2. Balik-aral:
• Isang malaking sulirarin
ng pambansang
ekonomiya ang inflation.
• Ngunit may mga
hakbang na maaring
gawin ang pamahalaan
upang mabawasan ang
epekto nito sa mga
konsyumer.
3. Panimula:
• Iba’t iba ang kalagayan ng pambansang
ekonomiya. Minsan ito ay aktibo at
nakararanas ng paglago. Minsan ito ay
atrasado at hindi kanais-nais. Sa ekonomiks,
tinatawag ito bilang economic fluctuations.
• Lahat ng bansa ay nakararanas ng
economic fluctuations. Maaaring makaranas
ng pagbagal ng takbo ng ekonomiya ang
mauunlad ang bansa. Maaaring sumigla ang
ekonomiya ng mga papaunlad na bansa.
4. Economic Fluctuations
• Ito ang pabago-bagong kalagayan ng
pambansang ekonomiya sa maikling
panahon.
• Nakikita ito sa pabago-bagong kalagayan ng
produksyon, presyo ng bilihin at antas ng
paggawa (employment rate) sa isang
ekonomiya.
5. Boom Period at Bust Period
Boom Period
• Tawag sa panahon
kung saan
nakararanas ng
masiglang ekonomiya.
• Sa panahong ito,
mataas ang
produksyon ng bahay-
kalakal at mataas ang
paggastos ng
sambahayan
(consumer spending).
Bust Period
• Tawag sa panahon
kung saan
nakararanas ng
matamlay na
ekonomiya.
• Sa panahong ito,
mababa ang
produksyon ng bahay-
kalakal at mababa ang
consumer spending.
6. Konsepto ng Patakarang Piskal
• Ang pamahalaan ay may mahalagang papel
upang ang ekonomiya ay gumanap ng
maayos at maging matatag. Sa
pamamagitan ng patakarang piskal, maaari
nitong maimpluwensiyahan at makontrol ang
gawain ng sambahayan at bahay-kalakal.
7. Konsepto ng Patakarang Piskal
• Ang patakarang piskal ay tumutukoy sa
behavior ng pamahalaan patungkol sa
paggasta at pagbubuwis.
• Ang salitang piskal o fiscal ay nagmula sa
salitang latin na fisc, na ang ibig sabihin ay
basket o bag. Sa paglipas ng panahon, ang
salitang ito ay naiiugnay sa bag ng salapi o
partikular na salaping hawak ng pamahalaan.
Kaya’t sa madaling salita, ito ay tumutukoy sa
gampanin ng pamahalaan patungkol sa
paggasta at pagbubuwis. (Balitao et. al, 2014).
8. Konsepto ng Patakarang Piskal
• Ayon kay John Maynard Keynes (1935), ang
pamahalaan ay may malaking papel na
ginagampanan upang mapanatili ang
kaayusan ng ekonomiya. Dahil ang mga
desisyong nauukol sa patakarang piskal tulad
ng halaga ng gagastusin at halaga ng
ipapataw na buwis ay mahalagang desisyong
ginagawa ng pamahalaan.
9. Patakarang Piskal
(Fiscal Policy)
• Ang pagkontrol ng pamahalaan sa ekonomiya
upang mapatatag ang pambansang
ekonomiya.
• Nakapaloob dito ang:
• paghahanda ng badyet,
• pangungulekta ng buwis
• paggamit ng pondo.
11. Expansionary Fiscal Policy
• Layunin nito na mapasigla ang pambansang
ekonomiya. Ginagawa ito upang mahikayat ang
mga mamimili na gumastos.
• Kabilang dito ang pamumuhunan ng
pamahalaan at pagbabawas sa ibinabayad na
buwis.
• Ang ganitong gawain ay magpapataas sa
demand, magpapababa sa presyo ng kalakal
at magpapalaki sa output ng ekonomiya.
12. Contractionary Fiscal Policy
• Layunin nito na bawasan ang sobrang kasiglahan
ng ekonomiya dahil ang labis na mataas na demand
sa suplay ay magdudulot ng inflation.
• Kabilang sa mga hakbang nito ang pagbabawas sa
gastusin ng pamahalaan, pagsasapribado ng ilang
pagpublikong korporasyon at pagpapataas sa singil
na buwis.
• Ang ganitong gawain ay magpapababa sa demand,
magpapataas sa presyo ng kalakal at
pagbabawas sa output ng ekonomiya
13. Pinagmumulan ng Kita ng Pamahalaan
• Kita mula sa buwis
(81%)
• Kitang di-mula sa
buwis (19%)
14. Ano ang buwis (tax)?
• Ang salapi na sapilitang kinukuha ng
pamahalaan sa mga mamamayan.
• Ito ay maaaring ipataw ng pamahalaan sa
mga ari-arian, tubo, kalakal o serbisyo.
• Ang buwis ay sakop ng kapangyarihan ng
pamahalaan.
15. Layunin ng pagbubuwis
• Mapataas ang kita ng pamahalaan.
• Pagpapatatag ng ekonomiya.
• Mapangalagaan ang industriyang panloob
laban sa mga dayuhang kalakal.
• Gamit para sa tamang distribusyon ng kita.
• Regulasyon para sa tamang pagbili at
pagkonsumo ng kalakal.
16. Uri ng buwis
• Tuwiran (direct tax) – buwis na tuwirang
ipinapataw sa mga indibidwal o bahay
kalakal.
• Hal. with-holding tax
• Di-tuwiran (indirect tax) – buwis na
ipinapataw sa mga kalakal o serbisyo.
• Hal. Value-added tax
17. Mga halimbawa ng buwis:
• Buwis sa kinikita ng mamamayan – income tax
• Buwis sa mga may-ari ng sasakyan – road user’s
tax
• Buwis sa mga may-ari ng negosyo – business tax
• Buwis sa mga binibiling kalakal – Value added tax
• Buwis sa mga libangan tulad ng sinehan, parke, at
sugalan – amusement tax
• Buwis sa mga kalakal na galing ibang bansa –
import duties tax
18. Sangay ng pamahalaan na
kumokolekta ng buwis
• Bureau of Internal Revenue (BIR) –
nangangalap ng buwis sa mga kalakal o
serbisyo mula sa loob ng bansa.
• Bureau of Customs (BOC) - nangangalap
ng buwis sa mga kalakal o serbisyo mula sa
labas ng bansa.
19. Pambansang Badyet
(National Budget)
• Isang plano kung paano tutugunan ng
pamahalaan ang mga gastusin nito.
• Naglalaman ito ng inaasahang kita at
ipinakikita rin kung paano gagastusin ang
kitang ito.
• Naglalaman ng halaga ng salaping
inaasahang matatanggap ng pamahalaan sa
isang takdang taon.
• Kilala rin ito sa tawag na General
Appropriations Act (GAA)
20. Pambansang Badyet
• Sa paghahanda ng badyet, binibigyan ng
pansin kung magkano ang gagastusin sa
programa ng pamahalaan tulad ng depensa,
edukasyon at kalusugan.
• Ang kabuuang gastusin ay maaring baguhin
upang mapataas o mapababa ang output ng
ekonomiya.
21. Sitwasyon ng Budget
• Budget Deficit – nagaganap kung mas
mataas ang gastos sa kita ng pamahalaan.
• Budget Surplus – nagaganap kung mas
mataas ang kita sa gastos ng pamahalaan.
22. Mga sangay ng pamahalaan na
namamahala ng pambansang badyet
• Department of Finance (DOF)
• Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
• National Economic and Development
Authority (NEDA)
• Department of Budget and Management
(DBM)
• Commission on Audit (COA)
23. Pagbuo ng Pambansang Badyet
• Budget Preparation – paghahanda ng
panukalang badyet.
• Budget Legislation – pagsusuri at pag-apruba
(o hindi pag-apruba) ng panukalang badyet.
• Budget Execution – pagbibigay ng badyet at
paggamit nito.
• Budget Accountability – paghahanda ng ulat
upang malaman kung nagamit ng tama ang
pambansang badyet.
24. Checks and Balances
• Pagtiyak na hindi maaabuso ng anumang
sangay ng pamahalaan ang kanilang
kapangyarihan sa usapin ng paglalaan ng
limitadong pondo ng bayan sa iba’t ibang
sektor ng lipunan.
25. Gastusin ng Pamahalaan ayon sa Uri
• Personal Services (PS) – gastusin para sa
suweldo, honoraria at bonuses ng mga
kawani ng pamahalaan.
• Maintenance and Other Operating Expenses
(MOOE) – gastusin para sa operasyon tulad
ng kuryente, papel, tubig, gasolina at iba pa.
• Capital Outlay (CO) – gastusin para sa
karagdagang asset tulad ng gusali, lupa,
sasakyan o makinarya.
26. Gastusin ng Pamahalaan ayon sa Sektor
• Serbisyong Pang-ekonomiya – gastusin sa
pagpapaunlad ng mga programang
pangkaunlaran tulad ng kalakalan, industriya
at turismo.
• Serbisyong Panlipunan – mga gastusin sa
edukasyon, kalusugan, transportasyon etc.
• Pambansang Tanggulan – mga gastusin sa
pagpapanatili ng katahimikan at seguridad.
27. Gastusin ng Pamahalaan ayon sa Sektor
• Pangkalahatang Pampublikong Paglilingkod
– mga gastusin sa pagsasagawa ng
tungkuling pansibiko tulad ng tulong sa
panahon ng kalamidad, pagpapautang etc.
• Pambayad utang – gastusin na
pinambabayad sa mga utang ng bansa
panlabas o panloob.
28. Gastusin ng Pamahalaan ayon sa Sektor
Pambayad
Utang
24%
Serbisyong
Panlipunan
30%
Serbisyong
Pang-
ekonomiko
24%
Pambansang
Tanggulan
5%
Pangkalahatang
Pampublikong
Paglilingkod
17%
29. Isaisip:
• Mahalaga ang bahaging ginagampanan
ng pamahalaan sa paglago o
pagpapatatag ng ekonomiya ng bansa.
Kailangan nitong suriin ang sitwasyon ng
ekonomiya upang makabuo ng tamang
desisyon na may kinalaman sa
patakarang ipatutupad nito.
• Malaking hamon sa bansa ang epektong
hatid ng Covid 19 pandemic. Nagdulot ito
ng mga suliraning pang-ekonomiya na
sumubok sa husay ng pamahalaan kung
paano tutugunan ang mga hamon nito.
30. • Anong sektor ng pamahalaan ang dapat
na magkaroon ng karagdagang badyet at
alin ang dapat bawasan ang badyet?
PAGPAPAHALAGA
TAKDA:
Isulat ang sagot sa ½ crosswise na papel. COPYAND
ANSWER. Isulat ang pangalan, lagda at Valid ID number
ng magulang o guardian.
31. References:
• Balitao B.R. (2015), EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan –
Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon, Department of
Education
• Chua J.L. (2001), Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
• De Leon, Z.M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-
unlad, Vibal Publishing House
• Mateo, G.C. et. al.(2012), Ekonomiks Mga Konsepto at
Aplikasyon, Vibal Publishing House
• Nolasco, L.I. et. al. (2004), Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, Vibal Publishing House
• Mapisa C.T. et. al.(2021) Araling Panlipunan Ikatlong
Markahan – Modyul para sa Sariling Pagkatuto 10, Konsepto
ng Patakarang Piskal, (Unpublished) DepEd Division of Pasig
City
32. References:
• Salabao M.M. et. al.(2021) Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul para sa Sariling
Pagkatuto 11, Dalawang Uri ng Patakarang Piskal,
(Unpublished) DepEd Division of Pasig City
• Eko and Miya characters used with permission from
the National Economic Development Authority
(NEDA) retrieved March 20, 2020 from
http://2040.neda.gov.ph/eko-and-miya-series