MELC_Aralin 18-Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
1. Aralin 18
Konsepto at Palatandaan ng
Pambansang Kaunlaran
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
2. Panimula:
• Pinagtuunan sa nakaraang markahan
ang pambansang ekonomiya bilang
kabahagi sa pagpapabuti ng
pamumuhay ng kapwa mamamayan
tungo sa pambansang kaunlaran.
• Lubhang mahalaga ang maayos na
ugnayan ng lahat ng sektor ng
ekonomiya upang ganap na matamo
ang pambansang kaunlaran.
3. Mga sektor ng ekonomiya atbp.
Kaunlaran
Agrikultura
Industriya
Paglilingkod
Impormal na
Sektor*
Kalakalang
Panlabas*
4. Mga sektor ng ekonomiya
• May mahahalagang papel na ginagampanan ang
mga sektor ng ekonomiya (agrikultura, industriya, at
paglilingkod), gayundin ng impormal na sektor at
kalakalang panlabas; upang maisakatuparan ang
pagkakamit ng pambansang kaunlaran.
• Lahat ng mamamayang Pilipino ay may mga
tungkuling dapat gampanan upang makamit ang
pambansang kaunlaran.
5. Mga sektor ng ekonomiya
• Primarya (agrikultura) – paglikha ng pagkain at mga
hilaw na materyales.
• Sekundarya (industriya) – pagpoproseso sa mga hilaw
na materyales, konstruksyon, pagmimina, at paggawa ng
mga kalakal.
• Tersarya (paglilingkod) – umaalalay sa buong yugto ng
produksyon, distribusyon, kalakalan at pagkonsumo ng
kalakal sa loob o labas ng bansa. Kabilang dito ang
transportasyon, komunikasyon, pananalapi, kalakalan at
turismo.
6. KONSEPTO NG PAG-UNLAD
• Ang pag-unlad ay pagbabago mula sa mababa
tungo sa mataas na antas ng pamumuhay.
(Merriam-Webster)
• Ang pag-unlad ay isang progresibong proseso ng
pagpapabuti ng kondisyon ng tao, gaya ng
pagpapababa ng antas ng kahirapan, kawalan ng
trabaho, kamangmangan, di-pagkakapantay-pantay,
at pananamantala. (Fajardo, 1994)
7. Alin sa mga sumusunod ang masasabing
may pag-unlad sa kanyang buhay?
8. KONSEPTO NG PAG-UNLAD
• Malaki ang pagkakaiba ng pagyaman sa pag-unlad.
Ang pagyaman ay ang paglago ng yaman o pagdami
ng pera. Ang pag-unlad ay ang pagkakaroon ng
maayos na pamumuhay sa pamamagitan ng mataas
na kalidad ng buhay (quality of life) at kalayaang
magpasya (freedom of choice).
• Sa makatuwid, hindi lahat ng mayaman ay may
maunlad na buhay.
9. Dalawang Magkaibang
Konsepto ng Pag-unlad
• Ayon kina Michael P. Todaro at
Stephen C. Smith sa kanilang
aklat na Economic
Development (2012); may
dalawang magkaibang
konsepto ng pag-unlad: ang
tradisyonal na pananaw at
makabagong pananaw .
10. Tradisyonal na Pananaw
• Sa tradisyonal na
pananaw, binigyang-diin
ang pag-unlad bilang
pagtatamo ng patuloy na
pagtaas ng antas ng per
capita income (kita ng
bawat tao) o pagtaas ng
kita ng bansa (GNP at
GDP).
11. Makabagong Pananaw
• Sa makabagong pananaw ng pag-unlad, isinasaad
na ang pag-unlad ay kumatawan sa malawakang
pagbabago sa buong sistemang panlipunan. Dapat
na ituon ang pansin sa iba’t ibang
pangangailangan at nagbabagong hangarin ng
mga tao at grupo sa nasabing sistema upang
masiguro rin ang paglayo mula sa di-kaaya-ayang
kondisyon ng pamumuhay tungo sa kondisyon na
mas kasiya-siya.
12. KONSEPTO NG PAG-UNLAD
• Sa akdang “Development as Freedom”
(2008) ni Amartya Sen, kanyang
ipinaliwanag na ang kaunlaran ay matatamo
lamang kung mapauunlad ang yaman ng
buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng
ekonomiya nito.
• Upang matamo ito, mahalagang bigyang
pansin ang pagtanggal sa mga ugat ng
kawalang kalayaan tulad ng kahirapan,
diskriminasyon at hindi pagkakapantay-
pantay at ng iba pang salik na naglilimita sa
kakayahan ng mga mamamayan.
13. KKK ng Pag-unlad ayon kay
Amartya Sen
• Kayamanan - mataas na kita
• Kalayaan - malayang magpasya
• Kaalaman - maayos na edukasyon
14. Mga Palatandaan ng Pag-unlad
• Makatwiran at dinamikong kaayusang
panlipunan
• Kasaganaan at Kasarinlan
• Kalayaan sa kahirapan, hanapbuhay para sa
lahat, umaangat na istandard ng pamumuhay
at mainam na uri ng buhay para sa lahat.
• Sapat na mga lingkurang panlipunan
• Katarungang Panlipunan
15. Sukatan ng Kaunlaran ng Bansa
ayon sa United Nations (UN)
• Maliban sa paggamit ng GDP at GNP, ginagamit ang
Human Development Index (HDI) bilang isa sa mga
panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa.
• Ang HDI ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng
kakayahan ng isang bansa na matugunan ang
mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao (Full
Human Potential). Kabilang dito ang kalusugan,
edukasyon at antas ng pamumuhay.
16. Human Development Index (HDI)
• Kalusugan - ginagamit na pananda ang haba ng buhay
at kapanganakan. Ipinapahiwatig dito ang bilang ng
taon na inaasahang itatagal ng isang sanggol kung ang
mga umiiiral na dahilan o sanhi ng kamatayan sa
panahon ng kaniyang kapanganakan ay mananatili
habang siya ay nabubuhay.
17. Human Development Index (HDI)
• Edukasyon – ginagamit na sukatan ang mean years of
schooling at expected years of schooling. Ang mean
years of schooling ay tinatayang 25 taong gulang.
Samantalang 18 taon naman ang expected years of
schooling.
• Antas ng pamumuhay - nasusukat gamit ang gross
national income per capita.
18. Kahalagahan ng HDI
• Ang Human Development Index (HDI) ay nilikha upang
bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan
ang dapat na pinakapangunahing pamantayan sa
pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa, hindi lang ang
pagsulong ng ekonomiya nito.
• Ang Human Development Report ay pinasimulan ni
Mahbub ul Haq noong 1990. Ayon sa kaniya, ang
pangunahing hangarin ng pag-unlad ay palawakin ang
pamimilian (choices) ng mga tao sa pagtugon sa
kanilang mga pangangailangan.
19. Kahalagahan ng HDI
• Ilan sa mga ito ang mas malawak na akses sa
edukasyon, maayos na serbisyong pangkalusugan, mas
matatag na kabuhayan, kawalan ng karahasan at
krimen, kasiya-siyang mga libangan, kalayaang
pampolitika at pangkultura, at pakikilahok sa mga
gawaing panlipunan.
• Ang layunin ng pag-unlad ay makalikha ng kapaligirang
nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao na magtamasa
ng matagal, malusog, at maayos na pamumuhay.
20. Antas ng Kaunlaran ng Bansa
• Maunlad na Bansa (Developed Economies) – Ito ay
mga bansang may mataas na Gross Domestic Product
(GDP), income per capita at mataas na HDI.
• Umuunlad na Bansa (Developing Economies) – Ito ay
mga bansang may mga industriyang kasalukuyang
pinauunlad ngunit wala pang mataas na antas ng
industriyalisasyon. Hindi pantay ang GDP at HDI.
• Papaunlad na Bansa (Under Developed Economies)
– Ito ay mga bansa na kung ihahambing sa iba ay kulang
sa industriyalisasyon, mababang antas ng agrikultura at
mababang GDP, income per capita at HDI.
22. Mga Salik sa Pag-unlad
• Istitusyong Panlipunan (Social Institution)
(50%)
• Kultura (Culture) (20%)
• Heograpiya (Geography) (30%)
Film Viewing:
Why some countries are Poor and Others Rich
(https://www.youtube.com/watch?v=9-4V3HR696k)
23. Salik na maaaring makatulong sa
pagsulong ng ekonomiya
Likas na
yaman
Yamang Tao
Kapital
Teknolohiya
at
Inobasyon
24. Salik na maaaring makatulong sa
pagsulong ng ekonomiya
• Likas na Yaman. Malaki ang naitutulong ng mga
likas na yaman sa pagsulong ng ekonomiya lalong-
lalo na ang mga yamang-lupa, tubig, kagubatan, at
mineral. Subalit hindi kasiguraduhan ang mga likas
na yaman sa mabilis na pagsulong ng isang bansa.
• Yamang-Tao. Isa ring mahalagang salik na
tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya ang lakas-
paggawa. Mas maraming output ang nalilikha sa
isang bansa kung maalam at may kakayahan ng
mga manggagawa nito.
25. Salik na maaaring makatulong sa
pagsulong ng ekonomiya
• Kapital. Sinasabing lubhang mahalaga ang kapital
sa pagpapalago ng ekonomiya ng isang bansa. Sa
tulong ng mga kapital tulad ng mga makina sa mga
pagawaan ay nakalilikha ng mas maraming
produkto at serbisyo.
• Teknolohiya at Inobasyon. Sa pamamagitan ng
mga salik na ito, nagagamit nang mas episyente
ang iba pang pinagkukunang-yaman upang mas
maparami pa ang mga nalilikhang produkto at
serbisyo.
26. Mga Tungkulin para sa
Pag-unlad ng Bansa
• Suportahan ang ating pamahalaan.
• Sundin at igalang ang batas
• Alagan ang ating kapaligiran
• Tumulong sa pagpuksa sa korupsiyon at
katiwalian sa pamahalaan.
• Maging produktibo. Linagin at gamitin ang
sariling kakayahan at talento sa mga
makabuluhang bagay.
• Tangkilikin ang mga produktong Pilipino.
• Magtipid ng enerhiya
• Makilahok sa mga gawaing pansibiko.
27. Isaisip:
• Ang pag-unlad ay isang multidimensiyonal na
prosesong kinapapalooban ng malaking
pagbabago sa istruktura ng lipunan, gawi ng
mga tao at mga pambansang institusyon,
gayundin ang pagpapabilis ng pagsulong ng
ekonomiya, pagbawas sa di pagkakapantay-
pantay at pag-alis ng kahirapan.
• Ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang
dapat na pinakapangunahing pamantayan sa
pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa, hindi
lang ang pagsulong ng ekonomiya nito.
28. • Ano ang maari mong gawin bilang isang
mag-aaral sa pag-unlad ng ating bansa.
PAGPAPAHALAGA
TAKDA:
Isulat ang sagot sa ½ crosswise na papel. COPYAND
ANSWER. Isulat ang pangalan, lagda at Valid ID number
ng magulang o guardian.
29. References:
• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para
sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
• Why some countries are Poor and Others Rich
(https://www.youtube.com/watch?v=9-4V3HR696k)
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI
30. References:
• Bantes R.E. et. al.(2020) Araling Panlipunan Ika-apat
na Markahan – Modyul 18 Mga Palatandaan ng
Pambansang Kaunlaran, (Unpublished) DepEd
Division of Iligan City
• Eko and Miya characters used with permission from
the National Economic Development Authority
(NEDA) retrieved March 20, 2020 from
http://2040.neda.gov.ph/eko-and-miya-series