6. MANLALAKBAY
Tara Na!
Narito na..
MAPA, ito ang kasangkapan upang magkaroon nang
maayos na gabay sa mga gawain na sa iyo’y nakalaan.
Kahulugan ng pangatnig
Uri ng pangatnig
Gamit ng pangatnig
10. MANLALAKBAY
Tara Na!
Narito na..
DESTINASYON, ito na ang para sa panibagong buhay mo dahil
karagdagang kaalaman at karunungan ang naghihintay kasama
ang pagtuklas sa ilan pang mga materyal na maaaring pagkunan
mo ng impormasyon ukol sa pangatnig.
11. Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay
kinakailangang:
A. Nakikilala ang pangatnig at ang mga uri nito
B. Natutukoy ang kahalagahan ng pangatnig sa pagbuo ng
pahayag o pangungusap
C. Nakabubuo ng pangungusap gamit ang pangatnig
13. Basahin at unawain nang mabuti ang nilalaman.
Sundin ang mga panuto at kompletuhin ang mga
gawain. Gamitin ang mga icon na makakatulong
sa paggalugad sa rurok ng kaalaman sa paksang
tinatalakay.
Ang kasagutan ay maaaring sagutan sa slayd.
Gayundin, maaaring iprint pagkatapos ng aralin.
14. Isa sa mga makabagong estratehiya na salalayan
at sandigan sa pagtuturo ng Asignaturang Filipino ay
ang “E-Kwentexto”. Ito ay maingat na binuo at
dinisenyo upang matustusan ang mga mag-aaral sa
Ikawalong Baitang ng Valenzuela National High School
ng mga nakakaganyak at nakakahikayat na mga
gawaing pangkaisipan, pangdamdamin at
pangsikomotor sa tulong na rin ng kagamitang
elektroniko.
15. Isa sa mga makabagong estratehiya na salalayan
at sandigan sa pagtuturo ng Asignaturang Filipino ay
ang “E-Kwentexto”. Ito ay maingat na binuo at
dinisenyo upang matustusan ang mga mag-aaral sa
Ikawalong Baitang ng Valenzuela National High School
ng mga nakakaganyak at nakakahikayat na mga
gawaing pangkaisipan, pangdamdamin at
pangsikomotor sa tulong na rin ng kagamitang
elektroniko.
16. UNA IKALAWA IKATLO IKAAPAT IKALIMA
HOLA!!! Nakita mo na ba ang Pilipinas mula sa itaas sakay ng
isang uri ng sasakyang panghimpapawid? Hindi ba at kay ganda?
Maraming magagandang tanawin, mga gubat at bundok na kulay luntian
at mga nagkikislapang mga ilaw at gabi.
Halina’t sumakay tayo at sama-sama nating
tuklasin ang kagandahan at suliranin ng Pilipinas. Sama-
sama rin nating alamin ang kahulugan ng pangatnig. Ang
gamit nito sa pangungusap kung paano ang
isang talata ay mabubuo sa paggamit ng pangatnig.
17. HOLA!!! Nakita mo na ba ang Pilipinas mula sa itaas sakay ng
isang uri ng sasakyang panghimpapawid? Hindi ba at kay ganda?
Maraming magagandang tanawin, mga gubat at bundok na kulay luntian
at mga nagkikislapang mga ilaw at gabi.
Ngunit sa likod ng kagandahang ito, nakita mo na rin ba ang
kakapusan at kakulangan ng bansa? Isang ugat na nagbubunga ng suliranin
sa bansa, na nakakaapekto sa ekonomiya at pag-unlad. Inisip mo na ba ang
dahilan at epekto nito?
Halina’t sumakay tayo at sama-sama nating tuklasin ang
kagandahan at suliranin ng Pilipinas. Sama-sama rin nating alamin ang
kahulugan ng pangatnig. Ang gamit nito sa pangungusap kung paano ang
isang talata ay mabubuo sa paggamit ng pangatnig.
18. Ngayon tayo ay pumapasok na sa tamang direksyon, patungo sa
kaalaman patungkol sa pangatnig.
Huwag kang mag-alala narito lang ako, kasama mo.
Lakasan ang iyong kalooban.
Positibong pananaw ang itanim sa
isipan kung inaasam ay nais mong
makamtan.
Di ka dapat mangamba, narito ang gamit kong
19. TANDAAN...Ang compass na iyan
ay lubhang
mahalaga, sapagkat kailanman
ay di ka
maliligaw, ituturo niya ang panuto
sa
bawat gawain na sa iyo’y nakalaan.Bago ka magpatuloy, nakikita mo ba ang nakikita ko?
Ayun! Isang sign board. Basahin mo.
Panoorin ang video
20. Ibigay ang mga aral
na nakapaloob sa
natunghayan.
Nanalo ang Leon sapagkat sanay na siya sa kalupaan.
Natuwa ang matsing dahil napag-isip-isip na patas lamang
sila
21. Okey ba ang mensahe…?
Ang ganda, para sa atin bilang mga anak ang matutunan ang halaga ng
pagkakapantay-pantay.
Ayon sa mga pangungusap sa unahan, ano-ano ang mga salitang
may salungguhit?
Nais kong malaman
mo na ang mga
salitang may
Salungguhit ay
tinatawag na
pangatnig.
22. Okay ba ang mensahe…?
Ang ganda, para sa atin bilang mga anak.
Ayon sa talatang binasa, ano-ano ang mga salitang may salungguhit?
Nais kong malaman
mo na ang mga
salitang may
Salungguhit ay
tinatawag na
pangatnig.
Pangatnig
Pangatnig
23. Okay ba ang mensahe…?
Ang ganda, para sa atin bilang mga anak.
Ayon sa talatang binasa, ano-ano ang mga salitang may salungguhit?
Nais kong malaman
mo na ang mga
salitang may
Salungguhit ay
tinatawag na
pangatnig.
Pangatnig
Pangatnig
24. Harapan mong matutunghayan ang malikhaing gawain na
sa iyo’y naghihintay. Kaya mga mata at isipan kailangan ang
kahandaan na alam kong iyong maiibigan.
Sabik ka na ba mahal kong kaibigan…
Kumusta na…….
Masarap bang maglakbay sa daan ng kaunawaan.
Sigurado ako mapagtatagumpayan mo ang mga pagsubok na
iyong mararanasan. Maging matiyaga ka lamang. Sapagkat
ang lahat ng bagay ay kailangang paghirapan upang ang
tunay na kagalakan ay matatamasa sa tuwina.
25. Basahin at tukuyin ang pangatnig na ginamit sa loob ng
pangungusap. Itipa sa loob ng kahon ang kasagutan.
1. Kahit babae kami ipaglalaban naming ang matuwid.
2. Nagsisikap sila upang umunlad ang buhay.
3. Nagagalit ang kanyang ina, kapag hindi siya sumunod.
4. Ikaw at ako ay panig sa katotohanan.
5. Ang tatay ay nag-igib samantalang ang nanay naman ay
naglalaba.
26. Basahin at unawain mo ang mga pangungusap. Punan
mo ngangkop na pangatnig ang bawat isaupang maging mabisa.
ang diwa nito. Ilagay mo sa bilog ang iyong kasagutan.
1. Ikaw ay matulog _____ huwag lamang matagal.
2. _____ salapi kung kaya siya nagkasala.
3. Ang bata ay nalunod _____ hindi siya marunong lumangoy.
4. _____ ako ay nakapasa, bibigyan ko kayo ng salo-salo.
5. Mag-aral ka nang mabuti _____ makakuha ng mataas na
marka.
Basahin at unawain mo ang mga pangungusap. Punan
mo ngangkop na pangatnig ang bawat isa upang maging mabisa.
ang diwa nito. Itipa sa bilog ang iyong kasagutan.
27. Piiin ang mga pangatnig na ginagamit. Itipa ang
kasagutan sa kahon na nakalaan sa bawat bilang.
1. Kung nais mong mapanuto ang iyong buhay umiwas ka sa bisyo at
masamang barkada.
2. Kapag nasira ang buhay mo, ikaw lamang ang magdurusa.
3. Pag pinabayaan ko ang aking paaralan, alam kong magagalit kayo.
4. Madaling maunawaan ang nais sabihin kapag katutubong wika
ang ginagamit.
5. Ikinalulungkot kong hindi ako nakadalo sa iyong kaarawan dahl sa
mabigat kong karamdaman.
28. Basahin at unawain ang talata. Lagyan ng angkop na
pangatnig ang bawat patlang. Isulat sa loob ng lobo ang kasagutan.
Tinawag ako (1)___ pinag-aralan ng aking
ama. Ayaw ko sanang maging sa kanya (2)___
napagtanto kong maganda ang hangarin niya para sa
akin. Unti-unti kong sinisikap magbagong buhay
(3)___ batid kong masama talaga ang ibubunga ng
pagsama sa masamang barkada. Iniwasan ko ito
(4)___ di mapahamak. Para sa akin, hindi pa huli
ang lahat (5)___ nangangako ako sa aking sarili na
tuluyan na akong magbabago ng landas.
29. Bilugan ang mga pangatnig na ginamit sa pangungusap. Gamitin ang highlight pen.
1. Maraming dahilan ang mga tao kung bakit ayaw nilang linisin
ang kapaligiran.
2. Nakasasama sa ating kalikasan at sa tao ang polusyon.
3. Disiplina ang kailangan upang ang bansa ay umunlad.
4. Sa Pilipinas ay maraming likas na yaman ngunit ito ay hindi
natin pinangangalagaan.
5. Ang pagpuputol sa punong kahoy ay ipinagbabawal ngunit
marami pa rin ang gumagawa nito.
30. Nakikinig kaming lahat sa aming
guro sapagkat mahusay siyang magturo.
Malinaw siyang magpaliwanag laging handa at
paminsan-minsan ay nagpapatawa. Kaya
nawiwili kami sa kanyang klase. Marami
kaming natutuhan sa kanya at sa lahat ng ito
siya’y aming pasasalamatan. Sana’y marami
pang tulad niya para maraming mag-aaral ang
maganyak mag-aral na mabuti.
Kung talagang naunawaan ninyo ang ating
aralin, subukang hanapin ang mga pangatnig na ginagamit.
Itipa ang kasagutan sa bahaging nakalaan.
31. S N G U N I T H D I
A A S A K A L J A K
G B P F C D I E R M
D S Q A N O H L N A
U P A N G D A H I L
C G F R G K R F G K
V A U E T H A P Y U
B P W A B A M T I N
X A A D X U Z J K G
C K A Y A L A U S M
Sa loob ng kahon ay may nakatagong
salita o pangatnig ng mga letra. Bilugan
ang pangatnig na makikita ninyo. Gamitin ang highpen.
32. Sa ating pagbibiyahe o pamamasyal ay marami tayong
mga bagay na nakikita sa paligid. Kaya’t ang inyong opinyon ay
kailangan. Ilagay ang P kung pangatnit at H kung
hindi.
iyong
Sapagkat
Dahil
At
nito
33. Narinig mo ba ako….
Hindi pa tayo tapos, narito ang mga
karagdagang Gawain na higit na
magpapalalim sa iyong kaunawaan
patungkol sa uri ng pangatnig.
RADAR...
34. PAMUKOD - ginagamit kung dalawa o ilang
bagay at isipin ay may ibig na
itangi kaysa sa iba.
Halimbawa:
* Ang mga mamamayan, maging ang mga kabataan
ay nagising na rin sa katotohanang sila’y may mga
tungkuling dapat gampanan.
*
35. PANINSAY - ginagamit sa mga pangungusap kung ang
unang sugnay ay sinasalungat ng ikalawa.
Halimbawa:
*Mahirap magtatag ng bansa ngunit ito ay
magtatagumpay kung lahat ay magkakaisa.
36. PANUBALI - ginagamit sa mga pagkukurong pasumala,
isipang may pasubali o di ganap at nangangailangan ng
tulong ng kapwa pangungusap upang mabuo ang diwa at
kaisipan ng isang pangungusap.
Halimbawa:
• Kung nais mong mabuhay nang maginhawa,
makipagtulungan ka.
37. PANANHI –ginagamit upang ang pangungusap ay
makatugon sa tanong ng bakit at tuloy maipakilala ang
isang kadahilanan.
Halimbawa:
* Ang pamahalaan ay nagsagawa ng mga proyektong
pangkaularan dahil sa pangangailangan.
38. PANUBALI - ginagamit sa mga pagkukurong pasumala, isipang may
pasubali o di ganap at nangangailangan ng tulong ng
kapwa pangungusap upang mabuo ang diwa at
kaisipan ng isang pangungusap.
Halimbawa:
* Kung nais mong mabuhay nang maginhawa, makipagtulungan ka.
39. PANLINAW - ginagamit kung ang diwang nasabi na ay dapat pang
linawin.
Halimbawa:
* Nais mong magtagumpay, kung gayon magsikap ka.
40. PANAPOS - ginagamit na pangwakas sa pagtatapos ng Pangungusap.
Halimbawa:
* At sa wakas, natupad ko rin ang malaon ko nang pinapangarap.
41. Tukuyin ang pangatnig sa loob ng pangungusap. Isulat sa bulaklak
ang pangatnig at ang uri nito.
Maraming tao lagi sa mga “deparment
stores” subalit iilan naman ang namimili..
Lagi siyang nahuhuli dahil tanghali
siyang gumigising .
Masusugpo ang polusyon kapag binawasan natin
ang paggamit ng plastik.
Nagkasakit siya sapagkat
naulanan kagabi.
Tinalakay ng Pangulo ang
pangunahing sanhi ng suliranin
at sinabi niya ang lahat na ito
ay may solusyon.
42. Nakakalbo ang
kagubatan
sapagkat
maraming tao
ang
pumuputol
ng punong
kahoy.
Nag-aaral siya
ng leksyon
ngunit
mababa
pa rin
ang marka.
Madaling
maging
tao ngunit
mahirap mag
pakatao.
•Iclick ang checkbox kung
anong uri ng pangatnig
ang ginamit sa
pangungusap.
43. Ang mga Pilipino’y kilala sa mabubuting kaasalan tulad
ng katapatan, kasipagan, kahinhinan, katapangan,
pagkamagalang, katipinan at higit sa lahat ay kagandahan
ng kalooban. Maging ikaw at maging sinuman ay
makapagpapatotoo rito. Bantog man tayo o hindi sa
ganitong katangian, hindi maitatangging mayroon din
naman tayong mga kapintasan. Isa na rito ang ugaling
ningas-kugon mamamayang masipag na masipag,
mamamayang wala ng sigla. Panay sa simula, walang
katapusan. Maaaring ngayon ay maalab at maaari rin
naming bukas ay malamig na.
Basahin at tukuyin ang pangatnig pamukod
sa loob ng talata.
44. Madalas siyang lumahok sa
paligsahan. Hindi siya nagwawagi.
Magsikap ka. Bata ka pa.
Dapat din tayong matuto ng wikang
Ingles. Tayo’y Pilipino.
Ang wikang Filipino ay pinagkaloob ng Diyos
sa ating mga Pilipino. Ang Nipong Niponggo
ay pinagkaloon naman Niya sa mga Hapones.
Marami ng aklat ang ang nasusulat sa Filipino.
Sinasabi pa rin nila na malaking suliranin
ang kinakaharap nila sa pagtuturo.
*Pagtambalin ang bawat pares ng pangungusap.
Gamitan ng angkop na pangatnig na paninsay. Itipa ang kasagutan..
45. * Basahin ang sumusunod na tanong. Mangatwiran o sagutin
ang mga ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga
pangatnig na pananhi.
1. Bakit kayo nag-aklas sa pabrika?
2. Ano ang dahilan at hindi ka natataas ng
tungkulin?
3. Bakit hindi ka mag-aaral nang mabuti?
4. Ano’t puro paninira ang laman ng iyong
isip?
5. Bakit hindi kayo magkasundong mag-ina?
46. * Piliin sa loob ng panaklong ang angkop
na pangatnig na panlinaw na
dapat gamitin sa sumusunod
na pangugnusap. Bilugan.
1. ( Sa katagang sabi, kung gayon, kaya) pinawawalan mo ng kabuluhan ang
lahat.
2. Naririto ka para mag-aral ( kaya’t, anupa’t, samakatwid) kailangang
pangatawanan mo ito.
3.Ako’y lagi na lamang ninyong pinagsasabihan, (samakatwid, alalaong baga, kaya)
po ba’y pinaaalis na ninyo ako rito?
4.Di (kung gayo’y, anupa’t , kaya) hindi na ako papasok ngayon.
5. Hindi ikaw ang kumuha ng bagay na yaon (kung gayon, alalaong baga, kaya) ay
siya.
47. O, ano? Nag-enjoy ka ba sa ating
paglalakbay?
Basta’t lagi mong tandaan lagi
akong narito sa mga taong nais ng kaunawaan sa
pangatnig at uri nito. Ito ang aking
pinagkadalubhasaan.
Konti na lamang at tayo’y
lalapag na sa destinasyong
maaasahan. Mga pinagmulang
impormasyon na iyong
masasaksihan...
48. Ohhh…...Si Swifer!!!!
Sa paglalakabay talaga di
waiiwasan ang mga balakid...Kailangan
mapatunayan ang ating kasanayan at
kaalamang natutunan upang ito ay
mapagtagumpayan ….
Tignan ko ang husay
ninyo sa Pangatnig at sa
mga uri nito!!!hehehe...
49. Itipa sa patlang ang pangatnig na ginamit sa loob ng
bawat pangungusap.
____ 1. Kung nais mong mapanuto ang buhay umiwas ka sa
bisyo at masamang barkada.
____
2. Nakakalbo ang kagubatan sapagkat maraming tao ang
pumuputol ng punong kahoy.
____
3. Mag-aral na mabuti upang magtagumpay sa buhay.
4. Hindi siya marunong makinig sa magulang kaya siya
napapasama.
____
5. Nag-aaral siya ng leksyon ngunit mababa pa rin ang
marka.
50. 1. _______ may pagkukusa, uunlad ang ating
pamumuhay at tatatag ang bansa natin.
2.Ang anumang agwat ay hindi mararating
________titingnan lamang natin .
3. Madaling maging tao ________ mahirap mag
pakatao.
4. Bunganga ng ilog ay masasarhan mo ______
hindi ang bibig ng tao.
5. Ikaw ay uunlad sa buhay _______
magtitiyaga.
kapag
ngunit
kung
dahil sa
sapagkat
*Ilagay sa patlang ang nararapat na pangatnig upang
mabuo ang pangungusap:
51. Bumuo ng talata sa pamamagitan ng mga larawan. Gumamit ng mga pangatnig.
54. Tunay na kailangang maging maingat sa pagpili ng
kaibigan pagkat sila ang tunay na gagabay sa iyong
paglalakabay. Sino sa kanila sila ang karapat-dapat…..???
Tulad sa pagbuo ng pangungusap matamang
malaman ang angkop na pangatnig upang maging malinaw at
wasto ang pagpapahayag ng nilalaman….ating subukan!
55. Isang araw , ikaw ay nalulumbay
Hindi mo malaman lungkot ay sumilay;
Sapagkat mga aralin, di ganap na
maunawaan
Tandaan mo anak, gabay ako sa iyong
pag-unlad.
Magsikap, magtiyaga at mag-aral nang
mabuti
Landas mo ay liliwanag gaya ng dati;
Tanglaw mo ang ama’t ina mo
Karamay pati ang iyong guro.
Salamat, nakamit mo ang tagumpay
Sa tulong ng mga taong pumapatnubay;
At di ka nakalimot sa Diyos na
tumutunghay
Laging tandaan na Siya ang laging gabay.
* Basahin ang tula, hanapin ang pangatnig na ginamit at bilugan.
Sabihin kung pamukod, paninsay, panubali, pananhi, panlinaw o panapos.
Tanggapin mo ang
aking munting regalo...Ito’y tula
handog sa masigasig mong
pakikipagsapalaran sa pagtuklas ng
kaalaman na magagamit sa tuwid
na daan.
56. DESTINASYON
Marahil napawi ang lahat ng takot mo at pangamba. Sa
lahat ng pagsubok na iyong
napagtagumpayan ang tanging masasabi ko’y“
Mabuhay Ka!” Ang susi ng tagumpay ay
nasa iyo na, pagyamanin at ibahagi sa iba….