magagawang mabuti sa tribu. Ang mga kabataan
ang nag-uutos sa mga matanda. Nagpakita ito ng isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng
Pilipinas. Nagwagi si Magallanes laban kay Humabon sa pamamagitan ng pagdadala ng bagong
kultura na nagpapahalaga sa dignidad ng tao.
Ngunit, napatay si Magallanes ng pangkat ni Lapu-Lapu, na tumutol sa pamamahala ng Espanya.
Hinamon ni Magallanes si Lapu-Lapu sa isang labanan, upang ipakita kung paano lumaban ang
mga Europeo. May tatlong dahilan kung bakit natalo si Magallanes laban kay Lapu-Lapu. 1)
Hindi siya nagpadala ng tauhan upang suriin ang lugar, 2) binalaan niya ang kalaban na siya
aatake at 3) pumayag siyang mas maraming tribo ang lumaban sa kanyang mga tauhan.
Sa mga sumunod na dekada, iba pang mga ekspedisyon ang ipinadala ng Espanya sa Pilipinas.
Noong 1543, pinamunuan ni Ruy López de Villalobos ang isang ekspedisyon patungo sa mga
pulo at pinagalang Las Islas Felipinas (mula sa pangalan ni Felipe II ng Espanya) ang mga pulo
ng Samar at Leyte. Hindi nagtagal, ibinigay ang pangalang ito sa buong arkipelago.
http://tl.answers.com/Q/Panahon_ng_mga_kastila
NOONG dumating si Ferdinand Magellan sa Sugbu na ngayo'y kilala sa tawag na Cebu,
hayagang sinabi ni Lapu-Lapu na hindi niya kinikilala ang kapangyarihan ng mga Kastila. Ito ay
ikinapuyos ng galit ni Magellan.
Hatinggabi ng Abril 26, 1521, 60 sandatahang Kastila sa pamumuno ni Magellan, kasama ang
1,000 kapanalig na mga Cebuano sa pangunguna ni Raha Humabon, ang sumalakay sa isla ng
Maktan. At naganap ang madugong digmaan sa Maktan. Ang mga sandatang pumuputok ng mga
Kastila ay hindi natinag sa mga nagtatanggol na mga kayumanggi. Dito nakita ang mabangis na
galit ni Lapu-Lapu para madepensehan ang lugar na kanyang nasasakupan laban sa mapanakop
na Kastila. Nagpatuloy ang paghahamok ng espada ng mga Kastila kontra sa matalim na tabak
ng mga Pilipino. Tumagal ang kanilang paglalaban sa loob ng mahigit sa isang oras. Namatay
2. man ang maraming kawal sa magkabilang panig, hindi pa rin natinag si Lapu-Lapu kaya dito ay
natamaan niya si Magellan sa bisig sa pamamagitan ng sibat.
Subalit hindi rin natinag ang pinuno ng mga Kastila. Bagama't sugatan ay nanatiling nakatayo at
ipinagpatuloy ang pakikipaglaban. Nagpalitan ng taga ang magkalabang panig at dito na
natamaan si Magellan sa kaliwang hita ng matalim na tabak ni Lapu-Lapu na naging dahilan ng
pagkamatay nito.
Matapos ang madugong labanan, hiniling ni Raha Humabon kay Lapu-Lapu na kunin na lamang
nila ang bangkay ni Magellan kapalit ng salapi ng mga Kastila, subalit ang kahilingan ng raha ay
hindi pinaunlakan ni Lapu-Lapu. Sa halip ay ginawa pa niyang tropeyo ang bangkay ni
Magellan.
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/New_Intermediate_Tagalog/Reading_Lessons/LESS
ONS/madugong_digmaan_sa_maktan.htm