2. Payak na pangungusap
● Ito ay pangungusap na nagpapahayag ng isang diwa o kaisipan lang.
a. Payak na simuno at payak na panaguri
Hal. Ako ay nagliligpit ng aking mga basura.
b. Payak na simuno at tambalang panaguri
Hal. Ako ay nagliligpit at nagsasaayos ng aking mga basura.
c. Tambalang simuno at payak na panaguri
Hal. Ikaw at ako ay dapat na magligpit ng ating mga basura.
d. Tambalang simuno at tambalang panaguri
Hal. Ikaw at ako ay dapat na magligpit at magsaayos ng ating mga
basura.
3. Iba pang halimbawa ng payak na
pangungusap
● Napakainit ng temperatura ngayon.
● Namasyal sa Palawan ang pamilya niya.
● Masarap maligo sa dagat.
4. Tambalang pangungusap
● Ito ay pangungusap na nagpapahayag ng dalawang kaisipan
at pinag-uugnay ng mga pangatnig na magkatimbang tulad
ng at, o, ngunit, samantala, pero at habang.
Halimbawa:
Tao ang dahilan ng problema sa basura ngunit tao rin ang
makagagawa ng solusyon para rito.
5. Iba pang halimbawa ng tambalang
pangungusap
● Susunod ba tayo sa Bohol o maghihintay na lang ba tayo sa Cebu?
● Nagbabasa ng nobela si Denise habang tumutugtog ng piano si
Makisig.
6. Hugnayang pangungusap
● Ito ay pangungusap na binubuo ng isang sugnay na
nakapag-iisa at isa o higit pang sugnay na hindi makapag-iisa
na pinakikilala ng mga pangatnig na kapag, pag, nang, dahil
sa, upang, sapagkat at iba pa.
Halimbawa:
Mataas ang pagtingin ng magulang ko sa kanya dahil sa
magandang ugaling ipinakita niya sa akin.
7. Iba pang halimbawa ng hugnayang
pangungusap
● Tayo ay dapat maging responsable sa ating mga basura upang
maiwasan ang kalat sa paligid.
8.
9. Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ayon
sa kayarian ang mga sumusunod
● Malalaki ang mga silid-tulugan at malinis ang malaking bakuran.
● Ang blusa ay maganda ngunit hindi ito kasya sa akin.
● Nahuli sa klase si Tom dahil hinatid pa niya ang kanyang kapatid.
● Pinapakain ni Aling Puring ang inahing manok at mga sisiw.
● Mahilig mag-alaga ng iba’t ibang hayop ang kapatid ko.