SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 144
Descargar para leer sin conexión
Lay Catholic Apologetics
Christology: Answering Objections against the
Divinity of our Lord Jesus Christ the Layman’s Way
Bro Humphrey A. Beña, SPMS
Member, Saint Peter’s Men Society,
Catholic Lay Apologetics
WHAT WE BELIEVE: The Council of Nicaea I
“We believe in one Lord, Jesus Christ, the only-begotten Son of God,
God from God, light from light, true God from true God, begotten, not
made, one in being with the Father. Through him all things were made”
(Creed of Nicaea [A.D. 325]).
“But those who say, ‘There was a time when he [the Son] did not exist,’
and ‘Before he was born, he did not exist,’ and ‘Because he was made
from non-existing matter, he is either of another substance or essence,’
and those who call ‘God the Son of God changeable and mutable,’
these the Catholic Church anathematizes” (Appendix to the Creed of
Nicaea [A.D. 325]).
Introduction
What is Apologetics?
-Apologetics is the branch of Theology that deals with the systematic
defense of the faith through the use of reason and facts.
What is Christology?
-Christology is the study of the Christ, the central figure of the Christian
Faith, it deals with the understanding on the Divinity and Humanity of
Jesus Christ, being one Divine Person with two distinct natures.
Why do we need apologetics?
• Apologetics is not merely a pure argumentation and debate, rather it
aims for the realization of truth, strengthening of faith, and the
conversion of the lost. Apologetics must be viewed as an important
part of our Catholic Faith, especially us, the laity, so that for at least,
we can defend, explain and live our faith the fullest, in this particular
topic, the knowledge of the truth of Christ is our aim, in order for us
to find the truth, and by finding the truth comes salvation. But doing
apologetics entitles us to be gentle and loving as the Bible says, be
always ready to defend the faith in a nice and gentle manner (1 Peter
3:15-16).
“Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso at sambahin ninyo siya
bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang magpaliwanag sa
sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa na nasa
inyo.Ngunit maging mahinahon at magalang kayo sa inyong
pagpapaliwanag. Bilang mga lingkod ni Cristo, panatilihin ninyong
malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga nanlalait at
humahamak sa inyong magandang pag-uugal.”
Pedro 3:15-16
Why Defend Christ?
• By virtue of our Baptism and Confirmation, we became soldiers of
Christ and adopted Children of God. It is the duty of every Christian to
defend Jesus Christ as what the Apostles, Early Christians and Church
Fathers did in order to secure and defend the pristine truth of the
Gospel and Christ.
“I am not worthy to be called a Catholic, if I cannot defend my faith.“
-St. Cyril of Alexandria
What’s inside?
This simple apologetic material contains basic questions and answers
about the objections and arguments coming from Unitarian who deny
the Divinity of Christ as well as guided styles in arguing with them.
It contains arguments referenced from already existing apologetic
articles and materials from Apologetics Organizations like the Saint
Peter’s Men Society, Catholic Faith Defenders, Apologetics Pages and
Books, Catholic Answers, Standard References and Catholic Apologists,
extracted and presented in the most possible simplest manner.
Ang tamang pagkakilala natin sa Panginoon at sa Diyos ay lubhang napakahalaga
para sa ating kaligtasan sa panahon na maraming nagpapakilala na pekeng Cristo.
Dumarami din ang mga nagtuturo ng maling Cristo. Sabi ng mga Unitarians at
ibang sekta, si Cristo ay hindi Diyos, sabi naman ng iba siya ay Diyos lamang. Pero
lahat ng ito ay mali kung hindi nakabatay mismo sa itinuturo ng ating Simbahan.
The Catechism of the Catholic Church tells us,
423 We believe and confess that Jesus of Nazareth, born a Jew of a daughter of
Israel at Bethlehem at the time of King Herod the Great and the emperor Caesar
Augustus, a carpenter by trade, who died crucified in Jerusalem under the
procurator Pontius Pilate during the reign of the emperor Tiberius, is the eternal
Son of God made man. He ‘came from God’, 4 ‘descended from heaven’, 5 and
‘came in the flesh’. 6 For ‘the Word became flesh and dwelt among us, full of
grace and truth; we have beheld his glory, glory as of the only Son from the
Father. . . And from his fullness have we all received, grace upon grace.’ 7
424 Moved by the grace of the Holy Spirit and drawn by the Father, we believe in
Jesus and confess: ‘You are the Christ, the Son of the living God.’ 8 On the rock of
this faith confessed by St. Peter, Christ built his Church. 9
“To preach. . . The unsearchable riches of Christ” 10
By confessing Christ, we are also responsible for defending the truth about Him,
for we believe that Christ is our Truth, He is the foundation of our faith.
Si Cristo ay Diyos
Sa Banal na Kasulatan, malinaw na inihahayag sa atin na ang Panginoong Hesus ay tunay
na Diyos. Siya ay ang Salita ng Diyos na kasama na ng Diyos at siyang Diyos (Juan 10:30),
siya ang Bugtong na Anak ng Diyos na Diyos na nagpakilala sa kanya(Juan 10:30). Ang
Salita na ito na isang Diyos ay naging Tao at nakita ng mga Apostol (Juan 1:14), siya
bagama’t tunay na Diyos at kapantay nito ay nagpakababa at naging tao, nakitulad sa
isang alipin at naging masunurin hanggang sa kamatayan sa Krus (Filipos 2:3, 5-8). Ito ay
dahil sa labis na pagmamahal sa atin ng Diyos (Juan 3:16) na kanyang ibinigay ang kaisa-
isang niyang Anak upang ang sinumang sumampalataya ay magkaroon ng buhay na
walang hanggan. Ito’y sa pamamagitan ng pagkakilala sa tunay at iisang Diyos (Juan
17:3), ito’y si Jesu-Cristo na tunay na Diyos at buhay na walang hanggan (1 Juan 5:20). Si
Cristo ay tunay na Diyos, siya ay Diyos gaya ng kanyang Ama, siya ang dahilan kaya tayo
ay nalikha(Juan 1:1-3, Col. 1:15-17), siya ang tinapay na nagbibigay buhay (Juan 6:48),
siya ang daan, ang katotohanan a, at buhay(John 14:6) at siya ay Panginoon at Diyos
nating lahat (Juan 20:28), siya ay muling darating, siya ang ating dakilang Diyos at
Tagapagligtas (Titus 2:13). Kaya malinaw ang patotoo ng Espiritu Santo, na ang ating
Panginoong Jesus ay tunay na Diyos, dapat nating sampalatayanan, dapat nating
ipaglaban.
Ano mang kamaliang masumpungan sa gawaing ito ay buong pananagutan ng may akda,
at hindi ng kanyang organisasyong kinaaaniban. Ano mang puna ang makita ay agad na
ipaalam sa may-akda para sa karapatang aksyon na maaring gawin.
Objection 1: May mababasa ba sa Biblia na
sinabi mismo ni Cristo na siya ay Diyos?
Sagot:
Meron! Christ said that he is God indirectly by saying that He and the Father are One
(John 10:30). Hindi na kailangan pa na sabihin niya letra por letra o direkta na siya ay
Diyos dahil siya ay nagpakumbaba at nag-anyong alipin(Phil. 2:3,5-8). Kokontra ito sa
kanyang pagpapakumbaba kung ipapangalandakan niya na siya ay Diyos. Kung kaya
sinabi ni Cristo ang mga bagay na palatandaan gaya ng, “I AM” (John 8:58). Now bakit
hindi na need ni Jesus Christ na patotohanang direkta na siya ay Diyos? Ganito ang
kanyang sinabi:
Juan 5:31-3
“Kung ako lamang ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, ang patotoo ko ay walang
katotohanan.Ngunit may ibang nagpapatotoo tungkol sa akin, at totoo ang kanyang
sinasabi.”
So, no need for Him to say that He is God directly dahil nga may ibang magpapatotoo
sa kanya gaya ng kanyang mga Apostol at mga Propeta.
Objection 2: Kung Diyos si Cristo bakit siya ay binuhay
ng Diyos? May Diyos bang binubuhay ng Diyos din?
Sagot:
Walang problema kung sinabi sa Bible na si Jesus ay binuhay muli ng Ama o kaya ay ng
Diyos. Dahil mababasa din sa Biblia na si Cristo ay may kakayahang buhayin ang
kanyang sarili na inihalintulad niya sa Templo (John 2:19-22). At siya ang “resurrection
and the life” (John 11:25), marapat dahil ganito ang kanyang sinabi, may
kapangyarihan pala siya na kusang ibigay at kuning muli ang kanyang buhay:
Juan 10:17-18
“Dahil dito'y minamahal ako ng Ama, sapagkat iniaalay ko ang aking buhay upang ito'y kunin
kong muli.Walang makakakuha ng aking buhay; kusa ko itong ibinibigay. Mayroon akong
kapangyarihang ibigay ito at kuning muli. Ito ang utos na tinanggap ko sa aking Ama.”
Kaya walang problema kung binuhay din siya ng Diyos Ama, it only means to say na
tama ang sinabi niya sa Juan 10:30 na sila ay iisa.
Objection 3: Bakit inamin mismo ni Cristo na
siya ay Tao sa Juan 8:40?
Sagot:
Sinabi niyang tao siya sa John 8:40 na nagsasaysay ng katotohanan na narinig
niya sa Diyos (Ama), dahil nga siya noong panahong iyon ay nasumpungan
bilang tao at nasa kalagayang tao (Phil. 2:5-8, John 1:1, 14), so natural na
sabihin niyang tao siya. Kaya nga naniniwala tayong mga Katoliko na si Cristo
ay may dalawang natures, ang Human at Divine na kalikasan, ang dalawang
ito ay distinct sa isa't-isa pero cannot be separated, yan ang tinatawag na
Hypostatic Union. Dalawang nature ni Cristo bilang isang Divine Person.
Gayunpaman, Kahit na siya ay tao ay minarapat ng Ama na manatili sa kanya
ang kanyang kalikasan(Col. 1:19), at ganito ang sinasabi:
Mga Taga-Colosas 2:9
“Sapagkat likas kay Cristo ang buong pagka-diyos kahit na siya’y
nagkatawang-tao.”
Objetion 4: Theophoric Name lang ba ang
nasa Isaias 9:6?
Sagot:
Walang problema kung iyon ay Theophoric name o Hindi, sapagka’t hindi lang ito nanatili
as simply as a name but nagkaroon ng katuparan lahat kay Cristo(Mat. 1:21-23):
Otoridad sa Balikat (Mat. 28:18)
Kamangha-manghang Tagapayo(Mat. 1:23, 4:23, Mark 1:22, etc)
Makapangyarihang Diyos (Rev. 1:8, 22:12)
Walang Hanggang Ama (John 10:30, John 14:9-10)
Prinsipe ng Kapayapaan (Col. 3:15)
Kaya malinaw na hindi lang iyon ikakabit sa pangalan ng bata kundi nagkaroon ng
katuparan din sa kanya.
Objection 5: Ayon sa Biblia, ano si Cristo
ngayon sa langit? Tao o Diyos?
Sagot:
Si Cristo ngayon sa langit ay parehong Tao at Diyos (Hypostatic Union). Walang tutol na si Cristo ay
tao sa langit (Psalm 80:17).
Pero malinaw din na siya ay Diyos sa langit, nakaluklok sa trono at kanan ng Ama (Psalm 110:1).
Now, Diyos din ba iyong nakaluklok na anak sa trono? Ganito ang sabi ng Ama:
Mga Hebreo 1:8
“Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos ay magpakailan pa man, ikaw ay
maghaharing may katarungan.”
There, ang Ama mismo ang tumawag na Diyos ang Anak, paano tayo makakasiguro na ang Anak nga
ang nakaupo sa trono? Dahil siya ang Kordero na nakaluklok sa gitna nito (Rev. 7:17).
So, malinaw, si Cristo ay Tao at Diyos na tunay sa langit.
Objection 6: Walang tumawag kay Cristo
na Diyos sa Biblia?
Sagot:
Marami, remember na sinabi ni Cristo na may ibang magpapatotoo sa kanya, ito ang ilan sa kanila na tumawag kay Cristo na Diyos:
Propeta Isaias: “Makapangyarihang Diyos” (Isaiah 9:6)
Apostol Juan: “Ang Salita(Cristo) ay Diyos, at Bugtong na Diyos” (John 1:1, 14, 18)
Apostol Pedro: “Makatarungang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo”(2 Peter 1:1)
Apostol Tomas: “Panginoon ko at Diyos ko!” (Kay Cristo) (John 20:28)
Apostol Pablo: “Dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo”(Titus 2:13), “Tunay na Diyos” (Phil. 2:5-8)
Ang Ama: “Sinabi sa Anak, ang iyong trono, O Diyos” (Heb. 1:8)
Objection 7: Bakit sinabi ni Cristo noong nakapako
siya sa Krus, “Diyos ko, Diyos ko”, may Diyos bang
tumatawag pa sa isang Diyos?
Sagot:
Do not be confused about sa Persona ng Ama na iba sa Anak, at natural kay Cristo
na tumawag sa Ama niya na Diyos noong nandito siya sa lupa dahil siya ay tunay
ding tao(John 8:40), pero sa talatang Mateo 27:46, at Markos 15:34, hindi ibig
sabihin non ay marami na ang Diyos o si Cristo ay ibang Diyos sa Ama, tandaan ang
nasa Juan 10:30 at Filipos 2:5-8, pero kaya sinabi ni Cristo yun ay upang ihayag na
siya nga ang katuparan ng nasa Awit 22 na ganito ang sabi sa unang verse:
Mga Awit 22:1
“O Diyos ko! Diyos ko! Bakit mo ako pinabayaan? Sumisigaw ako ng saklolo, ngunit
bakit di mo ako tinutulungan?”
Kapag binasa ang buong chapter ay mauunawaan ang kontexto nito na ukol sa
Messiah. Kaya nga noong sinitas iyon ni Cristo ay naihayag na natupad na iyon.
Objection 8: Ang Diyos ay Espiritu, na walang
laman at buto, paano ngayong Diyos si Cristo na
may laman at Buto?
Sagot:
Walang problema kung sinabi sa Bible na ang Diyos ay Espiritu dahil si Cristo,
ang Pangalawang Adan o Last Adam ay isa ding Espiritu (1 Cor. 15:45, 47),
siya ay Espiritung nagbibigay buhay.
Wala ding problema kung ang Diyos ay walang laman at buto(Luke24:39),
noon yun, dahil iyon ang alam ng mga Hudyo, pero ang ikalawang Persona ay
nagkatawang tao, nagkaroon na ng laman at buto sa Incarnation (John 1:1,
14, 18, Phil. 2:5-8).
At kung sasabihin na hindi Diyos si Cristo dahil ang Diyos ay dapat na Espiritu,
ibig bang sabihin non ay Diyos na din ang mga Anghel na mga espíritu
din(Hebrews 1:14)? Hindi, kaya malinaw sa Biblia na Diyos si Cristo na
nahayag sa laman (1 Tim. 3:16).
Objection 9: Aakyat si Cristo sa kanyang Ama
at Diyos sa John 20:17?
Sagot:
Tama. Tama ang sinabi ni Cristo na siya ay aakyat sa kanyang Ama, at
ating Ama at sa kanyang Diyos at ating Diyos sa Juan 20:17. Pero
walang tutol at hindi yan kontra sa pagiging Diyos ni Cristo, bakit?
Dahil natural lamang na tawagin niyang Diyos at Ama ang kanyang
Ama, dahil ganon din naman ang Ama sa kanya, tinawag din siyang
Anak at Diyos:
Mga Hebreo 1:8
“Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos ay
magpakailan pa man, ikaw ay maghaharing may katarungan.”
Objection 10:Si Cristo ay susuko at
papasailalim sa Ama ayon sa 1 Cor. 15:28?
Sagot:
Walang problema diyan, hindi ibig sabihin niyan na si Cristo ay hindi Diyos,
tumutukoy iyan hindi sa Substance o Nature ni Cristo kundi sa kanyang role as Anak
ng Ama. At yan ang kahayagan na siya ay nasa Ama at ang Ama ay nasa kanya (John
14:10).
Ang salitang ginamit sa submission o surrender diyan sa Greek ay “Hupotasso”, at
sa ibang mga talata ay mababasa din naman natin ang same word o kaya ay past
tense nito na “Hupotassomenos”. Ang salitang iyan ay ginamit sa mga babaeng
papasailalim sa mga asawa nila sa Efeso 5:22, ibig bang sabihin ay hindi na sila
“human” sa kalikasan? Hindi po. Iyan ay punapatungkol lamang sa role nila.
Same as through sa Lukas 2:51, si Cristo din naman ay nagpasailalim at naging
masunurin sa kanyang mga magulang, ibig bang sabihin nun ay mas
makapangyarihan at iba na ang nature ng kanyang mga magulang? Hindi po,
sapagka’t ang tinutukoy sa 1 Cor. 15:28 ay patungkol lamang sa gampanin at hindi
kalikasan.
Objection 11:Kung Diyos si Cristo bakit hindi siya
Omniscient at hindi alam ang araw ng kanyang
pagbabalik?
Sagot:
Noong sinabi ni Cristo na walang nakakaalam ng araw ng paghuhukom kahit pa ng
Anak kundi ang Ama lamang(Mat. 24:36, Mark 13:32) ay hindi ibig sabihin na si
Cristo ay hindi omniscient, kundi siya ay nagsasalita bilang isang taong limitado ang
kaalaman. Gayunpaman, ay hindi din niya papangunganahan ang Ama sa mga lihim
na para lamang sa Diyos at hindi na dapat alamin ng tao(Deut. 29:29). Bagkus,
nagbigay siya ng palatandaan gaya ng isang magnanakaw na hindi sasabihin ang
kanyang pagdating upang sa ganoon ay hindi siya abangan at di papasukin ng may
ari ng bahay (Mat. 24:36-42).Doon makukuha ang konteksto, sapagka’t si Cristo ay
darating na gaya ng magnanakaw.
At isa pa kung di alam ni Cristo lahat ng bagay dahil diyan, eh hindi din pala
omniscient ang Ama dahil sa Rev. 19:12 ay sinabing si Cristo lamang nakakaalam ng
kahulugan ng kanyang pangalan?
Pero malinaw ang sabi ni Apostol Pedro, alam ni Cristo ang lahat ng bagay kahit
dina tanungin (John 16:30, 21:17).
Objection 12: Since Diyos si Cristo siya ba ay
Omnipresent?
Sagot:
Oo naman, si Cristo ay omnipresent din o sumasalahat. Ito ang mga
halimbawa ng talata na nagpapatunay na si Cristo ay nasa lahat ng tao:
Mateo 28:20 “Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo.
Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng
panahon.”
Mateo 18:20 “Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa
pangalan ko, naroon akong kasama nila.”
Mga Taga-Colosas 3:11 “Kaya't sa kalagayang ito, wala nang pagkakaiba ang
Griego at ang Judio, ang tuli at ang di-tuli, ang dayuhan at ang mabangis na
tao, ang alipin at ang malaya. Ngunit si Cristo ang pinakamahalaga sa lahat,
at siya'y nasa inyong lahat.”
Objection 13: Pasado ba si Cristo sa talata ng
1 Timothy 1:17?
Sagot:
Oo naman! Pasadong-pasado, pero ano nga ba ang nasa talata? Ganito ang sabi: 1
Timoteo 1:17 “Purihin natin at luwalhatiin magpakailanman ang iisang Diyos,
Haring walang hanggan, walang kamatayan at di-nakikita! Amen.”
Pasado nga ba si Cristo sa mga criteria na iyan? Alamin natin.
1. Purihin at luwalhatiin (2 Peter 3:18, Rev. 5:12)
2. Haring walang hanggan (Luke 1:32-33)
3. Hindi nakikita (1 Peter 1:7-8)
4. Walang Kamatayan (Romans 6:9)
Ayon, malinaw at pasado ang Panginoon!
Objection 14: Sinabi ni Cristo na mas dakila sa
kanya ang Ama (John 14:28)?
Sagot:
Tama ang sinabi ni Cristo na ang Ama ay mas dakila sa kanya sa Juan 14:28, dahil
noong nagsasalita siya ay nasa kalagayang tao siya(Phil. 2:5-8), besides, Jesus is
talking about His office as the Son in incarnate nature not the Divine Nature o Banal
na kalikasan kung saan ay pantay sila ng Ama (Phil. 2:6, John 20:30). At si Cristo ay
nagpapakumbaba(Phil. 2:3, 5) kaya natural lamang na sabihin niya iyon. Pero kung
ating kukunin ang unawa, si Cristo ay ginawa kasing mas mababa sa mga
anghel(Hebrews 2:9), at malalaman din nating si Juan Bautista ay isang tao kung
saan walang mas dakilang tao sa kanya (Mat 11:11). Ibig bang sabihin ay mas
mataas si Juan kay Cristo(John 1:27)? Hindi, dahil iyan ay tumutukoy po sa
gampanin ni Cristo na ibinigay sa kanya ng kanyang Ama.
Pangalawa ayon sa mga Theologians ay ang relasyon ni Cristo sa Ama bilang Anak,
ang Anak at begotten by the begetter, kaya si Cristo ay más mababa patungkol sa
relasyon sa Trinity, ang Ama ang First Principle, tandaan na ang pagiging dakila ay
hindi lang patungkol sa kalikasan kundi sa gampanin, order, etc.
Objection 15: Si Cristo ay nagsimula lamang
kay Maria at walang pre-existence?
Sagot:
Mali po, ang nagsimula po kay Maria ay ang incarnate body of Christ, pero si Cristo
ay umiiral na bago pa pa lalangin ang daigdig (Gen. 1:1-3, 26), naroon na po ang
Salita ng Diyos at kasama sa paglalang(John 1:1-5, Col. 1:15-17, 1 John 1:1). Diyos
Ama mismo ang nagsabi na siya ay lumikha noong una( Heb. 1:8, 10).
Siya ay umiral na bago si Juan Bautista na nauna sa kanya literally (John 1:15), ang
kanyang kaluwalhatian ay nakita na ni Propeta Isaias (John 12:41), si Cristo ay mula
sa walang hanggan(Micah 5:2) same with the Father na mula sa walang
hanggan(Isaiah 43:13, Hab. 1:12). Si Cristo ay naroon na bago si Abraham(John
8:56-58). At siya ang karunungang meron na bago likhain ang daigdig(Prov. 8:22-
31).
Ilan lamang iyan sa mga patunay na si Cristo ay naroon na sa simula ng walang
pasimula, kaya nga ang Ama ay Ama sa walang pasimula dahil mayroon na siyang
Anak mula sa walang pasimula.
Objection 16: Ang Verbo o Word sa John 1:1
ay banaag at plano lamang o Divine Thought?
Sagot:
Walang problema kung ang Word o Salita sa Juan 1:1 ay Divine
Thought, Idea, plan, banaag etc ayon sa lexicon o Strong’s, dahil iyan
ang kahulugan ng salita. Pero ang Logos o Salitang iyan ay walang iba
kundi si Cristo na mayroon ng kalagayan noon pa man bilang Espiritu (1
Cor. 15:45-47), at siya muli ay nagkaroon ng bagong kalagayan bilang
tao(John 1:1, 14, Phil. 2:5-8). Si Cristo po ang Salita na iyan dahil
nagkatawang tao (John 1:14), walang problema kung ang kahulugan
niyan ay Plano etc, iyon ay sumisimbulo lamang sa function ng Logos.
Isa pa, si Cristo parin ang Salita (Rev. 19:13).
Objection 17: Si Cristo ay panukala o plano palang
na nasa isip ng Diyos ayon sa 1 Peter 1:20?
Sagot:
Ginagamit ng mga Unitarians ang salin ni Juan Trinidad para mas suportahan ang
kanilang argumento na si Cristo ay nasa isip palang ng Diyos bago likhain ang
daigdig sa 1 Pedro 1:20. Pero walang problema yun dahil ang ibig sabihin nun ay
pinili na siya o nasa isip na siya ng Diyos bago lalangin ang daigdig sa gawaing
pagliligtas, dahil siya ang magliligtas sa atin, at alam na ng Diyos iyon. Si Cristo ay
nasa isip ng Diyos, dahil siya din ang Karunungan ng Diyos(1Cor 1:24). Pero nalinaw
na si Cristo ay may kalagayan na at existing na noon pa (Heb. 1:8, 10), siya at sa
pamamagitan niya ay nalikha ang lahat ng bagay(Col. 1:15-17).
Sadyang binibigyan lang nila ng kung anu-anong pakahuluganan iyan at ginagamit
din ang talata ng Efeso 1:4, pero ang pagpili sa atin diyan ay iba kay Cristo, dahil
siya ang Prototokos at tayo ay mga nilikha, ang sinabing pagpili sa ating mga tao
bago likhain ang mundo ay patungkol sa pakikiisa natin kay Cristo na nakatakda na
bago pa tayo likhain.
Objection 18: Panganay si Cristo sa lahat ng
nilalang at una sa lahat ng nilikha sa Col. 1:15-17?
Sagot:
Hindi ibig sabihin niyan na si Cristo ay isang created being o nilalang, dahil
malinaw na siya ay manlalalang (Heb 1:10), ang ibig sabihin lang niyan kung
babasahin sa V. 16 ay siya ang dahilan at sa pamamagitan niya ay nalikha ang
lahat ng bagay. Dahil si Cristo ay “prototokos” sa ginamit na salita, ang ibig
sabihin ay tumutukoy ito sa kanyang “Pre-eminence”, at hindi sa oras ng
pagkalikha o pagkasilang.
Ang salitang “first born” kasi ay isang título na ginagawad ng isang ama sa
anak lalo na sa mga Hudyo gaya ng ginawa ni Abraham kina Isaac at Jacob,
ito ay basbas at hindi literal na para sa mga “first born o first child”. Ang
titulong ito ngayon ay iginawad ng Ama kay Cristo dahil si Cristo ay eternally
begotten by the Father.
Objection 19: Colossians 2:9 ay hindi patunay na Diyos si
Cristo dahil napupos din ng kapuspusan ng Diyos ang
mga alagad sa Ephesians 3:19?
Sagot:
Mali po ang kanilang pakahuluganan, sapagka’t ang tinutukoy sa Col. 2:9 ay
ang kalikasan at kapuspusan ng buong pagkaDiyos na nakay Cristo na siya
ding unang pinahayag sa Col. 1:19. Ang tinutukoy po ay kalikasan at hindi
kalagayan. Unlike sa Efeso 3:19, ang pagkapuspos naman doon ng
kapuspusan ng Diyos sa mga alagad ay tumutukoy naman sa pagkapuspos
nila ng Espiritu Santo upang magkaroon ng kaunawaan. Equivocation fallacy
po ang kanilang ginagawa, kaya para maunawaan ay basahin ang mga talata
ng Efeso 3:17-20 upang makuha ang buong context.
Dapat palang sila ay mapuspos ng Espiritu Santo (Eph. 5:18)at naipauna nang
sabihin na iyon ay para sa pagkakilala kay Cristo(Eph 3:4), ito ang naidudulot
ng Espiritu Santo (1 John 2:20).
Objection 20: Walang definite article na “ho” ang
John 1:1c kaya ang salitang “God” doon ay
adjective?
Sagot:
Hindi dahil kulang ng definite article na “ho” bago sa salitang “Theos” sa Juan 1:1c
ay ibig sabihin ay adjective na ito at hindi Diyos ang salita. Ito ay mahinang
argumento dahil si Juan mismo ay gumamit sa maraming paraan ng salitang Theos
to pertain to the One True God na walang definite article gaya sa Juan 1:18.
Sa katunayan pati ang Biblia ng mga Unitarian na Jehovah’s Witness na New World
Translation ay gumamit din ng salitang Theos sa maraming paraan at isinalin ito as
God hindi god o divine kahit na walang definite article bago nito. Sa Luke 7:43, at
14:11 maging sa 2 Cor. 4:4 ay ginamit din naman ang salitang “God”, at naisalin ito
bilang isang noun kahit walang definite article bago ang salitang “theos” sa orihinal
na manuscripts.
Ang malinaw po ay consistent ang paggamit ni Juan sa salitang “Theos” na kahit
walang definite article na “ho” ay ginamit sa pagtukoy Diyos at kung sana ay
adjective lang ito, minarapat sana niyang gamitin ang salitang “divine” instead na
God.
Objection 21: Nagulat si Tomas nang sabihin niya
sa John 20:28, “Panginoon ko at Diyos ko”?
Sagot:
Mali. Una hindi po pwedeng nagulat si Tomas dahil bago ang pangyayaring
iyon ay nagkausap at nakita at nahipo na niya ang Panginoon(John 20:25-29),
expected na ni Tomas iyon at yun ang nais niya (V 25), kaya nung nagpakita si
Cristo sa kanya ay kanya itong hinipo muna(V 27).
Hindi din pwedeng magulat si Tomas dahil nga sa tradisyon ng mga Hudyo ay
hindi maaaring gamitin sa walang kabuluhan ng ngalan ng Diyos ayon sa
Exodus 20:7 dahil magiging katumbas nun ay blasphemy na pinakaiiwasan ng
mga Hudyo gaya ni Tomas, dahil ang kaparusahan din ng salang iyon ay
kamatayan. Hindi sila gaya nating mga Pilipino na napapa“OMG”, sa halip ay
batid talaga ni Tomas ang kanyang sinabi. At hindi din pagkagulat ang
paggamit ng bantas na (!) kundi expression ng malakas na pananampalataya,
ang bantas ay para sa isang strong feeling of emotion.
Objection 22: Nagkamali si Tomas sa John 20:28 nung
sabihin niyang Panginoon ko at Diyos ko kay Cristo?
Sagot:
Again, gaya ng pagkagulat ni Tomas daw ay wala na naman itong
katotohanan. Sa katunayan, iniuugnay nila ito sa argumento na yung
salitang Panginoon ay kay Cristo, at ang Diyos ay sa Ama na. Mali po
dahil sa Greek ay mababasa ang salitang “Autos” na isang dative case at
personal possessive pronoun, na ang ibig sabihin ay “to him”, kapag po
ginamit ang salitang iyan ay punapatungkol lamang iyan sa taong
kausap o kaharap, hindi sa ibang tao. Yan ay direkta po sa taong kausap
ng nagsasalita at wala pong ibang kausap doon si Tomas kundi si Cristo.
Isa pa, ay kung nagkamali si Tomas, sana ay itinuwid siya ni Cristo gaya
ng kanyang ginagawa pag nagkakamali sila halimbawa sa Lukas 9:55.
Pero sa halip ay kaniya itong pinalakas at sinang-ayunan(John 20:29).
Objection 23: Kung Diyos si Cristo at Diyos
ang Ama, ibig sabihin marami ang Diyos?
Sagot:
Maling unawa. Ang Divine Nature po ay iisa, ang Diyos kung ganon ay
iisa pero may tatlong persona sharing the same substance, 100% sila ay
Diyos kahit na magkakaibang persona pero ang nature ay undivided.
Una, walang problema kung si Cristo ay Diyos, dahil Diyos naman talaga
siya, at hindi din dadami ang Diyos dahil si Cristo at ang Ama ay iisa sa
substance o kalikasan (John 10:30), at ang Ama ay nasa kanya at siya ay
nasa Ama(John 14:10).
Iisa lang ang Diyos.
Objection 24: 1 Timothy 2:5, si Cristo ay taong
tagapamagitan sa Ama na Diyos?
Sagot:
Wala namang problema diyan. Dahil si Cristo ay tunay na Tao(John
8:40) at tunay na Diyos (John 20:28) at iisang Divine Person, siya
ngayon ang tanging tagapamagitan sa Tao at sa Diyos. Sapagka’t
naranasan niya ang ating mga karanasan(1 Peter 4:1), alam niya ngayon
ang paghihirap natin. Kaya nga siya ang pinakaperpekto upang
mamagitan sa atin.
Take note, walang sinabi sa talata na si Cristo ay hindi Diyos. Bagkus
pinatutunayan niya na si Cristo ay tunay na Tao at Diyos. Ito ay
tumutukoy sa kanyang gawain at hindi sa kanyang kalikasan.
Objection 25: May iisang Diyos lamang, ang Ama,
at may iisang Panginoon, si Cristo (1 Cor. 8:6)?
Sagot:
Tama naman yan, may iisang Diyos tayo ang Ama na kung saan ay nagmumula ang lahat ng bagay. Dahil ang
Ama ang source of all things(1Cor. 8:6).
At mayroon din namang iisang Panginoon si Jesu-Cristo, na sa pamamagitan niya lahat ay nalikha at may buhay.
Ang talatang iyan po ay tumutukoy sa dalawang persona, ang Ama at Anak, at sa kanilang tungkulin, ang Ama
bilang source of all things, at si Cristo bilang sa kanya ay nalikha at may buhay ang lahat. Hindi po yan tutol na si
Cristo ay Diyos, bagkus sinasabi lamang ang gawain nila ng Ama. Sa Ama lamang (na Diyos) nagmula ang lahat,
at kay Cristo naman na (Panginoon) nabubuhay at nalikha ang lahat.
Kung palalabasin na ang Ama lang ang Diyos dahil sinabing siya lamang ang iisang Diyos, ibig sabihin ay si Cristo
lamang din ang Panginoon dahil siya lamang ang iisang Panginoon?
Paano ngayon yan, kung ang Ama ay tinawag ding Panginoon sa Biblia? At si Cristo naman ang Panginoon ng
mga Panginoon (Rev 17:14)?
Alam natin na iisa ang Diyos (Deut. 6:4), at iisa ang Panginoon. Kaya nga si Cristo at ang Ama ay iisa (John
10:30). At ang contrast niyan ay laban sa mga diyus-diyosan at pekeng Panginoon na nasa V4-5.
Objection 26: Ang Diyos ay hindi Tao ayon sa
Hosea 11:9?
Sagot:
Para maunawaan natin ay basahin natin ang Hosea 11:8-9:
Hosea 11:8-9“Pababayaan ba kita, Efraim? Ikaw ba'y ibibigay ko sa kaaway,
Israel? Maitutulad ba kita sa Adma?Magagawa ko ba sa iyo ang aking ginawa
sa Zeboim? Hindi ito kayang gawin ng puso ko; kahabagan ko'y
nananaig.Hindi ko ipadarama ang bigat ng aking poot; Hindi ko na muling
sisirain ang Efraim. Sapagkat ako'y Diyos at hindi tao, ang Banal na Diyos na
nasa kalagitnaan ninyo, at hindi ako naparito upang kayo'y wasakin.”
Ang Diyos ay hindi tao, ang context po kasi niyan ay ang gawain at kalooban
ng tao na hindi gawain, kalooban o kaisipan ng Diyos. Kumbaga ang Diyos ay
hindi gaya ng tao mag-isip at kumilos gaya ng nasa talata, hindi siya gaya ng
tao na padalos-dalos lalo na sa galit at paghihiganti. Hindi po sinabi diyan na
ang Diyos ay hindi kayang maging tao na naganap na nga sa Fil. 2:5-8).
Objection 27: Ang Tao ay hindi Diyos ayon sa
Ezekiel 28:2?
Sagot:
Tama naman ang nasa Ezek. 28:2 pero para ating maunawaan ay ganito ang sabi sa
talata:
Ezekiel 28:1-2 “Sinabi sa akin ni Yahweh:“Ezekiel, anak ng tao, sabihin mo sa pinuno
ng Tiro na ito ang ipinapasabi ko sa kanila: Sa iyong kapalaluan ay sinabi mong isa
kang diyos. Nakaluklok kang parang diyos sa gitna ng karagatan bagama't ang
totoo'y hindi ka diyos kundi tao lamang. Pinipilit mong abutin ang isipan ng isang
diyos.””
Ayon, ang konteksto pala ng nasabing “ang Tao ay hindi Diyos” ay ang paghahangad
ng isang tao na siya ay maging gaya ng Diyos. Sa nasabing talata ay pinasasabi ng
Diyos sa hari ng Tiro na siya ay tao at hindi Diyos, dahil inaakala niya at tinuturing
ang sarili bilang isang Diyos dahil sa kanyang kapalaluan.
Walang sinabi sa Bible si Cristo ay Tao na naging Diyos, bagkus siya ay Diyos na
naging Tao (Phil. 2:5-8). Kaya hindi applicable ang katwiran na iyan.
Objection 28: Si Cristo at ang Ama ay iisa lamang
sa pangangalaga ng Kawan sa John 10:30?
Sagot:
Walang problema kung si Cristo at ang Ama ay iisa sa pangangalaga ng
kawan sa Juan 10:30, dahil iyon ay gawain talaga ng Diyos. At kung
nagkataon mali ang argumento na natalikod ang Iglesia kasi nagkakaisa
na pala si Cristo at ang Ama sa pangangalaga ito.
Moreover, ang sinabi ni Cristo ay isang general term, iisa sila ng Ama
bilang Diyos (hindi sa persona), iisa sa nature at substance. Iisa bilang
tagapaglikha, manunubos, sanctifier, omniscient, omnipresent,
omnipotent, holy etc. In short, iisa sila bilang Diyos. Walang mababasa
doon na iisa lamang sila bilang tagapangalaga ng kawan.
Objection 29: Ang Ama lang daw ang dapat
kilalaning tunay at iisang Diyos sa John 17:3?
Sagot:
Malinaw naman ang Juan 17:3, “ito ang buhay na walang hanggan na Ikaw(Ama) ay makilala nila na
tunay at iisang Diyos at si Jesu-Cristo na iyong sinugo”, walang problema diyan kung uunawaing
mabuti, ang konteksto po kasi niyan ay laban sa mga diyus-diyosan. Si Cristo ba ay diyus-diyosan
kung ganon? Hindi po, dahil kung mapapansin, ang talata ay isang compound sentence, may
compound subjects na (Ikaw(Ama) at Jesu-Cristo na sinugo ng Ama) at isang predicate, ang makilala
na iisa at tunay na Diyos.
Ang talata pong iyon ay gumamit ng salitang “KAI” sa Greek na ang ibig sabihin ay gayundin, same
as, o sa madaling salita ay ang conjunction na “And” o “At”, kailan ba ito ginagamit? Ginagamit ito
para iindicate na may kadugtong at kabilang sa salita. Kaya nga ang buhay na walang hanggan ay ang
makilala ang Ikaw(Ama) at si Jesu-Cristo na kanyang sinugo bilang tunay at iisang Diyos (Juan
10:30).
Ano ang patunay dito? Ang Gen. 7:23 ay naisulat sa same pattern ng Juan 17:3, doon ay sinabing
“Only Noah and the eight with him survived the flood” so ibig sabihin hindi lang si Noah ang
nakaligtas kundi pati mga kasama gaya na lamang sa nasa Juan 17:3.
Kaya patunay ang Juan 17:3 na si Cristo nga ay tunay na Diyos.
Objection 30: Kung si Cristo ang Karunungan
sa Proverbs 8:22, siya ay nilikha ng Diyos?
Sagot:
Hindi po yan paglikha na gaya ng paglalang sa isang bagay kundi tumutukoy sa possession o
pag-aari ng Diyos. Si Cristo ay inari ng kanyang Ama mula pa sa walang pasimula dahil siya
ay ang Bugtong na Anak nito. Sa mas maraming salin ay possessed and sinabi at hindi
made:
“Jehovah [a]possessed me in [b]the beginning of his way,[c]Before his works of old”
Proverbs 8:22, American Standard Version (ASV)
“The Lord possessed[a] me at the beginning of his work,[b] the first of his acts of old.”
Proverbs 8:22, English Standard Version (ESV)
“The Lord possessed me in the beginning of his ways, before he made any thing from the
beginning.” Proverbs 8:22, Douay-Rheims 1899 American Edition (DRA)
“Hashem possessed me in the reshit of His derech, before His works of old.” Mishle 8:22,
Orthodox Jewish Bible (OJB)
Hebrew word: “qanah”, which means to possess or purchase
Objection 31: Kung si Cristo ang Karunungan sa
Proverbs 8:22, bakit “her” ang tawag sa
Karunungan sa Proverbs 8:1?
Sagot:
Ang Karunungan kasi ay wala talagang gender, ito ay personification at
metaphor lamang na ginamit ni Solomon kay Cristo, kaya hindi ito
tumutukoy sa isang taong may gender sa literal sense. Ang halimbawa
nito ay ang Earth, bakit tinatawag ang ang Earth na “Mother”, mayroon
bang gender o kasarian ang Earth in a literal sense? Wala po.
Kaya malinaw na yan ay invalid argument para pabulaanan ang pre-
existence ni Cristo sa Awit 8:22-31.
Objection 32: Si Cristo ay hindi likas na Panginoon
dahil ginawa lang siyang Panginoon sa Acts 2:36?
Sagot:
Si Cristo ay likas ng Panginoon noon pa man, sa katunayan, ay kinilala
na siyang Panginoon bago siya isilang gaya ng mababasa sa Lukas1:43,
3:11, at maging si David ay nagsalita din sa kanya bilang Panginoon (Mt.
22:42-45, Psalm 110:1). At kahit ang Ama ay tinawag din siyang
Panginoon (Heb 1:8, 10), ibig bang sabihin ay ginawa siyang Panginoon
ng Ama?
Ang konteksto po kasi ng nasabing talata kung babasahin ang mga
sumunod na talata ay ang paghahayag sa pagkaPanginoon ni Cristo. His
Lordship was made manifest sa mga taong magiging alagad niya.
Tandaan iisa lamang ang Panginoon (Eph. 4:5).
Objection 33: Ano ang tama, “Thy throne, O
God” o “God is thy Trone” sa Heb. 1:8?
Sagot:
According sa mga Scholars, both na parehong tama ang rendition nito.
However ang pagsasabing “Ang Diyos ang iyong Trono” ay mas walang
sense at kahulugan. Una, wala sa Bible na ang Diyos ay isang Trono,
ikalawa, ang nakaupo sa Trono ay mas mataas na kung ganon sa Trono,
another is that, si Cristo nakaupo sa kanan ng Ama(Psalm 110:1, Col.
3:1).
Kaya nga mas tama ang rendition na, “Ang iyong Trono, O Diyos”
sapagka’t napapatunayan natin na si Cristo ay hindi nakaupo sa Diyos
bilang Trono, at ang Anak, ang Kordero ay nakitang nakaupo sa gitna ng
Trono (Rev. 7:17).
Objection 34: Ang nasa John 1:18 ay Bugtong
na Anak at hindi Bugtong na Diyos?
Sagot:
May mga saling nagsasabi na ang nasa Juan 1:18 ay Bugtong na Anak, batay
sa gamit sila pero ang Bugtong n Anak ay understood as Bugtong na Diyos, na
gaya ng mga nasa ibang karamihang salin, sapagka’t ang nakalagay sa mga
matatandang manuscripts at codexes ay “Monogenes Theos” o
Bugtong/Kaisa-isang Diyos gaya ng Codex Vaticanus, Codex Sinaiticus,
Boomer Papyri, Papyrus 66, Minuscule 33 at ilan pa sa pinakamatatandang
manuscripts na Greek na mostly from the Alexandrian Family na mas may
credibility.
So mas supported ng early manuscripts ang “Monogenes Theos” sa
“Monogenes Huios”. Nevertheless, kahit Begotten Son o God yan ay same
parin na si Cristo ay tunay na Diyos, at Bugtong na Anak. Isa pa ay mas pinili
lang ng ilang manunulat na ilagay ang Son para hindi magmukhang paulit-ulit
sa nasabing talata.
Objection 35: Anong ibig sabihin ng
“Naparito sa laman” sa 2 John 1:7?
Sagot:
Ganito ang sinabi sa talata:
“Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay
ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito
ang magdaraya at ang anticristo.” 2 Juan 1:7
Sa ibang salin ay ganito:
“Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga mandaraya! Ayaw nilang kilalanin na si
Jesu-Cristo'y naging tao. Ang ganoong mga tao ay mandaraya at laban kay Cristo.” 2
Juan 1:7
Ang ibig sabihin pala ng naparito sa laman ay nagkatawang tao o nagkalaman, siya
ay hindi nagsimula dito bilang laman kundi siya ay nagpunta dito sa laman, ibig
sabihin ay wala siyang laman bago naparito. Walang taong mau laman na paparito
pa sa laman, iyom ay may laman na, at nakakatiyak tayo dahil nahayag sa atin si
Cristo na napunta dito sa laman (John 1:1, 14, 1 Tim. 3:16).
Objection 36: Sino ang Diyos sa 1 John 5:20?
Sagot:
Tignan natin sa isang salin:
1 Juan 5:20 “At nalalaman nating naparito na ang Anak ng Diyos at binigyan niya tayo ng pang-
unawa upang makilala natin ang tunay na Diyos, at tayo'y nasa tunay na Diyos, sa kanyang Anak na
si Jesu-Cristo. Siya ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan.”
Sa ibang salin naman ay:
1 Juan 5:20 “At nalalaman nating naparito na ang Anak ng Diyos at binigyan niya tayo ng pang-
unawa upang makilala natin ang tunay na Diyos, at tayo'y nasa tunay na Diyos, sa makatuwid baga
ay sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Ito ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan.”
Malinaw po na naparito ang Anak ng Diyos, upang makilala natin ang tunay na Diyos(John 17:3), at
tayo’y nasa tunay na Diyos (Mat. 1:23), kasama natin siya “Emmanuel”, sa makatuwid baga’y si Jesu-
Cristo, ito o siya ang tunay na Diyos at ang buhay na walang hanggan. Si Cristo po iyong “ito” o
“siya” doon, dahil siya ang subject ng talata na naparito na magpapakilala sa Ama(John 1:18) at siya
ang buhay na walang hanggan (Jude 1:21, Romans 6:23, John 3:15-16, John 6:47-48, John 11:25).
Objection 37: Wala ng Diyos liban sa Diyos at
wala na siyang kikilalanin pang iba?
Sagot:
Tama ang sabi sa mga talatang Deut. 4:39, 1 Samuel 2:2, Isaias 43:10, at
Isaias 44:6, Isaias 45:2, wala ng ibang Diyos liban sa Diyos at walang nauna o
darating pa sa kanya. Tama lahat yan, dahil ang nagsasalita diyan ay ang
Diyos mismo na may tatlong persona, ang Anak ay isang persona ng
nagsasalitang Diyos kaya walang problema. Sabi nga niya ay ganito:
Isaias 44:6 “Ang sabi ni Yahweh, ang Hari at Tagapagligtas ng Israel, ang
Makapangyarihan sa lahat: “Ako ang simula at ang wakas; walang ibang diyos
maliban sa akin.”
Si Cristo din naman ay kasama diyan, dahil siya din ay Alpha at Omega o Una
at Wakas (Rev. 1:8), at siya din ay Diyos na makapangyarihan(Isaias 9:6).
Kaya hindi iyan tutol sa pagkaDiyos ni Cristo.
Objection 38: Ang Diyos ay hindi nagbabago?
Sagot:
Tama, ang Diyos ay hindi nagbabago, Diyos parin siya kahit anong mangyari,
mabuti kahit anong mangyari , hindi siya gaya ng tao:
1 Samuel 15:29 “Ang maluwalhating Diyos ng Israel ay hindi nagsisinungaling
at hindi nagbabago ng pag-iisip. Hindi siya tulad ng tao na nagbabago ng pag-
iisip.”
Iyon pala ang konteksto, hindi siya gaya ng isang taong nagbabago, eh si
Cristo paano yan naging tao siya? Walang problema dahil nadagdagan lang
siya ng kalagayan at kalikasan, pero hindi siya nagbago, sa halip ay nanatili sa
kanya ang pagkaDiyos(Col. 1:19, 2:9), at si Cristo ay ganon din:
Mga Hebreo 13:8 “Si Jesu-Cristo ay hindi magbabago kailanman; siya ay
kahapon, ngayon, at bukas.”
Objection 39: Ang nasa Phil. 2:6-7 ay
“Morphe Theo” o anyong Diyos lamang?
Sagot:
Walang problema kung si Cristo ay anyong Diyos lamang ayon sa ibang
salin ng Filipos 2:6-7, sapagka’t ang iba naman ang salin ay siya’y likas o
tunay na Diyos. Nevertheless, kung ang rason ay hindi siya Diyos bagkus
ay anyong Diyos o kalarawan lamang, ibig bang sabihin ay hindi din siya
tao dahil ang sabi sa V7 ay nag-anyong Tao o Alipin (Morphe Doulos)
din siya?
O mayroon din bang tao pero mag-aanyo pang tao? That’s a fallacious
argument, malinaw na si Cristo ay tunay na Diyos sa talatang iyan
anuman ang pagkakasalin nito.
Objection 40: Diyos ba si Cristo sa langit? May
ibang talata pabang patunay?
Sagot:
Bukod sa Heb. 1:8, ay pinatutunayan din mismo ni Juan at ni Cristo na siya ay Diyos. Sa mga
talata ng Pahayag 22:6, 16 ay nalinaw na si Cristo ay Diyos sa langit na nagsusugo ng
Anghel. Ganito ang nasa mga talata:
Pahayag 22:6,16
[6]At sinabi sa akin ng anghel, “Maaasahan at totoo ang mga salitang ito. Ang Panginoong
Diyos, na nagkaloob ng kanyang Espiritu sa mga propeta, ang siyang nagsugo sa kanyang
anghel upang ihayag sa mga lingkod niya ang mga bagay na magaganap sa lalong madaling
panahon.”
[16]“Akong si Jesus ang nagsugo sa aking anghel upang ang mga bagay na ito’y ipahayag
sa inyo na nasa mga iglesya. Ako’y mula sa angkan ni David; ako ang maningning na bituin
sa umaga.”
Malinaw na sa Rev. 22:6 ay may Panginoong Diyos na nagsugo ng kanyang anghel, at siya ay
nagpakilala pagkatapos lamang ng 10 talata sa Rev. 22:16, siya ay si Cristo na nagsusugo ng
kanyang mga anghel(Mat. 13:41). Malinaw na sa langit siya nagsugo.
Objection 41:Kung Diyos si Cristo, bakit ayon sa
Luke 2:40 ay “the child increased in knowledge”?
Sagot:
Natural sa isang bata ang magkaroon ng kaalaman, si Cristo bilang
tunay na Tao at Diyos sa kanyang pagiging tao ay natural na siya din ay
matututo. Hindi ibig sabihin nun ay hindi na siya all-knowing, do not be
confused about sa kanyang pagkaDiyos at pagkaTao.
Sa Ibang salin ay sinasabi na siya ay lumaking “puno ng kaalaman,
matalino, o filled with knowledge”.
Gayunpaman, ay malinaw na si Cristo ay all-knowing (John 21:17).
Objection 42: Kung hinubad pala ni Cristo ang pagiging Diyos sa
Phil. 2:5-8, ibig sabihin ay hindi na talaga siya Diyos.
Sagot:
Diyos parin siya kahit na hinubad niya ito, ito ang sabi sa Biblia:
Mga Taga-Colosas 1:19
“Sapagkat minarapat ng Diyos na ang buo niyang kalikasan ay manatili
sa Anak,”
Mga Taga-Colosas 2:9
“ Sapagkat likas kay Cristo ang buong pagka-diyos kahit na siya’y
nagkatawang-tao.”
Malinaw po iyan. Kaya nga may Hypostatic Union, two distinct natures
in one Divine Person.
Objection 43: Namatay ba ang Diyos sa Krus?
Literal o Figurative?
Sagot:
Ayon sa Magisterium, ang expression na “God died” ay dapat inuunawang
literal. Si Cristo ay Diyos, pero siya ang Second Person ng Trinity. Mayroon
siyang dalawang distinct natures, Human and Divine which are innate and
therefore cannot be separated, so Jesus is one Divine Person that is fully
Human and fully Divine. Noong mamatay si Cristo sa Krus, siya ay literal na
namatay, dahil kung hindi ay figurative lang ang kaligtasang natamo natin.
Jesus died, Jesus is God, therefore, God Died.
“God died in His Human Nature.”-CBCP
Namatay si Cristo, pero ang Divinity ay hindi namamatay, gaya ng isang taong
namamatay, namamatay ang tao pero hindi ang humanity.
Objection 44: Kung si Cristo ay iisa sa Ama
ayon sa John 10:30, sino ang anak niya?
Sagot:
Very ignorant and fallacious question. Do not be confused about the
person of the Father and the Son. Ama si Cristo ayon sa Isaias 9:6 at
Juan 14:10, dahil si Cristo ay nasa Ama, ang Ama ay nasa kanya, siya ay
kumikilos ng ayon sa Ama, at nagbibigay sa atin. Siya ay dahilan kaya
tayo ay nabubuhay (1Cor. 8:6).
Ang pagiging Ama ni Cristo ay hindi ang pagiging Ama ng Persona ng
Ama, dahil siya ang persona ng Anak na Anak ng Ama.
Objection 45: Si Cristo ba ay Diyos pag siya ay
babalik muli?
Sagot:
Si Cristo ay Diyos na naparito, Diyos na umakayat at Diyos ding babalik.
Pahayag 1:8 “Ako ang Alpha at ang Omega,” sabi ng Panginoong Diyos
na Makapangyarihan sa lahat; Diyos sa kasalukuyan, sa nakaraan, at
siyang darating.”
Patotoo ni Pablo:
Tito 2:13
“habang hinihintay natin ang dakilang araw na ating inaasahan. Ito ang
pagbabalik ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.”
Objection 46: Kung Diyos si Cristo bakit siya bakit
siya nanalanging nagmamakaawa sa Diyos?
Sagot:
Mga Hebreo 5:7 “Noong si Jesus ay namumuhay pa rito sa lupa, siya'y
nanalangin at lumuluhang nakiusap sa Diyos na makakapagligtas sa
kanya sa kamatayan. At dininig siya ng Diyos dahil lubusan siyang
nagpakumbabá.”
Isa lamang itong patunay na si Cristo ay nag-anyong alipin, and he
emptied Himself (Phil. 2:5-8). Kaya natural, na pag binasa sa next verse
ay sinasabi na maging siya na Anak ng Diyos ay natutunan ang pagtitiis.
Ito ang kahayagan naging tunay nga siyang tao. Kaya ganon din ang
case sa Juan 12:27 at sa Mateo 26:39.
Objection 47: Kung Diyos si Cristo ibig sabihin
ay Diyos din ang kanyang ina?
Sagot:
Exegetical fallacy. Mali. Si Cristo ay tunay na Diyos at tunay ding tao, at
ang kanyang pagkaDiyos ay hindi mula kay Maria, ang mula sa mahal na
ina ay ang kanyang katawang tao, pero hindi ang kanyang pagkaDiyos.
Dahil bago pa siya maging Tao ay Diyos na siya (Heb. 1:8). Ang
pagkakasilang kay Cristo ay ang Incarnation (John 1:14).
Kaya’t sabi sa Hebreo 10:5 ay ipinaghanda siya ng isang katawan,
pagpasok niya sa Sanglibutan.
Kaya si Maria ay isang tao at hindi Diyos.
Objection 48: Si Cristo ay hindi gumagawa ng
ganang sa kanyang sarili?
Sagot:
Juan 8:28
“Kaya’t sinabi ni Jesus, “Kapag naitaas na ninyo ang Anak ng Tao, malalaman
ninyong ‘Ako’y Ako Nga.’ Wala akong ginagawa batay sa sarili kong kapangyarihan.
Ang ipinapasabi lamang ng Ama ang siya kong sinasabi,””
Juan 10:37
“Kung hindi ko ginagawa ang mga ipinapagawa ng aking Ama, huwag ninyo akong
paniwalaan.”
We need to understand na si Cristo ay nagpakumbaba, at naging masunurin sa
kanyang Ama (Phil. 2:3,5-8), at ito ay palatandaan na siya at ang Ama ay iisa (Juan
10:30, 14:10). Ginagawa niya ito dahil mahal niya ang Ama (John 14:31). Kaya hindi
siya iniiwan ng Ama(John 8:29). At sa Mateo 21:27, hindi na dapat nating gawing
isang malaking issue iyon dahil iyon ang nais ni Cristo kung di natin unawain.
Objection 49: Paniniwala ng mga Pagano at
Kulto na si Cristo ay Diyos?
Sagot:
Mali, wala kang mababasa sa Biblia na ganyan, bagkus ay paniniwala ng mga
Cristiano na si Cristo ay Diyos. Hindi ka matatawag na Cristiano kung hindi ka
naniniwala na si Cristo ay Diyos. Kahanay mo pa ang mga sumusunod:
Paganismo-Hindi Diyos si Cristo
Islam-Hindi Diyos si Cristo
Hinduismo-Hindi Diyos si Cristo
Buddhismo-Hindi Diyos si Cristo
Okultismo-Hindi Diyos si Cristo
Hudaismo-Hindi Diyos si Cristo
Shintoismo-Hindi Diyos si Cristo
At iba pa.
Objection 50:Katha lamang sa Council of Nicea
325 AD ang pagkaDiyos ni Cristo ni Constantine?
Sagot:
Wrong. Ang Council of Nicea po ay isang Konsilyo na pinatawag lang ni
Constantine upang maayos ang sigalot ng mga Cristiano sa kanyang imperyo.
Pero hindi siya nangialam sa usaping Theological dahil hindi naman siya
Theologian. Bagkus ang mga Obispo at Pari(Magisterium) na ginagabayan ng
Espiritu Santo (John 16:13, 1 Tim. 3:15, Mateo 16:18-19) ang nagproklama
nito at nalinaw laban sa mga Heresiya gaya ng Arianism.
Pero malinaw na ang mga Cristiano ay naniniwala nang Diyos si Cristo bago
pa ang Konsilyo, dahil sa Biblia ay malinaw na na si Cristo ay Diyos(John 1:1,
18, 20:28, Titus 2:13, 2 Peter 2:1, Heb. 1:8, Isaiah 9:6, John 10:30, etc).
Objection 51: Paanong Diyos si Cristo kung siya ay
binigyan lamang ng kapangyarihan sa John 17:2?
Sagot:
Basahin natin ang talata, Juan 17:2 “Sapagkat binigyan mo ako ng
kapangyarihan sa sangkatauhan upang bigyan ko ng buhay na walang
hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa Anak.”
Wala namang problema diyan dahil si Cristo ay nagpakababa at naging
tao(Phil. 2:5-8), pero we need to understand na dahil sa pagpapakumbaba ay
binigyan siya ng kapangyarihan at pagkalugod ng Ama (Phil. 2:9-11),
alinsunod iyan sa sinasabi ng propesiya sa Isaias 9:6 na maaatang sa kanya
ang kapamahalaan. Si Cristo bagama’t sinabing binigyan ng kapangyarihan ay
hindi nangangahulugang wala siyang kapangyarihan dahil una sa lahat siya
ang kapangyarihan ng Diyos (1 Cor. 1:24). At kung ating babasahin ang
sumunod na mga talata sa Juan 17:5, siya pala ay may kaluwalhatian na gaya
ng Ama bago pa ang mundo ay malikha. At tandaan din natin na si Cristo
bagama’t isang tao ay tunay paring Diyos (Col. 2:9).
Objection 52:Kung si Cristo ay Diyos at nagdasal
siya sa Diyos, kinakausap niya ang kanyang sarili?
Sagot:
Maling unawa. Si Cristo gaya na lamang sa Juan 17:1-5, nung
nagdarasal siya sa Ama ay hindi sa kanyang sarili. Ang Diyos ay iisa pero
hindi author ng confusion (1Cor. 14:33), bagkus iisa ito pero may
tatlong magkakaibang persona, ang Ama, Anak at Espiritu Santo, kaya
do not be confused about the persons, pero ang nature nila ay iisa
lamang, dahil iisa ang Diyos(Deut 6:4).
Objection 53: Umiiral na ba si Cristo sa
Lumang Tipan?
Sagot:
Oo naman. Umiiral na si Cristo sa Lumang Tipan, nakita nga ni Abraham
(John 8:56,58) at ni Propeta Isaias (John 12:41).
Pero si Cristo ay hindi pa fully revealed sa Lumang Tipan, dahil siya ay
sa Bagong Tipan.
Kasama na si Cristo sa paglikha (Gen. 1:1-5, 1:26) na pinatutunayan sa
Bagong Tipan (Col. 1:15-16, John 1:1-3, Heb. 1:10).
Objection 54: Sino ang Diyos ni Cristo sa
Biblia?
Sagot:
Kung ang pag-uusapan ay kung may DINIDIYOS ba si Cristo ay wala,
pero kung ang pag-uusapan ay ang Diyos na kanyang kinikilala at
tinatawag, ito ay ang Ama niya gaya na lamang sa Juan 20:17. Natural
na iyon ay sabihin ni Cristo bilang tao. Pero natural din sapagka’t ang
Ama ay Diyos naman talaga, pero hindi ibig sabihin non ay hindi na
Diyos si Cristo bilang Anak, sapagka’t kung tinawag ni Cristo na Diyos
ang Ama, ay ganoon din ang pagtawag sa kanya ng Diyos ng kanyang
Ama(Heb. 1:8).Isa lang ang ibig sabihin nito, si Cristo at ang Ama ay
iisang Diyos. Iisa ang nature nila bilang Diyos.
Objection 55: Kung si Cristo ay 100% Human at 100% Divine,
may pagkaTao na siya bago ang Incarnation? Kung wala bakit
mali ang Nestorianism kung si Cristo ay nagkaroon lamang ng
katauhan after ng Incarnation?
Sagot:
Ang pagkaTao o humanity ni Jesu-Cristo ay kanyang natanggap sa
Incarnation o pagkakatawang tao(John 1:14).Ibig sabihin hindi siya tao
bago siya maging Tao.
Mali ang posisyon ng Nestorianism dahil nireject nila ang Hypostatic
Union, bagkus ay tinuturo nila na may dalawang nature si Cristo pero
may dalawa ding persons, while sa Catholic Church ay itinuturo na si
Cristo ay one person at may two natures.
Objection 56: Hindi ginamit kay Cristo ang
salitang “ADONAI” sa Psalm 110:1?
Sagot:
Walang problema kung hindi ginamit ang Adonai para
kay Cristo sa Awit 110:1. Kahit pa Adoni ang ginamit sa
isang Lord, hindi nito maalis ang katotohanan na si
Cristo ay Panginoon. Sa Greek ay ginamit sa kanya ang
terminong Kurios o Lord at siya ay tinawag na Panginoon
ng Ama(Hebreo 1:10). Ipinapakita lamanh nito na kahit
si Cristo ay naging tunay na Tao, siya ay tunay na
Panginoon at Diyos(Juan 20:28).
Objection 57: Kung Diyos si Cristo bakit siya
tinawag na Anak ng Tao?
Sagot:
Si Cristo noong Incarnation ay pumasok sa Space and Time at naging si
Jesus ng Nazareth. Kahit siya ay naging tao ay nanatili sa kanya ang buo
niyang pagkaDiyos (Col. 1:19, 2:9), nagpakababa siya at nakitulad sa
atin(Phil. 2:5-8). Nagkaroon siya ng human body at soul at ang taong si
Cristo ay ang ikalawang Persona ng Trinity ganon din ang Diyos na
Cristo. Nagkaisa ang kanyang human soul at Divine self sa isang
perpektong kalagayan na hindi nagkakahiwalay sa isang Divine Person.
At dahil dito ay naging tagapamagitan siya sa Tao at sa Diyos(1 Tim.
2:5), isinilang ng isang tao, pero siya ay ang Anak parin na Bugtong ng
Diyos. Kung kaya ito ang dahilan kaya siya ay tinatawag na Anak ng Tao
at Anak ng Diyos at the same time (Mat. 26:63-64).
Objection 58: Kung Diyos si Cristo bakit siya
natukso ng Diablo sa Matthew 4:3-9?
Sagot:
Magkaiba po ang tinukso sa natukso. Ibig sabihin, kapag sinabing tinukso ay sinubukan siyang
tuksuhin o linlangin ng Diablo, either nahulog o hindi. Kapag naman sinabing natukso ay tagumpay
siyang natukso.
Mababasa natin sa Mateo 4:3-9 ang pagtukso ni Satanas kay Cristo.
Noong nagsimula si Cristo sa ministry niya ay hindi alam ng Diablo na siya ay Diyos. Ang akala niya ay
isa lamang sugong tao o propeta si Cristo, nagkaroon lamang siya ng maliit na idea ng narinig ang
sinabi si Juan Bautista na siya ang Korderong nag-aalis ng kasalanan(John 1:29), at muli siyang
nagtaka sa mga nakita niya sa Bautismo ni Cristo at nang marinig na siya ang Anak ng Diyos(John
1:34).
Ayon sa mga Theologians, ang Diablo ay hindi omniscient, dahil hindi naman siya Diyos, kung kaya
noong makita ang mga bagay na ito ng Diablo ay napagtanto niya na kailangan niya munang
subukan si Cristo para mapatunayan nga ang kanyang iniisip na siya ay Diyos. Pero hindi siya
nagtagumpay, bagkus nahayag pa na si Cristo ay Diyos ng sabihin ni Cristo na huwag niyang tuksuhin
ang Panginoon niyang Diyos. Ang pagkatukso kay Cristo ay natural sa isang tao gaya natin. Pero gaya
niya ay kaya din nating labanan.
Objection 59: Kung umiiral na ang Divinity ni Cristo bago
lalangin ang daigdig, nasaan siya bilang Persona?
Sagot:
Malinaw ang Biblia si Cristo bago lalangin ang mundo ay kasama na ng Ama:
Juan 1:1-3 “Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng
Diyos, at ang Salita ay Diyos.Sa pasimula ay kasama na siya ng Diyos.”
Siya ay kasama na ng Diyos at may partisipasyon sa pag gawa at paglika(John
1:1-3, Col. 1:15-17, Heb. 1:10).
Ito ay patunay sapagka’t ang Diyos ay hindi solitary ng ginawa ang mundo,
siya ay may co-creators (Gen. 1:1-3, 26), dahil ang Ama, Anak at Espiritu
Santo mula sa walang pasimula at bago likhain ang daigdig ay magkakasama
na bilang iisang Diyos at nagnamahalan, dahil ang Diyos ay pag-ibig(1 John
4:8). Kaya si Cristo ay nasa piling na noon ng Ama(John 17:5 John 1:8).
Siya ay naging Anak na bago ang mundo (Prov. 30:4, Heb. 5:5), galing sa
Diyos at sa Diyos din paroroon(John 13:3).
Objection 60:Ano si Cristo bago likhain ang daigdig
at bago maging Tao? Ano ang Nature niya?
Sagot:
Si Cristo bago maging Tao ay isang Espiritu(1Cor. 15:45-47), dahil ang
Diyos ay Espiritu. Diyos na siya at begotten Son bago ang lahat at buhat
sa walang pasimula (Eternally Begotten) (Heb 5:5, Micah 5:2). He
always existed with the Father at walang time na hindi siya nagco-exist
with the Father.
Siya ay may dalawang nature, Divinity at Humanity, bago siya
magkaroon ng Human Nature sa Incarnation, siya ay may Divine Nature
so ibig sabihin ay Diyos siya bago siya maging tao kung saan ay
nananatili ang kanyang pagkaDiyos.
Objection 61: Bakit pa kailangang ipanganak si
Cristo na walang taong ama?
Sagot:
Mahalagang si Cristo ay isilang na walang taong Ama upang mahayag
ang kanyang divine origin o banal na pinagmulan. Pero mahalaga din na
siya ay isilang ng isang tao upang sa ganon ay magkaroon siya ng laman,
buto, dugo, etc, para mahayag ang katotohanan na siyang ang Salitang
nagkatawang tao (John 1:13-14).
Pero ganon pa man ay malinaw na siya ang Second Adam (1 Cor. 15:47)
Mula sa langit( John 3:13,31)
Mula sa itaas(John 8:23, 42)
Objection 62: Kung Diyos si Cristo bakit siya
nagdasal?
Sagot:
Una, dapat nating maunawaan ang concept of Trinity. May iisang Diyos
pero may tatlong Persona na distinct o iba sa isa’t-isa, praying is a way
of communication, so hindi kataka-taka kung ang bawat persona ay
nakikipag-usap sa isa’t-isa, ang Anak ay nakikipag-usap sa Ama.
Ikalawa, si Cristo ay nagkatawang tao(Phil. 2:5-8, John 1:14),at natural
na siya ay magdasal bilang tao sa kanyang Diyos. Gayunpaman, kahit si
Cristo ay tao ay Diyos (Col. 2:9), pero hindi din bawal na siya ay
magdasal sa kanyang Ama na Diyos.
Objection 63: Sinamba ba si Cristo gaya ng sa
Diyos?
Sagot:
Oo, si Cristo ay Sinamba.
Mateo 28:17
“Nang makita nila si Jesus, siya’y sinamba nila, subalit may ilan sa
kanilang nag-alinlangan.”
Juan 9:38
“Sumasampalataya po ako, Panginoon!” sabi ng lalaki. At sinamba niya
si Jesus.”
Objection 64: Kung Diyos si Cristo, nanalangin
ba sila sa kanya?
Sagot:
Oo, sila ay nanalangin sa kanya.
Mga Gawa 7:59-60
“At pinagbabato nila si Esteban, na nananalangin naman ng ganito:
“Panginoong Jesus, tanggapin mo po ang aking espiritu.”
Lumuhod si Esteban at sumigaw nang malakas, “Panginoon, huwag mo
po silang pananagutin sa kasalanang ito!”At pagkasabi nito, siya’y
namatay.”
Objection 65: Si Cristo ba bilang Diyos ay
makapangyarihan din sa lahat?
Sagot:
Oo, si Cristo ay may kapangyarihan sa lahat, siya ay higit sa lahat gaya
ng kanyang Ama.
Mga Taga-Filipos 3:21 “Sa pamamagitan ng kapangyarihang ginamit
niya sa pagpapasuko sa lahat ng bagay, ang ating katawang-lupa na may
kahinaan ay babaguhin niya upang maging maluwalhating tulad ng
kanyang katawan.”
Objection 66: May iba pa bang patotoo na si
Cristo ay nasa lahat o omnipresent?
Sagot:
Ito pa ang isang talata na nagpapatotoo na si Cristo ay nasa lahat.
Mga Taga-Efeso 1:23 “Ang iglesya ang katawan at kapuspusan ni Cristo,
na siya namang pumupuno sa lahat ng bagay.”
Kaya malinaw ang nasa Biblia na si Cristo ay omnipresent dahil siya ay
Diyos.
Objection 67: Si Cristo ba ay tinawag na YAWEH o
kahalintulad ng Diyos sa Lumang Tipan?
Sagot:
Oo, si Cristo ay tinawag ding ganon sa Biblia.
Isaias 40:3
Ganito ang isinisigaw ng isang tinig: “Ihanda ninyo ang daraanan ni Yahweh
sa ilang; gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran sa
ilang.”
Ang talatang iyan ay paralleled dito:
Juan 1:23 Sumagot si Juan sa pamamagitan ng pangungusap mula sa aklat ni
Propeta Isaias, “Ako ang tinig ng isang taong sumisigaw sa ilang, ‘Tuwirin
ninyo ang daraanan ng Panginoon.’”
Gayundin ang nasa Joel 2:23 at Roma 10:13.
Objection 68: Kung si Cristo ay Diyos paanong
siya din ang Anak ng Diyos?
Sagot:
Do not be confused. Ang Anak ay ang Anak ng Ama. Siya ang
Pangalawang Persona, at ang Ama ang Unang Persona ng Trinity.
Gayunman, ang Anak ay Diyos gaya ng Ama dahil sila ay same
substance. At ang Anak ay pinakilala ang sarili bilang iisa sa Ama (John
10:30, John 14:11).
Pero sila ay iisa bilang Diyos at hindi bilang Persona. Ang Anak at hindi
parehong Persona sa Ama (John 1:18).
Objection 69: Nasaan si Cristo bago siya
muling nabuhay?
Sagot:
Ayon sa Biblia, si Cristo ay nanaog o nagpunta sa kinaroroonan ng mga
namatay (1 Peter 3:18; 1 Peter 4:6).
Ito din ang itinuturo ng ating Simbahan na nasa Catechism of the
Catholic Church (CCC 632-635) at ng Román Catechism o Council of
Trent (1, 6, 3).
Objection 70: Luke 22:43,kung Diyos si Cristo
bakit siya pinatatag ng Anghel?
Sagot:
Si Cristo noong mga panahon na iyon ay pinalakas ng Anghel ang kalooban.
Lucas 22:43 “Nagpakita sa kanya ang isang anghel mula sa langit at pinalakas
ang loob niya.”
Ang konteksto nito ay ang kanyang matinding Pighati ng malapit na ang
kanyang oras.
Lucas 22:42 “Sabi niya, “Ama, kung maaari po ay ilayo mo sa akin ang kopang
ito, ngunit huwag ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo. “”
Always remember na si Cristo ay tunay na Tao at Diyos, kung kaya bilang tao
ay natural sa kanya ang mang hija ang loob at makaranas ng kapighatian. Siya
ay naging masunurin hanggang kamatayan(Phil. 2:8).
Objection 71: Namana ba ni Cristo ang
Original Sin dahil naging Tao siya?
Sagot:
Hindi, remember that when Jesus was conceived in the womb of Mary, Mary
is already prepared for that and was made free from sin through her
Immaculate Conception, she was then full of grace(Luke 1:28), and Christ is
also full of grace(John 1:14).
Hindi siya nagkasala (Heb. 4:15).
2 Mga Taga-Corinto 5:21 “Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, siya'y
itinuring na makasalanan upang sa pamamagitan niya ay maging matuwid
tayo sa harap ng Diyos.”
Ang original sin ay pumasok dahil kay Adan at Eva na nagsimula dito sa lupa,
samantalang si Cristo ay pumasok lamang dito sa mundo.
Objection 72: Alam na ba ni Cristo na siya ay
Diyos buhat siya’y isilang?
Sagot:
We cannot say what’s in the mind of Jesus lalo na noong siya’y bata due to
the lack of detail ng kanyang kabataan. Pero masasabi nating alam niya na
siya ay Anak ng Diyos at Diyos din. Pero since wala tayong historical
background ni Cristo hanggang siya ay magtaong 30, ay hindi natin iyan
masasabi.
“We believe [Jesus] would have had full knowledge of his divinity by
the time of his Baptism by John the Baptist”
-Fr Fr. Claude Grenache, AA, Catholic Digest
Pero gayunpaman, sa Biblia alam na ni Cristo na Anak siya ng
Ama(Luke 2:41-52).
Objection 73: Paano nagkatawang tao ang
Salita sa John 1:14?
Sagot:
Nagkatawang tao ang Salita sa pamamagitan ng Incarnation. Siya ay ipinaglihi at isinilang ng tao sa
pamamagitan ng Espiritu Santo.
Lucas 1:30-31,34-35
Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos.
Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at siya’y papangalanan
mong Jesus.”
“Paano pong mangyayari ito gayong ako’y isang birhen?” tanong ni Maria.
Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-
taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo’y banal at tatawaging Anak ng Diyos.”
At nagkatawang tao ang Salita(John 1:14).
CCC 483 The Incarnation is therefore the mystery of the wonderful union of the divine and
human natures in the one person of the Word.
Objection 74: Mapaghihiwalay ba ang
PagkaDiyos at PagkaTao ni Cristo?
Sagot:
Hindi po ito mapaghihiwalay (Col. 2:9), ganito ang sabi sa Catechism of the Catholic Church:
481 Jesus Christ possesses two natures, one divine and the other human, not confused,
but united in the one person of God's Son.
469 The Church thus confesses that Jesus is inseparably true God and true man. He is truly
the Son of God who, without ceasing to be God and Lord, became a man and our brother:
464 The unique and altogether singular event of the Incarnation of the Son of God does not
mean that Jesus Christ is part God and part man, nor does it imply that he is the result of a
confused mixture of the divine and the human. He became truly man while remaining truly
God. Jesus Christ is true God and true man.
467 We confess that one and the same Christ, Lord, and only-begotten Son, is to be
acknowledged in two natures without confusion, change, division or separation. The
distinction between the natures was never abolished by their union, but rather the character
proper to each of the two natures was preserved as they came together in one person
(prosopon) and one hypostasis.
Objection 75: Kung may dalawang will si Cristo,
paano pag ang dalawang will ay nagkakontrahan o
magkaiba?
Sagot:
Hindi iyon mangyayari. Dahil ang dalawang nature ni Cristo ay united sa
kanyang iisang Banal na Katauhan (One Divine Person).
Catechism of the Catholic Church explains:
475 Similarly, at the sixth ecumenical council, Constantinople III in
681, the Church confessed that Christ possesses two wills and two
natural operations, divine and human. They are not opposed to each
other, but cooperate in such a way that the Word made flesh willed
humanly in obedience to his Father all that he had decided divinely
with the Father and the Holy Spirit for our salvation.110 Christ's human
will "does not resist or oppose but rather submits to his divine and
almighty will.
Objection 76: Mangingibabaw ba ang
PagkaDiyos ni Cristo sa kanyang pagkaTao?
Sagot:
Ganito ang sabi ang ating Simbahan sa CCC:
• 470 Because “human nature was assumed, not absorbed”, in the mysterious union of the Incarnation, the
Church was led over the course of centuries to confess the full reality of Christ’s human soul, with its
operations of intellect and will, and of his human body. In parallel fashion, she had to recall on each occasion
that Christ’s human nature belongs, as his own, to the divine person of the Son of God, who assumed it.
Everything that Christ is and does in this nature derives from “one of the Trinity”. The Son of God therefore
communicates to his humanity his own personal mode of existence in the Trinity. In his soul as in his body,
Christ thus expresses humanly the divine ways of the Trinity:
• The Son of God. . . Worked with human hands; he thought with a human mind. He acted with a human will, and with a
human heart he loved. Born of the Virgin Mary, he has truly been made one of us, like to us in all things except sin.
• 481 Jesus Christ possesses two natures, one divine and the other human, not confused, but united in the one person
of God’s Son.
Alalahanin na ang dalawang nature na ito ay distinct sa isa’t-isa, hindi naglalamangan. Ang pagkatao ni Cristo ay ang
bahagi na siya ay tunay na taong nagugutom, natutulog, nasasaktan, etc, at ang kanyang pagkaDiyos ay ang kanyang
pagiging Diyos, gumagawa ng mga bagay na Diyos lamang ang nakakahawa.
Objection 77: Paanong naging 100% Diyos at
100% Tao si Cristo?
Sagot:
Malinaw na sinasabi sa Biblia na si Cristo ay tunay na Tao(John 8:40), hindi siya half
human, siya ay tunay na tao talaga, kung anong meron ka meron din siya bilang tao
aside from sin. Siya din ay tunay na Diyos (John 20:28), hindi half God, demi God
etc. Siya ay tunay na Tao at tunay na Diyos (Col. 1:19, 2:9) bagama’t tao ay nasa
kanya ang buong kalikasan at kapuspusan ng pagkaDiyos.
Ganito ang sabi ng Catechism of the Catholic Church:
464 The unique and altogether singular event of the Incarnation of the Son of God
does not mean that Jesus Christ is part God and part man, nor does it imply that he
is the result of a confused mixture of the divine and the human. He became truly
man while remaining truly God. Jesus Christ is true God and true man.
469 The Church thus confesses that Jesus is inseparably true God and true man. He
is truly the Son of God who, without ceasing to be God and Lord, became a man
and our brother.
Objection 78: Pag sinabing “Bugtong na Anak”
ibig sabihin ba ay nanganak ang Ama?
Sagot:
Kapag sinabing begotten ibig sabihin ay may begetter, ibig sabihin siya
ay naging Anak, at siya ay naging Ama sa Anak, ang Anak ay fathered by
a Father. Ang pagiging Anak ni Cristo ay hindi gaya ng pagkapanganak
ng isang tao o kaya ay hayop, ang nangyari sa kanya ay ang intellectual
begetting, the Son was generated by the Father and the Son is passively
generated to the Father. Ang Anak ay ipinanganak at naging Anak ng
Ama mula sa walang pasimula (Micah 5:2) gaya ng Ama (Is. 43:13).
Siya ay Eternally Begotten Son of tbe Father (Heb. 1:5, Psalm 2:7, Prov.
30:4).
Objection 79: Ano ba ang Homousios? Meron
ba nito sa Biblia?
Sagot:
Ang Homousios ay tumutukoy sa pagiging isa ng substance ng Ama at
ng Anak. Meaning, the Father and the Son as Persons of the Trinity
shares the one substance of being God.
Homoousios is the Greek term of “One Substance”.
Si Cristo ay iisang nature at substance sa Ama(John 10:30, Col. 1:19,
2:9).
Objection 80: May panahon ba na si Cristo ay hindi
tao, at pagakyat ba niya sa langit ay dakila parin sa
kanya ang Ama?
Sagot:
Si Cristo ay hindi tao bago siya maging tao sa Incarnation(John 1:14,
Phil. 2:5-8, Heb. 10:5).
Dakila ang Ama kay Cristo sa langit gaya ng sabi sa Juan 14:28 na kahit
pagpunta doon ni Cristo, dahil ang Ama ay ang first principle sa
Godhead, una siya in order, at doon siya nagiging greater, sa
relationship nito sa Anak. Pero hindi sa nature .
Objection 81: Sinasamba din ba natin si Cristo
bilang Tao kung ang Persona niya ay 100% Man
din?
Sagot:
Hindi natin sinasamba ang nature o kalikasan, sinasamba natin si Cristo
bilang isang Persona. Si Cristo bagama’t tunay na tao ay subject parin
ng kanyang Divinity ang kanyang kabuuan. Ito nag dahilan kaya si Cristo
ay isang Divine Person at hindi Human Person, kaya kung sinamba natin
si Cristo, siya ay sinasamba natin ng buong-buo bilang Divine Person.
Objection 82: May Diyos bang
Ipinapanganak?
Sagot:
Ang Diyos ay hindi ipinapanganak, kapag sinabi nating Diyos, ito ay
tumutukoy sa Godhead at Divinity, pero ang ikalawang Persona ng
Diyos na tunay na Diyos ay ipinanganak sa Incarnation. Hindi ang
Divinity o Divine Nature ang ipinanganak kundi ang PERSONA. Hindi
pwedeng ipanganak ang Nature o Kalikasan, ang ipinangak ni Santa
Maria ay ang PERSONA ni Cristo.
Objection 83: Paano natin masisiguro na si Cristo
ang Tunay na Diyos at Buhay na Walang Hanggan
sa 1 John 5:20?
Sagot:
Nasisiguro natin na si Cristo ang Tunay na Diyos at Buhay na Walang
Hanggan sa 1 John 5:20 sapagka’t sa 1 Juan 1:2 ay tinawag siyang
Buhay na Walang Hanggan.
Isa pa ay ang paggamit ng Proximity Rule sa Greek Grammar, ito ay
kung saan ang pinakamalapit na Antecedent(salita bago ang) salita o
Pronoun na “ITO” o “THIS” ay ang Noun na Hesukristo o Jesus Christ ay
ang tinutukoy na Tunay na Diyos.
Objection 84: Naging Demi-God kung gayon si
Cristo sapagka’t naghalo ang kanyang Pagka-Diyos
at Pagka-Tao?
Sagot:
Si Cristo ay hindi Demi-God na 50% Diyos at 50% Tao. Siya ay tunay na
Tao dahil siya ay 100% na Tao at siyabay tunay na Diyos dahil siya ay
100% na Diyos.
Hindi naghalo ang dalawang nature niya, kundi nagsama sa iisang
katawan bagama’t magkaiba. Ang tamang tawag dito ay, the Human
Nature of Christ was absorbed not mixed.
Objection 85: Ano ang tamang salin ng John 1:18?
Monogenes Theos o Monogenes Huios?
Sagot:
Parehong salin o rendition ay tama. Tama ang MONOGENES
THEOS(Bugtong na Diyos) at MONOGENES HUIOS(Bugtong na Anak)
may rason ang mga scribes bakit nila ito ginagamit. Pero kung ang pag-
uusapan ay kung ano ang mas malapit sa original na AUTOGRAPH, ito
ay ang MONOGENES THEOS sapagka’t ang lahat ng pinakamatandang
Manuscripts ay mayroon nito, isa na sa Halimbawa ay ang CODEX
SINAITICUS o GA-01, ang CODEX VATICANUS o GA-03 at ang BODMER
PAPYRUS P75.
Objection 86: Cristo ba ANG DIYOS?
Sagot:
Ang tanong ay may mali. Hinding-hindi natin sinasabi na si Cristo ANG
DIYOS, sapagka’t ANG DIYOS ay tumutukoy sa IISANG DIYOS na
TATLONG PERSONA, ang TRINITY.
Kaya hindi dapat maconfuse sa tanong na ito, ang tamang sabihin ay,
“SI CRISTO AY DIYOS” sapagka’t ang pinag-uusapan natin dito ay
Persona at hiniling ang buong Godhead.
Objection 87: Si Cristo ba ay Hindi na Tao sa Langit
at ang pagiging Tao niya ay TEMPORARYO?
Sagot:
Hindi po. Si Cristo ay Tao sa Langit at siya ay mananatiling Tao sa
walang-hanggan. Sapagka’t siya ay tunay na Tao. At hindi na siya
magbabago. Hindi temporaryo ang kanyang pagiging Tao. Pero
bagama’t nasa Langit, siya ay isang Divine Person. Ang kanyang
katawan ay hindi panlupa, kundi panlangit at ganito din ang
mararanasan nating lahat(1 Cor 15:51-55).
Objection 88:Ang MORPHE sa Philippians 2:6
ay synonymous sa EIKON?
Sagot:
Tama. Pero hindi ibig sabihin nito ay exactly na parehas na sila ng
gamit. Alalahanin na ang iisang salita nga sa Greek at Hebrew gaya ng
Elohim at Theos ay napakarami ng gamit. Pero gayunman, sinasabi sa
atin ni Vines sa kanyang Dictionary na ang salitang MORPHE ay
tumutukoy hindi sa PANLABAS o OUTWARD APPEARANCE ni Cristo
kundi sa kanya mismong NATURE. Kaya maliwanag na ang salitang
MORPHE ay mas nagpapalakas pa sa pagka-Diyos ni Cristo.
Objection 89:Ang MORPHE THEO ay
tumutukoy lamang sa KABANALAN?
Sagot:
Walang problema kung ang nais nilang palitawin na si CRISTO ay kaanyo
o kawangis o kalarawan ng kabanalan ng Diyos pero ang sabihin na
hindi siya Diyos dahil sa anyong kabanalan lamang ang mayroon siya ay
mali. Si Cristo kasi mismo ang tunay at exact imprint of God(Hebrews
1:3). At nasa kanya din ang Kalikasan o Nature ng Ama(Colossians
1:19,2:9). Kung gagamitin ang argumento na siya ay ANYONG TAO din,
hindi din lamang ito tumutukoy sa nayo ng pagiging makasalanan kundi
siya ay naging tunay na Tao talaga. Kaya kung si Cristo ay ANYONG TAO
at TUNAY NA TAO, siya din ay TUNAY NA DIYOS kung nasa ANYONG
DIYOS.
Objection 90: Kinatha lamang noong 325 AD ang
Pagiging Diyos ni Cristo sa Council of Nicaea?
Sagot:
Mali. Bago pa maconvene ang Council of Nicaea noong 325 AD, ay
matagal ng ipinapahayag ng mga Church Fathers ang pananampalataya
nila kay Cristo na Diyos. Ilan sa kanila ay sina:
1. Saint Ignatius of Antioch (107 AD)
2. Tertulian(210 AD)
3. Irenaeus(189 AD)
Objection 91: Si Cristo ay Ginawa Lamang na
Panginoon at HINDI Katutubo ayon sa Gawa 2:36?
Sagot: Wala tayong mababasa sa Biblia na si Cristo ay hindi katutubong
Panginoon. Ang sentido naman ng “ginawang Panginoon at Cristo ” sa
Gawa 2:36 ay upang ihayag ang kanyang pagka-Panginoon at Cristo sa
mga Hudyo. Pero kung si Lucas na mismong sumulat ng Gawa ang
tatanungin, si Cristo ay katutubong Panginoon at Cristo:
“Isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang
Cristong Panginoon.” Lucas 2:11
Objection 92: Hindi Diyos si Cristo dahil sa mga
Ginagawa Niyang Himala kasi Ginawa din ito ng
mga Propeta at Apostol.
Sagot:
Malaki ang pagkakaiba ng mga himalang ginawa ni Cristo kumpara sa mga
Propeta at Apostol. Sa mga Propeta at Apostol la ging nilang sinasabi na ang
kanilang gagawin o ginawa ay sa ngalan ng Panginoon, Diyos o Ni Cristo,
samantalang si Cristo ay gumagawa nito ng may direktang kapasidad na hindi
ginagamit ang salitang “sa ngalan ng Diyos”. Halimbawa ng himalang ginawa
ng mga Apostol at Alagad:
“Iunat ninyo ang inyong kamay upang magpagaling, at loobin ninyo na sa
pangalan ng inyong banal na Lingkod na si Jesus ay makagawa kami ng mga
himala.” Gawa 4:30
Objection 93: Si Cristo ay siya din ang Ama?
Sagot:
Mali, ang paniniwala na ito ay isang Heresiya ng Oneness o sa pagkamatay ni
Cristo sa Krus na siya rin daw ang Ama ay tinatawag na Patripassianism.
Magkaibang Persona po si Cristo at ang Ama:
“Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, tumingala siya sa langit at
kanyang sinabi, “Ama, dumating na ang oras; parangalan mo na ang iyong
Anak upang maparangalan ka niya.
Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na
Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo.”’ Juan 17:1,3
Objection 94: Si Cristo ay isa lamang Propeta?
Sagot:
Bagamat si Cristo ay may tungkuling gaya ng isang Propeta(PROPHETIC
MISSION) siya ay tunay na Diyos.
Mababasa natin sa Biblia na si Cristo ay TRULY GOD.
“CHRIST WAS TRULY GOD.
But he did not try to remain
equal with God.” Philippians 2:6 CEV
Objection 95:Wala ni Isang Salin ng Biblia na Sinabi
ni Cristo LETRA por LETRA na Siya ay Diyos?
Sagot:
Mayroon po. At ganito po ang ating mababasa mula sa isang SALIN ng
Biblia:
Yeshua said to her, “I AM THE LIVING GOD, I who am speaking with
you.”
John 4:26 Aramaic Bible in Plain English (see also John 8:58)
Objection 96: Si Cristo ay mayroon lamang PAGKA-
DIYOS ibig sabihin HINDI TUNAY NA DIYOS?
Sagot:
Kung ang argumento ay ganito na si Cristo ay mayroon lamang sense ng
Pagka-Diyos na tumutukoy sa kabanalan, kay hindi siya tunay na Diyos,
paano nila ipapaliwanag ang talata na ito na ginamit din sa Diyos sa
Lumang Tipan?
“Inyo bang lilingapin ang kaniyang PAGKA-DIYOS? Inyo bang
ipakikipagtalo ang Dios?” Job 13:8
Objection 97: Hindi parin Diyos si Cristo sa
Hebrews 1:8 dahil sa verse 9 may Diyos din Siya?
Sagot:
Sa ibang salin ng Biblia, ang unang Diyos sa verse 9 ay ginagawang
Nominative: “Kaya naman ANG DIYOS, ang Diyos mo” kaya ng sense ay
ganito: Therefore God(Father), your(Christ) God(Father). Kung mapapansin
ay inulit ang gamit ng God as Father.
Pero ang iba ay ginagawa itong VOCATIVE, kaya ang siste ay ganito: Therefore
God(Christ), your God(Father).
Mas naniniwala ang ibang mga Scholars na ang ikalawa ay mas ganap na
nagpapakita ng reconciliation sa verse 8 at verse 10 kung saan si Cristo ay
tinawag na Diyos at Panginoon ng Diyos Ama.
Objection 98: Sa John 1:1 ang nakasaad ay IN
THE BEGINNING akala ko ba Eternity?
Sagot:
Masasabi ba natin kung kailan yang “beginning”? Hindi po. Kundi iyan
ay tumutukoy sa pre-existence ni Cristo bago lalangin ang daigdig.
Ineecho ni San Juan ang Genesis 1:1 kaya hindi malayong ito ay may
reference sa paglikha(verse 3). Ito ay sapagka’t sumusulat si Juan para
sa ikakaintdi ng mga taong FINITE sa isang bagay na INFINITE, kaya
ginamit niya ang salitang BEGINNING. Kaya hindi po iyan kontra sa
sinasabi natin na it denotes eternity.
Objection 99: May Diyos bang Begotten?
Sagot:
Kaya po sinabing ONLY BEGOTTEN GOD ay dahil tumutukoy ito sa
pagiging UNIQUE ng Anak bilang Diyos na Anak ng Ama. Kaya si Cristo,
ang PERSONA ng Anak ang ONLY BEGOTTEN SON, kasi siya ay BORN OF
THE FATHER. Sa paanong paraan? Sa tinatawag nating Filiation o
Intellectual Begetting.
Objection 100: Si Cristo ay Logos lamang kaya
siya ay KAISIPAN lang?
Sagot:
Ginamit kay Cristo ang salitang Logos or Word upang ipakita na siya ay ang
Salita, Kapangyarihan at Karunungan ng Diyos. Hindi ito nangangahulugan na
siya ay isang Abstract na Thought kundi isang buhay na Persona, kung kaya
ginamit sa kanya ang PRONOUN na HIM.
“In the beginning was the Word: and the Word was with God: and the Word
was God.
The same was in the beginning with God.
All things were made by HIM: and without HIM was made nothing that was
made.”
DEFINITION OF TERMS(simplified)
No particular order:
• Christ/ Cristo- título ni Jesus, nangangahulugan ng “Annointed One”.
• Hypostatic Union-pagsasama ng dalawang distinct o magkaibang
nature/kalikasan ni Cristo, Tao at Diyos sa kanyang iisang Persona.
• Kenosis-tumutukoy sa pagbubuhos o self emptying na ginawa ni
Cristo, paghuhubad ng sarili.
• Incarnation-tumutukoy sa pagkakatawang-tao ng Salita, na Diyos.
• Ascensión-tumutukoy sa pag-akyat ng Panginoon sa Langit gamit ang
sariling kapangyarihan.
• Crucifixion-tumutukoy sa pagpapako sa krus.
• Emmanuel-Theophoric ni Cristo meaning, “God is with us”.
• Theophory-pagkakabit ng attribute ng Diyos sa isang pangalan.
• Omniscient-alam lahat ng bagay.
• Omnipresent-nasa lahat ng dako.
• Omnipotent-makapangyarihan sa lahat.
• Omnibenevolent-mabuti sa lahat.
• First-Born-Prototokos, tumutukoy sa isang antas na pangunguna o unang
anak.
• Pre-eminence-kadakilaan.
• Pre-existence-umiral na bago pa siya mahayag.
• Creation-paglikha, paglalang.
• Nature-kalikasan o kung ano siya.
• Essence/Being – Kalikasan
• Will-kalooban.
• Persona-isang indibidwal na may malayang kalooban at kaisipan.
• State-kalagayan, sa kaso ni Cristo, Tao o Espiritu.
• Finite-may limitasyon.
• Infinite-walang limitasyon.
• Filiation-tumutukoy sa pagiging Anak ni Cristo sa Ama.
• Intelllectual Begetting-pagiging anak na hindi gaya ng sa biological na
panganganak .
• Monogenes Theos-only begotten God.
• Monogese Huios-only begotten Son.
• Christology-pag-aaral ukol kay Hesus.
• Apologetics-pagtatanggol sa pananampalataya.
• Prophecy-Hula.
• Types/Typology-mga pangunang versión ng isang bagay sa New
Testament na nasa Old Testament.
• Divinity-pagka-Diyos.
• Humanity-pagka-Tao.
• Substance-tumutukoy sa umiiral sa sarili (self existent being)
• Godhead-Diyos , Kalikasan ng Diyos.
• Trinity-Iisang Diyos, tatlong Persona.
• Yahweh/YHWH-Lord, pangalan ng Diyos ng Israel
• Adonai-Lord, ginagamit lamang sa Diyos
• Adoni-lord, ginagamit sa tao na panginoon.
• Resurrection-muling pagkabuhay.
• Doxology-papuri sa Diyos.
• Creed-salaysay ng pananampalataya o paniniwala.
• Council of Nicaea-konsilyo mg Simbahan lalo na noong 325 AD na
lulutas sa Heresiya ng Arianismo.
• Heresy-maling paniniwala.
• Heretic-nagtataguyod o sumusunod sa Heresiya.
• Arius-Pari na nagtaguyod ng Arianism.
• Arianism-Heresiya na laban sa pagka-Diyos ni Cristo. Nagturo na si
Cristo ay nilikha.
• Oneness-Modalistic Monatchianism-nagtututo na si Cristo at ang Ama
ay iisang Persona.
• Patripassianism-nagtuturo na ang Ama ang naghirap at namatay sa
Krus.
• Nestorianism-itinatatwa ang Incarnation. Dalawang Persona daw si
Cristo.
• Nestorius-nagtaguyod ng Nestorianism.
• Adoptionism-nagtutulungan na si Cristo ay ampon lamang ng Diyos
bilang anak.
• Ecumenical Council-pagtitipon ng mga Obispo upang lutasin ang isang
problema sa Simbahan.
• Anathema-sumpang nagtatakwil, muka sa mga Apostol.
• Church Fathers-mga obispo at theologo na sumunod sa mga Apostol.
• Eternity-walang hanggan.
THE CHURCH
FATHERS ON THE
DIVINITY OF
CHRIST
Ignatius of Antioch
• “Ignatius, also called Theophorus, to the Church at Ephesus in
Asia . . . predestined from eternity for a glory that is lasting and
unchanging, united and chosen through true suffering by the
will of the Father in Jesus Christ our God” (Letter to the
Ephesians 1 [A.D. 110]).
• “For our God, Jesus Christ, was conceived by Mary in accord
with God’s plan: of the seed of David, it is true, but also of the
Holy Spirit” (ibid., 18:2).
• “[T]o the Church beloved and enlightened after the love of Jesus
Christ, our God, by the will of him that has willed everything
which is” (Letter to the Romans 1 [A.D. 110]).
Aristides
• “[Christians] are they who, above every people of the earth, have
found the truth, for they acknowledge God, the Creator and
maker of all things, in the only-begotten Son and in the Holy
Spirit” (Apology 16 [A.D. 140]).
Tatian the Syrian
• “We are not playing the fool, you Greeks, nor do we talk
nonsense, when we report that God was born in the form of a
man” (Address to the Greeks 21 [A.D. 170]).
Melito of Sardis
• “The activities of Christ after his baptism, and especially his
miracles, gave indication and assurance to the world of the deity
hidden in his flesh. Being God and likewise perfect man, he gave
positive indications of his two natures: of his deity, by the
miracles during the three years following after his baptism, of
his humanity, in the thirty years which came before his baptism,
during which, by reason of his condition according to the flesh,
he concealed the signs of his deity, although he was the true
God existing before the ages” (Fragment in Anastasius of
Sinai’s The Guide 13 [A.D. 177]).
Irenaeus
• “For the Church, although dispersed throughout the whole world even to the
ends of the earth, has received from the apostles and from their disciples the faith
in one God, Father Almighty, the creator of heaven and earth and sea and all that
is in them; and in one Jesus Christ, the Son of God, who became flesh for our
salvation; and in the Holy Spirit, who announced through the prophets the
dispensations and the comings, and the birth from a Virgin, and the passion, and
the resurrection from the dead, and the bodily ascension into heaven of the
beloved Christ Jesus our Lord, and his coming from heaven in the glory of the
Father to reestablish all things; and the raising up again of all flesh of all
humanity, in order that to Jesus Christ our Lord and God and Savior and King, in
accord with the approval of the invisible Father, every knee shall bend of those in
heaven and on earth and under the earth” (Against Heresies 1:10:1 [A.D. 189]).
• “Nevertheless, what cannot be said of anyone else who ever lived, that he is
himself in his own right God and Lord . . . may be seen by all who have attained to
even a small portion of the truth” (ibid., 3:19:1).
Origen
• “Although he was God, he took flesh; and having been made
man, he remained what he was: God” (The Fundamental
Doctrines 1:0:4 [A.D. 225]).
Hippolytus
• “Only [God’s] Word is from himself and is therefore also God,
becoming the substance of God” (Refutation of All
Heresies 10:33 [A.D. 228]).
• “For Christ is the God over all, who has arranged to wash away
sin from mankind, rendering the old man new” (ibid., 10:34).
Clement of Alexandria
• “The Word, then, the Christ, is the cause both of our ancient
beginning—for he was in God—and of our well-being. And now
this same Word has appeared as man. He alone is both God and
man, and the source of all our good things” (Exhortation to the
Greeks 1:7:1 [A.D. 190]).
• “Despised as to appearance but in reality adored, [Jesus is] the
expiator, the Savior, the soother, the divine Word, he that is quite
evidently true God, he that is put on a level with the Lord of the
universe because he was his Son” (ibid., 10:110:1).
Tertullian
• “The origins of both his substances display him as man and as
God: from the one, born, and from the other, not born” (The
Flesh of Christ 5:6–7 [A.D. 210]).
• “That there are two gods and two Lords, however, is a statement
which we will never allow to issue from our mouth; not as if the
Father and the Son were not God, nor the Spirit God, and each
of them God; but formerly two were spoken of as gods and two
as Lords, so that when Christ would come, he might both be
acknowledged as God and be called Lord, because he is the Son
of him who is both God and Lord” (Against Praxeas 13:6 [A.D.
216]).
Hippolytus
• “Only [God’s] Word is from himself and is therefore also God,
becoming the substance of God” (Refutation of All
Heresies 10:33 [A.D. 228]).
• “For Christ is the God over all, who has arranged to wash away
sin from mankind, rendering the old man new” (ibid., 10:34).
Novatian
• “If Christ was only man, why did he lay down for us such a rule of
believing as that in which he said, ‘And this is life eternal, that they
should know you, the only and true God, and Jesus Christ, whom
thou hast sent?’ [John 17:3]. Had he not wished that he also should
be understood to be God, why did he add, ‘And Jesus Christ, whom
thou hast sent,’ except because he wished to be received as God
also? Because if he had not wished to be understood to be God, he
would have added, ‘And the man Jesus Christ, whom thou hast sent;’
but, in fact, he neither added this, nor did Christ deliver himself to us
as man only, but associated himself with God, as he wished to be
understood by this conjunction to be God also, as he is.” (Treatise on
the Trinity 16 [A.D. 235]).
Cyprian of Carthage
• “One who denies that Christ is God cannot become his temple
[of the Holy Spirit]” (Letters 73:12 [A.D. 253]).
Gregory the Wonderworker
• “There is one God, the Father of the living Word, who is his
subsistent wisdom and power and eternal image: perfect
begetter of the perfect begotten, Father of the only-begotten
Son. There is one Lord, only of the only, God of God, image and
likeness of deity, efficient Word, wisdom comprehensive of the
constitution of all things, and power formative of the whole
creation, true Son of true Father, invisible of invisible, and
incorruptible of incorruptible, and immortal of immortal and
eternal of eternal. . . . And thus neither was the Son ever wanting
to the Father, nor the Spirit to the Son; but without variation and
without change, the same Trinity abides ever” (Declaration of
Faith [A.D. 265]).
Arnobius
• “‘Well, then,’ some raging, angry, and excited man will say, ‘is
that Christ your God?’ ‘God indeed,’ we shall answer, ‘and God of
the hidden powers’” (Against the Pagans 1:42 [A.D. 305]).
Lactantius
• “He was made both Son of God in the spirit and Son of man in the
flesh, that is, both God and man” (Divine Institutes 4:13:5 [A.D. 307]).
• “We, on the other hand, are [truly] religious, who make our
supplications to the one true God. Someone may perhaps ask how,
when we say that we worship one God only, we nevertheless assert
that there are two, God the Father and God the Son—which assertion
has driven many into the greatest error . . . [thinking] that we confess
that there is another God, and that he is mortal. . . . [But w]hen we
speak of God the Father and God the Son, we do not speak of them
as different, nor do we separate each, because the Father cannot
exist without the Son, nor can the Son be separated from the Father”
(ibid., 4:28–29)
Patrick of Ireland
• “Jesus Christ is the Lord and God in whom we believe, and
whose coming we expect will soon take place, the judge of the
living and the dead, who will render to everyone according to
his works” (Confession of St. Patrick 4 [A.D. 452]).
End.
At iyan po ang ilan sa mga
basic at common
objections at kung paano
sila sagutin sa simpleng
paraan ukol sa mga tuligsa
nila sa Divinity of the Lord
Jesus Christ.
Hope na may natutunan
kayo at sana ay ating
ipagpatuloy ang pag-aaral
nito.
Disclaimer: The contents of
this presentation was prepared
by a Laty with small Theological
background. If any errors are
found, you are responsible for
informing the Author for
proper action.
All parts of this material is owned by the author and the Catholic Faith
Defense and The Stronghold of the Catholic Faith page, any unlawful
use of this for the intent of harming the Catholic Faith is not allowed,
reproduction of this without permission is strictly not allowed.
References:
Bible:
Holy Bible, Contemporary English Version(CEV)
Douay-Rheims Challoner Bible(DRB)
King James Version-Authorized Version(KJV-AV)
New Revised Standard Version(NRSV)
Magandang Balita Biblia(MBB)
Ang Biblia 1905(AB)
Biblia ng Sambayanang Pilipino Katolikong Edisyong Pastoral(BSP)
Others: Retrieved through biblehub.com
Study Tools and References:
Vines Dictionary
Strongs and Concordance Lexicon
Wilson, Benjamin, Emphatic Diaglott
Shedd, William G. T., Dogmatic Theology
Tanquerey, A. D., Trans: Byrnes, Manual of Dogmatic Theology
Morrow, Louis L., My Catholic Faith
Grenz, Guretzki, et al., Pocket Dictionary of Theological Terms
Pietro, Piolanti, et al., Dictionary of Theological Terms
Haydock, George, Catholic Commentary on the Bible
Catechism of the Catholic Church(CCC)
References and Web Sources:
Apologists and Web Sources:
Gitamondoc, Ramon, CFD, presentation
Marasigan Arnie, CFD, article
Villegas, Fran Rev. Fr., STL, CFD , article and presentation
The Center for the Study of New Testament Manuscripts(CSNTM)
Codex Sinaiticus Project
Akin, Jimmy, article, Catholic Answers
Cainong Jesryl, LA,God Died. article
Argañosa, Abraham Rev. Fr., CFD, article, The Splendor of the Church
Heinlein, Edward, Adonai. Catholic Encyclopedia. Ret. August 8, 2020. Web.
Hecshmeyer, Joe, Understanding Christ Humanity and Divinity. Word on Fire blog. Ret. Aug.
8.2020.Web
References and Web Sources:
Catholic Fortress, Page. Why did Satan Tempted Jesus. Article and visual
presentation
Hunnius, Dr. On the nature of Christ before Incarnation. Web.
Bailey, Richard, Questions and Answers about the Deity of Christ.
AnsweringIslam.org . Ret. Aug 8, 2020.Web
Christianity. Net. Article. Ret. Aug. 8, 2020. Web.
Pope, Charles. Msgr. Where did Jesus… Catholic Standard
Ret. Aug. 8,2020. Web.
Piper, John, Desiring God. Org, article. Ret. Aug. 8, 2020. Web.
Grenache, Claude, Rev. Fr., Catholic Digest. Article. Ret. Aug 8, 2020. Web
Encyclopedia Brytanica. Homoousios. Phil. And Religion. Ret. Aug. 8, 2020.
Web.
Prepared by:
Humphrey A. Beña, SPMS
Lay Defender of the Faith
Prepared for the LAYMAN’S USE of Simple Christological
Apologetics
REVISED BASIC APOLOGETICS IN CHRISTOLOGY 2021-converted.pdf
REVISED BASIC APOLOGETICS IN CHRISTOLOGY 2021-converted.pdf

Más contenido relacionado

Similar a REVISED BASIC APOLOGETICS IN CHRISTOLOGY 2021-converted.pdf

Lesson 2 pre encounter
Lesson 2 pre   encounterLesson 2 pre   encounter
Lesson 2 pre encounterRogelio Gonia
 
Lesson 3 Naroroon pa Rin!
Lesson 3 Naroroon pa Rin!Lesson 3 Naroroon pa Rin!
Lesson 3 Naroroon pa Rin!Truth
 
God in christianity philippines
God in christianity philippinesGod in christianity philippines
God in christianity philippinesDialogueTime
 
Jesus Christ, His Person & Mission
Jesus Christ, His Person & MissionJesus Christ, His Person & Mission
Jesus Christ, His Person & MissionRic Eguia
 
Lesson 3 pre-encounter
Lesson 3  pre-encounterLesson 3  pre-encounter
Lesson 3 pre-encounterRogelio Gonia
 
Love the Lord Your God
Love the Lord Your GodLove the Lord Your God
Love the Lord Your GodRic Eguia
 
2018 cfc clp talk 8 life in the holy spirit at the pangatlan chapel mexico pamp
2018 cfc clp talk 8 life in the holy spirit at the pangatlan chapel mexico pamp2018 cfc clp talk 8 life in the holy spirit at the pangatlan chapel mexico pamp
2018 cfc clp talk 8 life in the holy spirit at the pangatlan chapel mexico pampRodel Sinamban
 
2017 cfc clp talk 8 life in the holy spirit
2017 cfc clp talk 8 life in the holy spirit2017 cfc clp talk 8 life in the holy spirit
2017 cfc clp talk 8 life in the holy spiritRodel Sinamban
 
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biegeDiscipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biegeDanny Medina
 
Ang Espiritu at ang Simbahan
Ang Espiritu at ang SimbahanAng Espiritu at ang Simbahan
Ang Espiritu at ang SimbahanRic Eguia
 
Cfc clp talk 8 life in the holy spirit june 2016
Cfc clp talk 8 life in the holy spirit june 2016Cfc clp talk 8 life in the holy spirit june 2016
Cfc clp talk 8 life in the holy spirit june 2016Rodel Sinamban
 
Living As Disciples of Christ
Living As Disciples of ChristLiving As Disciples of Christ
Living As Disciples of ChristRic Eguia
 
Lesson 1 May Natitira pa bang Maari mong Pagkatiwalaan?
Lesson 1 May Natitira pa bang Maari mong Pagkatiwalaan?Lesson 1 May Natitira pa bang Maari mong Pagkatiwalaan?
Lesson 1 May Natitira pa bang Maari mong Pagkatiwalaan?Truth
 
Cfc clp talk 8 life in the holy spirit 2016
Cfc clp talk 8 life in the holy spirit 2016Cfc clp talk 8 life in the holy spirit 2016
Cfc clp talk 8 life in the holy spirit 2016Rodel Sinamban
 
Pananampalatayang Nakapagliligtas
Pananampalatayang NakapagliligtasPananampalatayang Nakapagliligtas
Pananampalatayang NakapagliligtasAlbert B. Callo Jr.
 
Muling pagkabuhay ni Kristo - Sunday school
Muling pagkabuhay ni Kristo - Sunday schoolMuling pagkabuhay ni Kristo - Sunday school
Muling pagkabuhay ni Kristo - Sunday schoolGazel Castillo
 
DOCTRINE 7 - INCARNATION - BRO. JOSEPH FERMIN - 7AM MABUHAY SERVICE
DOCTRINE 7 - INCARNATION - BRO. JOSEPH FERMIN - 7AM MABUHAY SERVICEDOCTRINE 7 - INCARNATION - BRO. JOSEPH FERMIN - 7AM MABUHAY SERVICE
DOCTRINE 7 - INCARNATION - BRO. JOSEPH FERMIN - 7AM MABUHAY SERVICEFaithworks Christian Church
 

Similar a REVISED BASIC APOLOGETICS IN CHRISTOLOGY 2021-converted.pdf (20)

Espiritu Santo.pptx
Espiritu Santo.pptxEspiritu Santo.pptx
Espiritu Santo.pptx
 
Lesson 2 pre encounter
Lesson 2 pre   encounterLesson 2 pre   encounter
Lesson 2 pre encounter
 
Lesson 3 Naroroon pa Rin!
Lesson 3 Naroroon pa Rin!Lesson 3 Naroroon pa Rin!
Lesson 3 Naroroon pa Rin!
 
Cfc clp talk 3
Cfc clp talk 3Cfc clp talk 3
Cfc clp talk 3
 
Cfc clp talk 3
Cfc clp talk 3Cfc clp talk 3
Cfc clp talk 3
 
God in christianity philippines
God in christianity philippinesGod in christianity philippines
God in christianity philippines
 
Jesus Christ, His Person & Mission
Jesus Christ, His Person & MissionJesus Christ, His Person & Mission
Jesus Christ, His Person & Mission
 
Lesson 3 pre-encounter
Lesson 3  pre-encounterLesson 3  pre-encounter
Lesson 3 pre-encounter
 
Love the Lord Your God
Love the Lord Your GodLove the Lord Your God
Love the Lord Your God
 
2018 cfc clp talk 8 life in the holy spirit at the pangatlan chapel mexico pamp
2018 cfc clp talk 8 life in the holy spirit at the pangatlan chapel mexico pamp2018 cfc clp talk 8 life in the holy spirit at the pangatlan chapel mexico pamp
2018 cfc clp talk 8 life in the holy spirit at the pangatlan chapel mexico pamp
 
2017 cfc clp talk 8 life in the holy spirit
2017 cfc clp talk 8 life in the holy spirit2017 cfc clp talk 8 life in the holy spirit
2017 cfc clp talk 8 life in the holy spirit
 
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biegeDiscipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
 
Ang Espiritu at ang Simbahan
Ang Espiritu at ang SimbahanAng Espiritu at ang Simbahan
Ang Espiritu at ang Simbahan
 
Cfc clp talk 8 life in the holy spirit june 2016
Cfc clp talk 8 life in the holy spirit june 2016Cfc clp talk 8 life in the holy spirit june 2016
Cfc clp talk 8 life in the holy spirit june 2016
 
Living As Disciples of Christ
Living As Disciples of ChristLiving As Disciples of Christ
Living As Disciples of Christ
 
Lesson 1 May Natitira pa bang Maari mong Pagkatiwalaan?
Lesson 1 May Natitira pa bang Maari mong Pagkatiwalaan?Lesson 1 May Natitira pa bang Maari mong Pagkatiwalaan?
Lesson 1 May Natitira pa bang Maari mong Pagkatiwalaan?
 
Cfc clp talk 8 life in the holy spirit 2016
Cfc clp talk 8 life in the holy spirit 2016Cfc clp talk 8 life in the holy spirit 2016
Cfc clp talk 8 life in the holy spirit 2016
 
Pananampalatayang Nakapagliligtas
Pananampalatayang NakapagliligtasPananampalatayang Nakapagliligtas
Pananampalatayang Nakapagliligtas
 
Muling pagkabuhay ni Kristo - Sunday school
Muling pagkabuhay ni Kristo - Sunday schoolMuling pagkabuhay ni Kristo - Sunday school
Muling pagkabuhay ni Kristo - Sunday school
 
DOCTRINE 7 - INCARNATION - BRO. JOSEPH FERMIN - 7AM MABUHAY SERVICE
DOCTRINE 7 - INCARNATION - BRO. JOSEPH FERMIN - 7AM MABUHAY SERVICEDOCTRINE 7 - INCARNATION - BRO. JOSEPH FERMIN - 7AM MABUHAY SERVICE
DOCTRINE 7 - INCARNATION - BRO. JOSEPH FERMIN - 7AM MABUHAY SERVICE
 

REVISED BASIC APOLOGETICS IN CHRISTOLOGY 2021-converted.pdf

  • 1. Lay Catholic Apologetics Christology: Answering Objections against the Divinity of our Lord Jesus Christ the Layman’s Way Bro Humphrey A. Beña, SPMS Member, Saint Peter’s Men Society, Catholic Lay Apologetics
  • 2.
  • 3. WHAT WE BELIEVE: The Council of Nicaea I “We believe in one Lord, Jesus Christ, the only-begotten Son of God, God from God, light from light, true God from true God, begotten, not made, one in being with the Father. Through him all things were made” (Creed of Nicaea [A.D. 325]). “But those who say, ‘There was a time when he [the Son] did not exist,’ and ‘Before he was born, he did not exist,’ and ‘Because he was made from non-existing matter, he is either of another substance or essence,’ and those who call ‘God the Son of God changeable and mutable,’ these the Catholic Church anathematizes” (Appendix to the Creed of Nicaea [A.D. 325]).
  • 4. Introduction What is Apologetics? -Apologetics is the branch of Theology that deals with the systematic defense of the faith through the use of reason and facts. What is Christology? -Christology is the study of the Christ, the central figure of the Christian Faith, it deals with the understanding on the Divinity and Humanity of Jesus Christ, being one Divine Person with two distinct natures.
  • 5. Why do we need apologetics? • Apologetics is not merely a pure argumentation and debate, rather it aims for the realization of truth, strengthening of faith, and the conversion of the lost. Apologetics must be viewed as an important part of our Catholic Faith, especially us, the laity, so that for at least, we can defend, explain and live our faith the fullest, in this particular topic, the knowledge of the truth of Christ is our aim, in order for us to find the truth, and by finding the truth comes salvation. But doing apologetics entitles us to be gentle and loving as the Bible says, be always ready to defend the faith in a nice and gentle manner (1 Peter 3:15-16).
  • 6. “Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso at sambahin ninyo siya bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa na nasa inyo.Ngunit maging mahinahon at magalang kayo sa inyong pagpapaliwanag. Bilang mga lingkod ni Cristo, panatilihin ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga nanlalait at humahamak sa inyong magandang pag-uugal.” Pedro 3:15-16
  • 7. Why Defend Christ? • By virtue of our Baptism and Confirmation, we became soldiers of Christ and adopted Children of God. It is the duty of every Christian to defend Jesus Christ as what the Apostles, Early Christians and Church Fathers did in order to secure and defend the pristine truth of the Gospel and Christ. “I am not worthy to be called a Catholic, if I cannot defend my faith.“ -St. Cyril of Alexandria
  • 8. What’s inside? This simple apologetic material contains basic questions and answers about the objections and arguments coming from Unitarian who deny the Divinity of Christ as well as guided styles in arguing with them. It contains arguments referenced from already existing apologetic articles and materials from Apologetics Organizations like the Saint Peter’s Men Society, Catholic Faith Defenders, Apologetics Pages and Books, Catholic Answers, Standard References and Catholic Apologists, extracted and presented in the most possible simplest manner.
  • 9. Ang tamang pagkakilala natin sa Panginoon at sa Diyos ay lubhang napakahalaga para sa ating kaligtasan sa panahon na maraming nagpapakilala na pekeng Cristo. Dumarami din ang mga nagtuturo ng maling Cristo. Sabi ng mga Unitarians at ibang sekta, si Cristo ay hindi Diyos, sabi naman ng iba siya ay Diyos lamang. Pero lahat ng ito ay mali kung hindi nakabatay mismo sa itinuturo ng ating Simbahan. The Catechism of the Catholic Church tells us, 423 We believe and confess that Jesus of Nazareth, born a Jew of a daughter of Israel at Bethlehem at the time of King Herod the Great and the emperor Caesar Augustus, a carpenter by trade, who died crucified in Jerusalem under the procurator Pontius Pilate during the reign of the emperor Tiberius, is the eternal Son of God made man. He ‘came from God’, 4 ‘descended from heaven’, 5 and ‘came in the flesh’. 6 For ‘the Word became flesh and dwelt among us, full of grace and truth; we have beheld his glory, glory as of the only Son from the Father. . . And from his fullness have we all received, grace upon grace.’ 7 424 Moved by the grace of the Holy Spirit and drawn by the Father, we believe in Jesus and confess: ‘You are the Christ, the Son of the living God.’ 8 On the rock of this faith confessed by St. Peter, Christ built his Church. 9 “To preach. . . The unsearchable riches of Christ” 10 By confessing Christ, we are also responsible for defending the truth about Him, for we believe that Christ is our Truth, He is the foundation of our faith.
  • 10. Si Cristo ay Diyos Sa Banal na Kasulatan, malinaw na inihahayag sa atin na ang Panginoong Hesus ay tunay na Diyos. Siya ay ang Salita ng Diyos na kasama na ng Diyos at siyang Diyos (Juan 10:30), siya ang Bugtong na Anak ng Diyos na Diyos na nagpakilala sa kanya(Juan 10:30). Ang Salita na ito na isang Diyos ay naging Tao at nakita ng mga Apostol (Juan 1:14), siya bagama’t tunay na Diyos at kapantay nito ay nagpakababa at naging tao, nakitulad sa isang alipin at naging masunurin hanggang sa kamatayan sa Krus (Filipos 2:3, 5-8). Ito ay dahil sa labis na pagmamahal sa atin ng Diyos (Juan 3:16) na kanyang ibinigay ang kaisa- isang niyang Anak upang ang sinumang sumampalataya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ito’y sa pamamagitan ng pagkakilala sa tunay at iisang Diyos (Juan 17:3), ito’y si Jesu-Cristo na tunay na Diyos at buhay na walang hanggan (1 Juan 5:20). Si Cristo ay tunay na Diyos, siya ay Diyos gaya ng kanyang Ama, siya ang dahilan kaya tayo ay nalikha(Juan 1:1-3, Col. 1:15-17), siya ang tinapay na nagbibigay buhay (Juan 6:48), siya ang daan, ang katotohanan a, at buhay(John 14:6) at siya ay Panginoon at Diyos nating lahat (Juan 20:28), siya ay muling darating, siya ang ating dakilang Diyos at Tagapagligtas (Titus 2:13). Kaya malinaw ang patotoo ng Espiritu Santo, na ang ating Panginoong Jesus ay tunay na Diyos, dapat nating sampalatayanan, dapat nating ipaglaban.
  • 11.
  • 12. Ano mang kamaliang masumpungan sa gawaing ito ay buong pananagutan ng may akda, at hindi ng kanyang organisasyong kinaaaniban. Ano mang puna ang makita ay agad na ipaalam sa may-akda para sa karapatang aksyon na maaring gawin.
  • 13. Objection 1: May mababasa ba sa Biblia na sinabi mismo ni Cristo na siya ay Diyos? Sagot: Meron! Christ said that he is God indirectly by saying that He and the Father are One (John 10:30). Hindi na kailangan pa na sabihin niya letra por letra o direkta na siya ay Diyos dahil siya ay nagpakumbaba at nag-anyong alipin(Phil. 2:3,5-8). Kokontra ito sa kanyang pagpapakumbaba kung ipapangalandakan niya na siya ay Diyos. Kung kaya sinabi ni Cristo ang mga bagay na palatandaan gaya ng, “I AM” (John 8:58). Now bakit hindi na need ni Jesus Christ na patotohanang direkta na siya ay Diyos? Ganito ang kanyang sinabi: Juan 5:31-3 “Kung ako lamang ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, ang patotoo ko ay walang katotohanan.Ngunit may ibang nagpapatotoo tungkol sa akin, at totoo ang kanyang sinasabi.” So, no need for Him to say that He is God directly dahil nga may ibang magpapatotoo sa kanya gaya ng kanyang mga Apostol at mga Propeta.
  • 14. Objection 2: Kung Diyos si Cristo bakit siya ay binuhay ng Diyos? May Diyos bang binubuhay ng Diyos din? Sagot: Walang problema kung sinabi sa Bible na si Jesus ay binuhay muli ng Ama o kaya ay ng Diyos. Dahil mababasa din sa Biblia na si Cristo ay may kakayahang buhayin ang kanyang sarili na inihalintulad niya sa Templo (John 2:19-22). At siya ang “resurrection and the life” (John 11:25), marapat dahil ganito ang kanyang sinabi, may kapangyarihan pala siya na kusang ibigay at kuning muli ang kanyang buhay: Juan 10:17-18 “Dahil dito'y minamahal ako ng Ama, sapagkat iniaalay ko ang aking buhay upang ito'y kunin kong muli.Walang makakakuha ng aking buhay; kusa ko itong ibinibigay. Mayroon akong kapangyarihang ibigay ito at kuning muli. Ito ang utos na tinanggap ko sa aking Ama.” Kaya walang problema kung binuhay din siya ng Diyos Ama, it only means to say na tama ang sinabi niya sa Juan 10:30 na sila ay iisa.
  • 15. Objection 3: Bakit inamin mismo ni Cristo na siya ay Tao sa Juan 8:40? Sagot: Sinabi niyang tao siya sa John 8:40 na nagsasaysay ng katotohanan na narinig niya sa Diyos (Ama), dahil nga siya noong panahong iyon ay nasumpungan bilang tao at nasa kalagayang tao (Phil. 2:5-8, John 1:1, 14), so natural na sabihin niyang tao siya. Kaya nga naniniwala tayong mga Katoliko na si Cristo ay may dalawang natures, ang Human at Divine na kalikasan, ang dalawang ito ay distinct sa isa't-isa pero cannot be separated, yan ang tinatawag na Hypostatic Union. Dalawang nature ni Cristo bilang isang Divine Person. Gayunpaman, Kahit na siya ay tao ay minarapat ng Ama na manatili sa kanya ang kanyang kalikasan(Col. 1:19), at ganito ang sinasabi: Mga Taga-Colosas 2:9 “Sapagkat likas kay Cristo ang buong pagka-diyos kahit na siya’y nagkatawang-tao.”
  • 16. Objetion 4: Theophoric Name lang ba ang nasa Isaias 9:6? Sagot: Walang problema kung iyon ay Theophoric name o Hindi, sapagka’t hindi lang ito nanatili as simply as a name but nagkaroon ng katuparan lahat kay Cristo(Mat. 1:21-23): Otoridad sa Balikat (Mat. 28:18) Kamangha-manghang Tagapayo(Mat. 1:23, 4:23, Mark 1:22, etc) Makapangyarihang Diyos (Rev. 1:8, 22:12) Walang Hanggang Ama (John 10:30, John 14:9-10) Prinsipe ng Kapayapaan (Col. 3:15) Kaya malinaw na hindi lang iyon ikakabit sa pangalan ng bata kundi nagkaroon ng katuparan din sa kanya.
  • 17. Objection 5: Ayon sa Biblia, ano si Cristo ngayon sa langit? Tao o Diyos? Sagot: Si Cristo ngayon sa langit ay parehong Tao at Diyos (Hypostatic Union). Walang tutol na si Cristo ay tao sa langit (Psalm 80:17). Pero malinaw din na siya ay Diyos sa langit, nakaluklok sa trono at kanan ng Ama (Psalm 110:1). Now, Diyos din ba iyong nakaluklok na anak sa trono? Ganito ang sabi ng Ama: Mga Hebreo 1:8 “Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos ay magpakailan pa man, ikaw ay maghaharing may katarungan.” There, ang Ama mismo ang tumawag na Diyos ang Anak, paano tayo makakasiguro na ang Anak nga ang nakaupo sa trono? Dahil siya ang Kordero na nakaluklok sa gitna nito (Rev. 7:17). So, malinaw, si Cristo ay Tao at Diyos na tunay sa langit.
  • 18. Objection 6: Walang tumawag kay Cristo na Diyos sa Biblia? Sagot: Marami, remember na sinabi ni Cristo na may ibang magpapatotoo sa kanya, ito ang ilan sa kanila na tumawag kay Cristo na Diyos: Propeta Isaias: “Makapangyarihang Diyos” (Isaiah 9:6) Apostol Juan: “Ang Salita(Cristo) ay Diyos, at Bugtong na Diyos” (John 1:1, 14, 18) Apostol Pedro: “Makatarungang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo”(2 Peter 1:1) Apostol Tomas: “Panginoon ko at Diyos ko!” (Kay Cristo) (John 20:28) Apostol Pablo: “Dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo”(Titus 2:13), “Tunay na Diyos” (Phil. 2:5-8) Ang Ama: “Sinabi sa Anak, ang iyong trono, O Diyos” (Heb. 1:8)
  • 19. Objection 7: Bakit sinabi ni Cristo noong nakapako siya sa Krus, “Diyos ko, Diyos ko”, may Diyos bang tumatawag pa sa isang Diyos? Sagot: Do not be confused about sa Persona ng Ama na iba sa Anak, at natural kay Cristo na tumawag sa Ama niya na Diyos noong nandito siya sa lupa dahil siya ay tunay ding tao(John 8:40), pero sa talatang Mateo 27:46, at Markos 15:34, hindi ibig sabihin non ay marami na ang Diyos o si Cristo ay ibang Diyos sa Ama, tandaan ang nasa Juan 10:30 at Filipos 2:5-8, pero kaya sinabi ni Cristo yun ay upang ihayag na siya nga ang katuparan ng nasa Awit 22 na ganito ang sabi sa unang verse: Mga Awit 22:1 “O Diyos ko! Diyos ko! Bakit mo ako pinabayaan? Sumisigaw ako ng saklolo, ngunit bakit di mo ako tinutulungan?” Kapag binasa ang buong chapter ay mauunawaan ang kontexto nito na ukol sa Messiah. Kaya nga noong sinitas iyon ni Cristo ay naihayag na natupad na iyon.
  • 20. Objection 8: Ang Diyos ay Espiritu, na walang laman at buto, paano ngayong Diyos si Cristo na may laman at Buto? Sagot: Walang problema kung sinabi sa Bible na ang Diyos ay Espiritu dahil si Cristo, ang Pangalawang Adan o Last Adam ay isa ding Espiritu (1 Cor. 15:45, 47), siya ay Espiritung nagbibigay buhay. Wala ding problema kung ang Diyos ay walang laman at buto(Luke24:39), noon yun, dahil iyon ang alam ng mga Hudyo, pero ang ikalawang Persona ay nagkatawang tao, nagkaroon na ng laman at buto sa Incarnation (John 1:1, 14, 18, Phil. 2:5-8). At kung sasabihin na hindi Diyos si Cristo dahil ang Diyos ay dapat na Espiritu, ibig bang sabihin non ay Diyos na din ang mga Anghel na mga espíritu din(Hebrews 1:14)? Hindi, kaya malinaw sa Biblia na Diyos si Cristo na nahayag sa laman (1 Tim. 3:16).
  • 21. Objection 9: Aakyat si Cristo sa kanyang Ama at Diyos sa John 20:17? Sagot: Tama. Tama ang sinabi ni Cristo na siya ay aakyat sa kanyang Ama, at ating Ama at sa kanyang Diyos at ating Diyos sa Juan 20:17. Pero walang tutol at hindi yan kontra sa pagiging Diyos ni Cristo, bakit? Dahil natural lamang na tawagin niyang Diyos at Ama ang kanyang Ama, dahil ganon din naman ang Ama sa kanya, tinawag din siyang Anak at Diyos: Mga Hebreo 1:8 “Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos ay magpakailan pa man, ikaw ay maghaharing may katarungan.”
  • 22. Objection 10:Si Cristo ay susuko at papasailalim sa Ama ayon sa 1 Cor. 15:28? Sagot: Walang problema diyan, hindi ibig sabihin niyan na si Cristo ay hindi Diyos, tumutukoy iyan hindi sa Substance o Nature ni Cristo kundi sa kanyang role as Anak ng Ama. At yan ang kahayagan na siya ay nasa Ama at ang Ama ay nasa kanya (John 14:10). Ang salitang ginamit sa submission o surrender diyan sa Greek ay “Hupotasso”, at sa ibang mga talata ay mababasa din naman natin ang same word o kaya ay past tense nito na “Hupotassomenos”. Ang salitang iyan ay ginamit sa mga babaeng papasailalim sa mga asawa nila sa Efeso 5:22, ibig bang sabihin ay hindi na sila “human” sa kalikasan? Hindi po. Iyan ay punapatungkol lamang sa role nila. Same as through sa Lukas 2:51, si Cristo din naman ay nagpasailalim at naging masunurin sa kanyang mga magulang, ibig bang sabihin nun ay mas makapangyarihan at iba na ang nature ng kanyang mga magulang? Hindi po, sapagka’t ang tinutukoy sa 1 Cor. 15:28 ay patungkol lamang sa gampanin at hindi kalikasan.
  • 23. Objection 11:Kung Diyos si Cristo bakit hindi siya Omniscient at hindi alam ang araw ng kanyang pagbabalik? Sagot: Noong sinabi ni Cristo na walang nakakaalam ng araw ng paghuhukom kahit pa ng Anak kundi ang Ama lamang(Mat. 24:36, Mark 13:32) ay hindi ibig sabihin na si Cristo ay hindi omniscient, kundi siya ay nagsasalita bilang isang taong limitado ang kaalaman. Gayunpaman, ay hindi din niya papangunganahan ang Ama sa mga lihim na para lamang sa Diyos at hindi na dapat alamin ng tao(Deut. 29:29). Bagkus, nagbigay siya ng palatandaan gaya ng isang magnanakaw na hindi sasabihin ang kanyang pagdating upang sa ganoon ay hindi siya abangan at di papasukin ng may ari ng bahay (Mat. 24:36-42).Doon makukuha ang konteksto, sapagka’t si Cristo ay darating na gaya ng magnanakaw. At isa pa kung di alam ni Cristo lahat ng bagay dahil diyan, eh hindi din pala omniscient ang Ama dahil sa Rev. 19:12 ay sinabing si Cristo lamang nakakaalam ng kahulugan ng kanyang pangalan? Pero malinaw ang sabi ni Apostol Pedro, alam ni Cristo ang lahat ng bagay kahit dina tanungin (John 16:30, 21:17).
  • 24. Objection 12: Since Diyos si Cristo siya ba ay Omnipresent? Sagot: Oo naman, si Cristo ay omnipresent din o sumasalahat. Ito ang mga halimbawa ng talata na nagpapatunay na si Cristo ay nasa lahat ng tao: Mateo 28:20 “Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.” Mateo 18:20 “Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila.” Mga Taga-Colosas 3:11 “Kaya't sa kalagayang ito, wala nang pagkakaiba ang Griego at ang Judio, ang tuli at ang di-tuli, ang dayuhan at ang mabangis na tao, ang alipin at ang malaya. Ngunit si Cristo ang pinakamahalaga sa lahat, at siya'y nasa inyong lahat.”
  • 25. Objection 13: Pasado ba si Cristo sa talata ng 1 Timothy 1:17? Sagot: Oo naman! Pasadong-pasado, pero ano nga ba ang nasa talata? Ganito ang sabi: 1 Timoteo 1:17 “Purihin natin at luwalhatiin magpakailanman ang iisang Diyos, Haring walang hanggan, walang kamatayan at di-nakikita! Amen.” Pasado nga ba si Cristo sa mga criteria na iyan? Alamin natin. 1. Purihin at luwalhatiin (2 Peter 3:18, Rev. 5:12) 2. Haring walang hanggan (Luke 1:32-33) 3. Hindi nakikita (1 Peter 1:7-8) 4. Walang Kamatayan (Romans 6:9) Ayon, malinaw at pasado ang Panginoon!
  • 26. Objection 14: Sinabi ni Cristo na mas dakila sa kanya ang Ama (John 14:28)? Sagot: Tama ang sinabi ni Cristo na ang Ama ay mas dakila sa kanya sa Juan 14:28, dahil noong nagsasalita siya ay nasa kalagayang tao siya(Phil. 2:5-8), besides, Jesus is talking about His office as the Son in incarnate nature not the Divine Nature o Banal na kalikasan kung saan ay pantay sila ng Ama (Phil. 2:6, John 20:30). At si Cristo ay nagpapakumbaba(Phil. 2:3, 5) kaya natural lamang na sabihin niya iyon. Pero kung ating kukunin ang unawa, si Cristo ay ginawa kasing mas mababa sa mga anghel(Hebrews 2:9), at malalaman din nating si Juan Bautista ay isang tao kung saan walang mas dakilang tao sa kanya (Mat 11:11). Ibig bang sabihin ay mas mataas si Juan kay Cristo(John 1:27)? Hindi, dahil iyan ay tumutukoy po sa gampanin ni Cristo na ibinigay sa kanya ng kanyang Ama. Pangalawa ayon sa mga Theologians ay ang relasyon ni Cristo sa Ama bilang Anak, ang Anak at begotten by the begetter, kaya si Cristo ay más mababa patungkol sa relasyon sa Trinity, ang Ama ang First Principle, tandaan na ang pagiging dakila ay hindi lang patungkol sa kalikasan kundi sa gampanin, order, etc.
  • 27. Objection 15: Si Cristo ay nagsimula lamang kay Maria at walang pre-existence? Sagot: Mali po, ang nagsimula po kay Maria ay ang incarnate body of Christ, pero si Cristo ay umiiral na bago pa pa lalangin ang daigdig (Gen. 1:1-3, 26), naroon na po ang Salita ng Diyos at kasama sa paglalang(John 1:1-5, Col. 1:15-17, 1 John 1:1). Diyos Ama mismo ang nagsabi na siya ay lumikha noong una( Heb. 1:8, 10). Siya ay umiral na bago si Juan Bautista na nauna sa kanya literally (John 1:15), ang kanyang kaluwalhatian ay nakita na ni Propeta Isaias (John 12:41), si Cristo ay mula sa walang hanggan(Micah 5:2) same with the Father na mula sa walang hanggan(Isaiah 43:13, Hab. 1:12). Si Cristo ay naroon na bago si Abraham(John 8:56-58). At siya ang karunungang meron na bago likhain ang daigdig(Prov. 8:22- 31). Ilan lamang iyan sa mga patunay na si Cristo ay naroon na sa simula ng walang pasimula, kaya nga ang Ama ay Ama sa walang pasimula dahil mayroon na siyang Anak mula sa walang pasimula.
  • 28. Objection 16: Ang Verbo o Word sa John 1:1 ay banaag at plano lamang o Divine Thought? Sagot: Walang problema kung ang Word o Salita sa Juan 1:1 ay Divine Thought, Idea, plan, banaag etc ayon sa lexicon o Strong’s, dahil iyan ang kahulugan ng salita. Pero ang Logos o Salitang iyan ay walang iba kundi si Cristo na mayroon ng kalagayan noon pa man bilang Espiritu (1 Cor. 15:45-47), at siya muli ay nagkaroon ng bagong kalagayan bilang tao(John 1:1, 14, Phil. 2:5-8). Si Cristo po ang Salita na iyan dahil nagkatawang tao (John 1:14), walang problema kung ang kahulugan niyan ay Plano etc, iyon ay sumisimbulo lamang sa function ng Logos. Isa pa, si Cristo parin ang Salita (Rev. 19:13).
  • 29. Objection 17: Si Cristo ay panukala o plano palang na nasa isip ng Diyos ayon sa 1 Peter 1:20? Sagot: Ginagamit ng mga Unitarians ang salin ni Juan Trinidad para mas suportahan ang kanilang argumento na si Cristo ay nasa isip palang ng Diyos bago likhain ang daigdig sa 1 Pedro 1:20. Pero walang problema yun dahil ang ibig sabihin nun ay pinili na siya o nasa isip na siya ng Diyos bago lalangin ang daigdig sa gawaing pagliligtas, dahil siya ang magliligtas sa atin, at alam na ng Diyos iyon. Si Cristo ay nasa isip ng Diyos, dahil siya din ang Karunungan ng Diyos(1Cor 1:24). Pero nalinaw na si Cristo ay may kalagayan na at existing na noon pa (Heb. 1:8, 10), siya at sa pamamagitan niya ay nalikha ang lahat ng bagay(Col. 1:15-17). Sadyang binibigyan lang nila ng kung anu-anong pakahuluganan iyan at ginagamit din ang talata ng Efeso 1:4, pero ang pagpili sa atin diyan ay iba kay Cristo, dahil siya ang Prototokos at tayo ay mga nilikha, ang sinabing pagpili sa ating mga tao bago likhain ang mundo ay patungkol sa pakikiisa natin kay Cristo na nakatakda na bago pa tayo likhain.
  • 30. Objection 18: Panganay si Cristo sa lahat ng nilalang at una sa lahat ng nilikha sa Col. 1:15-17? Sagot: Hindi ibig sabihin niyan na si Cristo ay isang created being o nilalang, dahil malinaw na siya ay manlalalang (Heb 1:10), ang ibig sabihin lang niyan kung babasahin sa V. 16 ay siya ang dahilan at sa pamamagitan niya ay nalikha ang lahat ng bagay. Dahil si Cristo ay “prototokos” sa ginamit na salita, ang ibig sabihin ay tumutukoy ito sa kanyang “Pre-eminence”, at hindi sa oras ng pagkalikha o pagkasilang. Ang salitang “first born” kasi ay isang título na ginagawad ng isang ama sa anak lalo na sa mga Hudyo gaya ng ginawa ni Abraham kina Isaac at Jacob, ito ay basbas at hindi literal na para sa mga “first born o first child”. Ang titulong ito ngayon ay iginawad ng Ama kay Cristo dahil si Cristo ay eternally begotten by the Father.
  • 31. Objection 19: Colossians 2:9 ay hindi patunay na Diyos si Cristo dahil napupos din ng kapuspusan ng Diyos ang mga alagad sa Ephesians 3:19? Sagot: Mali po ang kanilang pakahuluganan, sapagka’t ang tinutukoy sa Col. 2:9 ay ang kalikasan at kapuspusan ng buong pagkaDiyos na nakay Cristo na siya ding unang pinahayag sa Col. 1:19. Ang tinutukoy po ay kalikasan at hindi kalagayan. Unlike sa Efeso 3:19, ang pagkapuspos naman doon ng kapuspusan ng Diyos sa mga alagad ay tumutukoy naman sa pagkapuspos nila ng Espiritu Santo upang magkaroon ng kaunawaan. Equivocation fallacy po ang kanilang ginagawa, kaya para maunawaan ay basahin ang mga talata ng Efeso 3:17-20 upang makuha ang buong context. Dapat palang sila ay mapuspos ng Espiritu Santo (Eph. 5:18)at naipauna nang sabihin na iyon ay para sa pagkakilala kay Cristo(Eph 3:4), ito ang naidudulot ng Espiritu Santo (1 John 2:20).
  • 32. Objection 20: Walang definite article na “ho” ang John 1:1c kaya ang salitang “God” doon ay adjective? Sagot: Hindi dahil kulang ng definite article na “ho” bago sa salitang “Theos” sa Juan 1:1c ay ibig sabihin ay adjective na ito at hindi Diyos ang salita. Ito ay mahinang argumento dahil si Juan mismo ay gumamit sa maraming paraan ng salitang Theos to pertain to the One True God na walang definite article gaya sa Juan 1:18. Sa katunayan pati ang Biblia ng mga Unitarian na Jehovah’s Witness na New World Translation ay gumamit din ng salitang Theos sa maraming paraan at isinalin ito as God hindi god o divine kahit na walang definite article bago nito. Sa Luke 7:43, at 14:11 maging sa 2 Cor. 4:4 ay ginamit din naman ang salitang “God”, at naisalin ito bilang isang noun kahit walang definite article bago ang salitang “theos” sa orihinal na manuscripts. Ang malinaw po ay consistent ang paggamit ni Juan sa salitang “Theos” na kahit walang definite article na “ho” ay ginamit sa pagtukoy Diyos at kung sana ay adjective lang ito, minarapat sana niyang gamitin ang salitang “divine” instead na God.
  • 33. Objection 21: Nagulat si Tomas nang sabihin niya sa John 20:28, “Panginoon ko at Diyos ko”? Sagot: Mali. Una hindi po pwedeng nagulat si Tomas dahil bago ang pangyayaring iyon ay nagkausap at nakita at nahipo na niya ang Panginoon(John 20:25-29), expected na ni Tomas iyon at yun ang nais niya (V 25), kaya nung nagpakita si Cristo sa kanya ay kanya itong hinipo muna(V 27). Hindi din pwedeng magulat si Tomas dahil nga sa tradisyon ng mga Hudyo ay hindi maaaring gamitin sa walang kabuluhan ng ngalan ng Diyos ayon sa Exodus 20:7 dahil magiging katumbas nun ay blasphemy na pinakaiiwasan ng mga Hudyo gaya ni Tomas, dahil ang kaparusahan din ng salang iyon ay kamatayan. Hindi sila gaya nating mga Pilipino na napapa“OMG”, sa halip ay batid talaga ni Tomas ang kanyang sinabi. At hindi din pagkagulat ang paggamit ng bantas na (!) kundi expression ng malakas na pananampalataya, ang bantas ay para sa isang strong feeling of emotion.
  • 34. Objection 22: Nagkamali si Tomas sa John 20:28 nung sabihin niyang Panginoon ko at Diyos ko kay Cristo? Sagot: Again, gaya ng pagkagulat ni Tomas daw ay wala na naman itong katotohanan. Sa katunayan, iniuugnay nila ito sa argumento na yung salitang Panginoon ay kay Cristo, at ang Diyos ay sa Ama na. Mali po dahil sa Greek ay mababasa ang salitang “Autos” na isang dative case at personal possessive pronoun, na ang ibig sabihin ay “to him”, kapag po ginamit ang salitang iyan ay punapatungkol lamang iyan sa taong kausap o kaharap, hindi sa ibang tao. Yan ay direkta po sa taong kausap ng nagsasalita at wala pong ibang kausap doon si Tomas kundi si Cristo. Isa pa, ay kung nagkamali si Tomas, sana ay itinuwid siya ni Cristo gaya ng kanyang ginagawa pag nagkakamali sila halimbawa sa Lukas 9:55. Pero sa halip ay kaniya itong pinalakas at sinang-ayunan(John 20:29).
  • 35. Objection 23: Kung Diyos si Cristo at Diyos ang Ama, ibig sabihin marami ang Diyos? Sagot: Maling unawa. Ang Divine Nature po ay iisa, ang Diyos kung ganon ay iisa pero may tatlong persona sharing the same substance, 100% sila ay Diyos kahit na magkakaibang persona pero ang nature ay undivided. Una, walang problema kung si Cristo ay Diyos, dahil Diyos naman talaga siya, at hindi din dadami ang Diyos dahil si Cristo at ang Ama ay iisa sa substance o kalikasan (John 10:30), at ang Ama ay nasa kanya at siya ay nasa Ama(John 14:10). Iisa lang ang Diyos.
  • 36. Objection 24: 1 Timothy 2:5, si Cristo ay taong tagapamagitan sa Ama na Diyos? Sagot: Wala namang problema diyan. Dahil si Cristo ay tunay na Tao(John 8:40) at tunay na Diyos (John 20:28) at iisang Divine Person, siya ngayon ang tanging tagapamagitan sa Tao at sa Diyos. Sapagka’t naranasan niya ang ating mga karanasan(1 Peter 4:1), alam niya ngayon ang paghihirap natin. Kaya nga siya ang pinakaperpekto upang mamagitan sa atin. Take note, walang sinabi sa talata na si Cristo ay hindi Diyos. Bagkus pinatutunayan niya na si Cristo ay tunay na Tao at Diyos. Ito ay tumutukoy sa kanyang gawain at hindi sa kanyang kalikasan.
  • 37. Objection 25: May iisang Diyos lamang, ang Ama, at may iisang Panginoon, si Cristo (1 Cor. 8:6)? Sagot: Tama naman yan, may iisang Diyos tayo ang Ama na kung saan ay nagmumula ang lahat ng bagay. Dahil ang Ama ang source of all things(1Cor. 8:6). At mayroon din namang iisang Panginoon si Jesu-Cristo, na sa pamamagitan niya lahat ay nalikha at may buhay. Ang talatang iyan po ay tumutukoy sa dalawang persona, ang Ama at Anak, at sa kanilang tungkulin, ang Ama bilang source of all things, at si Cristo bilang sa kanya ay nalikha at may buhay ang lahat. Hindi po yan tutol na si Cristo ay Diyos, bagkus sinasabi lamang ang gawain nila ng Ama. Sa Ama lamang (na Diyos) nagmula ang lahat, at kay Cristo naman na (Panginoon) nabubuhay at nalikha ang lahat. Kung palalabasin na ang Ama lang ang Diyos dahil sinabing siya lamang ang iisang Diyos, ibig sabihin ay si Cristo lamang din ang Panginoon dahil siya lamang ang iisang Panginoon? Paano ngayon yan, kung ang Ama ay tinawag ding Panginoon sa Biblia? At si Cristo naman ang Panginoon ng mga Panginoon (Rev 17:14)? Alam natin na iisa ang Diyos (Deut. 6:4), at iisa ang Panginoon. Kaya nga si Cristo at ang Ama ay iisa (John 10:30). At ang contrast niyan ay laban sa mga diyus-diyosan at pekeng Panginoon na nasa V4-5.
  • 38. Objection 26: Ang Diyos ay hindi Tao ayon sa Hosea 11:9? Sagot: Para maunawaan natin ay basahin natin ang Hosea 11:8-9: Hosea 11:8-9“Pababayaan ba kita, Efraim? Ikaw ba'y ibibigay ko sa kaaway, Israel? Maitutulad ba kita sa Adma?Magagawa ko ba sa iyo ang aking ginawa sa Zeboim? Hindi ito kayang gawin ng puso ko; kahabagan ko'y nananaig.Hindi ko ipadarama ang bigat ng aking poot; Hindi ko na muling sisirain ang Efraim. Sapagkat ako'y Diyos at hindi tao, ang Banal na Diyos na nasa kalagitnaan ninyo, at hindi ako naparito upang kayo'y wasakin.” Ang Diyos ay hindi tao, ang context po kasi niyan ay ang gawain at kalooban ng tao na hindi gawain, kalooban o kaisipan ng Diyos. Kumbaga ang Diyos ay hindi gaya ng tao mag-isip at kumilos gaya ng nasa talata, hindi siya gaya ng tao na padalos-dalos lalo na sa galit at paghihiganti. Hindi po sinabi diyan na ang Diyos ay hindi kayang maging tao na naganap na nga sa Fil. 2:5-8).
  • 39. Objection 27: Ang Tao ay hindi Diyos ayon sa Ezekiel 28:2? Sagot: Tama naman ang nasa Ezek. 28:2 pero para ating maunawaan ay ganito ang sabi sa talata: Ezekiel 28:1-2 “Sinabi sa akin ni Yahweh:“Ezekiel, anak ng tao, sabihin mo sa pinuno ng Tiro na ito ang ipinapasabi ko sa kanila: Sa iyong kapalaluan ay sinabi mong isa kang diyos. Nakaluklok kang parang diyos sa gitna ng karagatan bagama't ang totoo'y hindi ka diyos kundi tao lamang. Pinipilit mong abutin ang isipan ng isang diyos.”” Ayon, ang konteksto pala ng nasabing “ang Tao ay hindi Diyos” ay ang paghahangad ng isang tao na siya ay maging gaya ng Diyos. Sa nasabing talata ay pinasasabi ng Diyos sa hari ng Tiro na siya ay tao at hindi Diyos, dahil inaakala niya at tinuturing ang sarili bilang isang Diyos dahil sa kanyang kapalaluan. Walang sinabi sa Bible si Cristo ay Tao na naging Diyos, bagkus siya ay Diyos na naging Tao (Phil. 2:5-8). Kaya hindi applicable ang katwiran na iyan.
  • 40. Objection 28: Si Cristo at ang Ama ay iisa lamang sa pangangalaga ng Kawan sa John 10:30? Sagot: Walang problema kung si Cristo at ang Ama ay iisa sa pangangalaga ng kawan sa Juan 10:30, dahil iyon ay gawain talaga ng Diyos. At kung nagkataon mali ang argumento na natalikod ang Iglesia kasi nagkakaisa na pala si Cristo at ang Ama sa pangangalaga ito. Moreover, ang sinabi ni Cristo ay isang general term, iisa sila ng Ama bilang Diyos (hindi sa persona), iisa sa nature at substance. Iisa bilang tagapaglikha, manunubos, sanctifier, omniscient, omnipresent, omnipotent, holy etc. In short, iisa sila bilang Diyos. Walang mababasa doon na iisa lamang sila bilang tagapangalaga ng kawan.
  • 41. Objection 29: Ang Ama lang daw ang dapat kilalaning tunay at iisang Diyos sa John 17:3? Sagot: Malinaw naman ang Juan 17:3, “ito ang buhay na walang hanggan na Ikaw(Ama) ay makilala nila na tunay at iisang Diyos at si Jesu-Cristo na iyong sinugo”, walang problema diyan kung uunawaing mabuti, ang konteksto po kasi niyan ay laban sa mga diyus-diyosan. Si Cristo ba ay diyus-diyosan kung ganon? Hindi po, dahil kung mapapansin, ang talata ay isang compound sentence, may compound subjects na (Ikaw(Ama) at Jesu-Cristo na sinugo ng Ama) at isang predicate, ang makilala na iisa at tunay na Diyos. Ang talata pong iyon ay gumamit ng salitang “KAI” sa Greek na ang ibig sabihin ay gayundin, same as, o sa madaling salita ay ang conjunction na “And” o “At”, kailan ba ito ginagamit? Ginagamit ito para iindicate na may kadugtong at kabilang sa salita. Kaya nga ang buhay na walang hanggan ay ang makilala ang Ikaw(Ama) at si Jesu-Cristo na kanyang sinugo bilang tunay at iisang Diyos (Juan 10:30). Ano ang patunay dito? Ang Gen. 7:23 ay naisulat sa same pattern ng Juan 17:3, doon ay sinabing “Only Noah and the eight with him survived the flood” so ibig sabihin hindi lang si Noah ang nakaligtas kundi pati mga kasama gaya na lamang sa nasa Juan 17:3. Kaya patunay ang Juan 17:3 na si Cristo nga ay tunay na Diyos.
  • 42. Objection 30: Kung si Cristo ang Karunungan sa Proverbs 8:22, siya ay nilikha ng Diyos? Sagot: Hindi po yan paglikha na gaya ng paglalang sa isang bagay kundi tumutukoy sa possession o pag-aari ng Diyos. Si Cristo ay inari ng kanyang Ama mula pa sa walang pasimula dahil siya ay ang Bugtong na Anak nito. Sa mas maraming salin ay possessed and sinabi at hindi made: “Jehovah [a]possessed me in [b]the beginning of his way,[c]Before his works of old” Proverbs 8:22, American Standard Version (ASV) “The Lord possessed[a] me at the beginning of his work,[b] the first of his acts of old.” Proverbs 8:22, English Standard Version (ESV) “The Lord possessed me in the beginning of his ways, before he made any thing from the beginning.” Proverbs 8:22, Douay-Rheims 1899 American Edition (DRA) “Hashem possessed me in the reshit of His derech, before His works of old.” Mishle 8:22, Orthodox Jewish Bible (OJB) Hebrew word: “qanah”, which means to possess or purchase
  • 43. Objection 31: Kung si Cristo ang Karunungan sa Proverbs 8:22, bakit “her” ang tawag sa Karunungan sa Proverbs 8:1? Sagot: Ang Karunungan kasi ay wala talagang gender, ito ay personification at metaphor lamang na ginamit ni Solomon kay Cristo, kaya hindi ito tumutukoy sa isang taong may gender sa literal sense. Ang halimbawa nito ay ang Earth, bakit tinatawag ang ang Earth na “Mother”, mayroon bang gender o kasarian ang Earth in a literal sense? Wala po. Kaya malinaw na yan ay invalid argument para pabulaanan ang pre- existence ni Cristo sa Awit 8:22-31.
  • 44. Objection 32: Si Cristo ay hindi likas na Panginoon dahil ginawa lang siyang Panginoon sa Acts 2:36? Sagot: Si Cristo ay likas ng Panginoon noon pa man, sa katunayan, ay kinilala na siyang Panginoon bago siya isilang gaya ng mababasa sa Lukas1:43, 3:11, at maging si David ay nagsalita din sa kanya bilang Panginoon (Mt. 22:42-45, Psalm 110:1). At kahit ang Ama ay tinawag din siyang Panginoon (Heb 1:8, 10), ibig bang sabihin ay ginawa siyang Panginoon ng Ama? Ang konteksto po kasi ng nasabing talata kung babasahin ang mga sumunod na talata ay ang paghahayag sa pagkaPanginoon ni Cristo. His Lordship was made manifest sa mga taong magiging alagad niya. Tandaan iisa lamang ang Panginoon (Eph. 4:5).
  • 45. Objection 33: Ano ang tama, “Thy throne, O God” o “God is thy Trone” sa Heb. 1:8? Sagot: According sa mga Scholars, both na parehong tama ang rendition nito. However ang pagsasabing “Ang Diyos ang iyong Trono” ay mas walang sense at kahulugan. Una, wala sa Bible na ang Diyos ay isang Trono, ikalawa, ang nakaupo sa Trono ay mas mataas na kung ganon sa Trono, another is that, si Cristo nakaupo sa kanan ng Ama(Psalm 110:1, Col. 3:1). Kaya nga mas tama ang rendition na, “Ang iyong Trono, O Diyos” sapagka’t napapatunayan natin na si Cristo ay hindi nakaupo sa Diyos bilang Trono, at ang Anak, ang Kordero ay nakitang nakaupo sa gitna ng Trono (Rev. 7:17).
  • 46. Objection 34: Ang nasa John 1:18 ay Bugtong na Anak at hindi Bugtong na Diyos? Sagot: May mga saling nagsasabi na ang nasa Juan 1:18 ay Bugtong na Anak, batay sa gamit sila pero ang Bugtong n Anak ay understood as Bugtong na Diyos, na gaya ng mga nasa ibang karamihang salin, sapagka’t ang nakalagay sa mga matatandang manuscripts at codexes ay “Monogenes Theos” o Bugtong/Kaisa-isang Diyos gaya ng Codex Vaticanus, Codex Sinaiticus, Boomer Papyri, Papyrus 66, Minuscule 33 at ilan pa sa pinakamatatandang manuscripts na Greek na mostly from the Alexandrian Family na mas may credibility. So mas supported ng early manuscripts ang “Monogenes Theos” sa “Monogenes Huios”. Nevertheless, kahit Begotten Son o God yan ay same parin na si Cristo ay tunay na Diyos, at Bugtong na Anak. Isa pa ay mas pinili lang ng ilang manunulat na ilagay ang Son para hindi magmukhang paulit-ulit sa nasabing talata.
  • 47. Objection 35: Anong ibig sabihin ng “Naparito sa laman” sa 2 John 1:7? Sagot: Ganito ang sinabi sa talata: “Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo.” 2 Juan 1:7 Sa ibang salin ay ganito: “Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga mandaraya! Ayaw nilang kilalanin na si Jesu-Cristo'y naging tao. Ang ganoong mga tao ay mandaraya at laban kay Cristo.” 2 Juan 1:7 Ang ibig sabihin pala ng naparito sa laman ay nagkatawang tao o nagkalaman, siya ay hindi nagsimula dito bilang laman kundi siya ay nagpunta dito sa laman, ibig sabihin ay wala siyang laman bago naparito. Walang taong mau laman na paparito pa sa laman, iyom ay may laman na, at nakakatiyak tayo dahil nahayag sa atin si Cristo na napunta dito sa laman (John 1:1, 14, 1 Tim. 3:16).
  • 48. Objection 36: Sino ang Diyos sa 1 John 5:20? Sagot: Tignan natin sa isang salin: 1 Juan 5:20 “At nalalaman nating naparito na ang Anak ng Diyos at binigyan niya tayo ng pang- unawa upang makilala natin ang tunay na Diyos, at tayo'y nasa tunay na Diyos, sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Siya ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan.” Sa ibang salin naman ay: 1 Juan 5:20 “At nalalaman nating naparito na ang Anak ng Diyos at binigyan niya tayo ng pang- unawa upang makilala natin ang tunay na Diyos, at tayo'y nasa tunay na Diyos, sa makatuwid baga ay sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Ito ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan.” Malinaw po na naparito ang Anak ng Diyos, upang makilala natin ang tunay na Diyos(John 17:3), at tayo’y nasa tunay na Diyos (Mat. 1:23), kasama natin siya “Emmanuel”, sa makatuwid baga’y si Jesu- Cristo, ito o siya ang tunay na Diyos at ang buhay na walang hanggan. Si Cristo po iyong “ito” o “siya” doon, dahil siya ang subject ng talata na naparito na magpapakilala sa Ama(John 1:18) at siya ang buhay na walang hanggan (Jude 1:21, Romans 6:23, John 3:15-16, John 6:47-48, John 11:25).
  • 49. Objection 37: Wala ng Diyos liban sa Diyos at wala na siyang kikilalanin pang iba? Sagot: Tama ang sabi sa mga talatang Deut. 4:39, 1 Samuel 2:2, Isaias 43:10, at Isaias 44:6, Isaias 45:2, wala ng ibang Diyos liban sa Diyos at walang nauna o darating pa sa kanya. Tama lahat yan, dahil ang nagsasalita diyan ay ang Diyos mismo na may tatlong persona, ang Anak ay isang persona ng nagsasalitang Diyos kaya walang problema. Sabi nga niya ay ganito: Isaias 44:6 “Ang sabi ni Yahweh, ang Hari at Tagapagligtas ng Israel, ang Makapangyarihan sa lahat: “Ako ang simula at ang wakas; walang ibang diyos maliban sa akin.” Si Cristo din naman ay kasama diyan, dahil siya din ay Alpha at Omega o Una at Wakas (Rev. 1:8), at siya din ay Diyos na makapangyarihan(Isaias 9:6). Kaya hindi iyan tutol sa pagkaDiyos ni Cristo.
  • 50. Objection 38: Ang Diyos ay hindi nagbabago? Sagot: Tama, ang Diyos ay hindi nagbabago, Diyos parin siya kahit anong mangyari, mabuti kahit anong mangyari , hindi siya gaya ng tao: 1 Samuel 15:29 “Ang maluwalhating Diyos ng Israel ay hindi nagsisinungaling at hindi nagbabago ng pag-iisip. Hindi siya tulad ng tao na nagbabago ng pag- iisip.” Iyon pala ang konteksto, hindi siya gaya ng isang taong nagbabago, eh si Cristo paano yan naging tao siya? Walang problema dahil nadagdagan lang siya ng kalagayan at kalikasan, pero hindi siya nagbago, sa halip ay nanatili sa kanya ang pagkaDiyos(Col. 1:19, 2:9), at si Cristo ay ganon din: Mga Hebreo 13:8 “Si Jesu-Cristo ay hindi magbabago kailanman; siya ay kahapon, ngayon, at bukas.”
  • 51. Objection 39: Ang nasa Phil. 2:6-7 ay “Morphe Theo” o anyong Diyos lamang? Sagot: Walang problema kung si Cristo ay anyong Diyos lamang ayon sa ibang salin ng Filipos 2:6-7, sapagka’t ang iba naman ang salin ay siya’y likas o tunay na Diyos. Nevertheless, kung ang rason ay hindi siya Diyos bagkus ay anyong Diyos o kalarawan lamang, ibig bang sabihin ay hindi din siya tao dahil ang sabi sa V7 ay nag-anyong Tao o Alipin (Morphe Doulos) din siya? O mayroon din bang tao pero mag-aanyo pang tao? That’s a fallacious argument, malinaw na si Cristo ay tunay na Diyos sa talatang iyan anuman ang pagkakasalin nito.
  • 52. Objection 40: Diyos ba si Cristo sa langit? May ibang talata pabang patunay? Sagot: Bukod sa Heb. 1:8, ay pinatutunayan din mismo ni Juan at ni Cristo na siya ay Diyos. Sa mga talata ng Pahayag 22:6, 16 ay nalinaw na si Cristo ay Diyos sa langit na nagsusugo ng Anghel. Ganito ang nasa mga talata: Pahayag 22:6,16 [6]At sinabi sa akin ng anghel, “Maaasahan at totoo ang mga salitang ito. Ang Panginoong Diyos, na nagkaloob ng kanyang Espiritu sa mga propeta, ang siyang nagsugo sa kanyang anghel upang ihayag sa mga lingkod niya ang mga bagay na magaganap sa lalong madaling panahon.” [16]“Akong si Jesus ang nagsugo sa aking anghel upang ang mga bagay na ito’y ipahayag sa inyo na nasa mga iglesya. Ako’y mula sa angkan ni David; ako ang maningning na bituin sa umaga.” Malinaw na sa Rev. 22:6 ay may Panginoong Diyos na nagsugo ng kanyang anghel, at siya ay nagpakilala pagkatapos lamang ng 10 talata sa Rev. 22:16, siya ay si Cristo na nagsusugo ng kanyang mga anghel(Mat. 13:41). Malinaw na sa langit siya nagsugo.
  • 53. Objection 41:Kung Diyos si Cristo, bakit ayon sa Luke 2:40 ay “the child increased in knowledge”? Sagot: Natural sa isang bata ang magkaroon ng kaalaman, si Cristo bilang tunay na Tao at Diyos sa kanyang pagiging tao ay natural na siya din ay matututo. Hindi ibig sabihin nun ay hindi na siya all-knowing, do not be confused about sa kanyang pagkaDiyos at pagkaTao. Sa Ibang salin ay sinasabi na siya ay lumaking “puno ng kaalaman, matalino, o filled with knowledge”. Gayunpaman, ay malinaw na si Cristo ay all-knowing (John 21:17).
  • 54. Objection 42: Kung hinubad pala ni Cristo ang pagiging Diyos sa Phil. 2:5-8, ibig sabihin ay hindi na talaga siya Diyos. Sagot: Diyos parin siya kahit na hinubad niya ito, ito ang sabi sa Biblia: Mga Taga-Colosas 1:19 “Sapagkat minarapat ng Diyos na ang buo niyang kalikasan ay manatili sa Anak,” Mga Taga-Colosas 2:9 “ Sapagkat likas kay Cristo ang buong pagka-diyos kahit na siya’y nagkatawang-tao.” Malinaw po iyan. Kaya nga may Hypostatic Union, two distinct natures in one Divine Person.
  • 55. Objection 43: Namatay ba ang Diyos sa Krus? Literal o Figurative? Sagot: Ayon sa Magisterium, ang expression na “God died” ay dapat inuunawang literal. Si Cristo ay Diyos, pero siya ang Second Person ng Trinity. Mayroon siyang dalawang distinct natures, Human and Divine which are innate and therefore cannot be separated, so Jesus is one Divine Person that is fully Human and fully Divine. Noong mamatay si Cristo sa Krus, siya ay literal na namatay, dahil kung hindi ay figurative lang ang kaligtasang natamo natin. Jesus died, Jesus is God, therefore, God Died. “God died in His Human Nature.”-CBCP Namatay si Cristo, pero ang Divinity ay hindi namamatay, gaya ng isang taong namamatay, namamatay ang tao pero hindi ang humanity.
  • 56. Objection 44: Kung si Cristo ay iisa sa Ama ayon sa John 10:30, sino ang anak niya? Sagot: Very ignorant and fallacious question. Do not be confused about the person of the Father and the Son. Ama si Cristo ayon sa Isaias 9:6 at Juan 14:10, dahil si Cristo ay nasa Ama, ang Ama ay nasa kanya, siya ay kumikilos ng ayon sa Ama, at nagbibigay sa atin. Siya ay dahilan kaya tayo ay nabubuhay (1Cor. 8:6). Ang pagiging Ama ni Cristo ay hindi ang pagiging Ama ng Persona ng Ama, dahil siya ang persona ng Anak na Anak ng Ama.
  • 57. Objection 45: Si Cristo ba ay Diyos pag siya ay babalik muli? Sagot: Si Cristo ay Diyos na naparito, Diyos na umakayat at Diyos ding babalik. Pahayag 1:8 “Ako ang Alpha at ang Omega,” sabi ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat; Diyos sa kasalukuyan, sa nakaraan, at siyang darating.” Patotoo ni Pablo: Tito 2:13 “habang hinihintay natin ang dakilang araw na ating inaasahan. Ito ang pagbabalik ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.”
  • 58. Objection 46: Kung Diyos si Cristo bakit siya bakit siya nanalanging nagmamakaawa sa Diyos? Sagot: Mga Hebreo 5:7 “Noong si Jesus ay namumuhay pa rito sa lupa, siya'y nanalangin at lumuluhang nakiusap sa Diyos na makakapagligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig siya ng Diyos dahil lubusan siyang nagpakumbabá.” Isa lamang itong patunay na si Cristo ay nag-anyong alipin, and he emptied Himself (Phil. 2:5-8). Kaya natural, na pag binasa sa next verse ay sinasabi na maging siya na Anak ng Diyos ay natutunan ang pagtitiis. Ito ang kahayagan naging tunay nga siyang tao. Kaya ganon din ang case sa Juan 12:27 at sa Mateo 26:39.
  • 59. Objection 47: Kung Diyos si Cristo ibig sabihin ay Diyos din ang kanyang ina? Sagot: Exegetical fallacy. Mali. Si Cristo ay tunay na Diyos at tunay ding tao, at ang kanyang pagkaDiyos ay hindi mula kay Maria, ang mula sa mahal na ina ay ang kanyang katawang tao, pero hindi ang kanyang pagkaDiyos. Dahil bago pa siya maging Tao ay Diyos na siya (Heb. 1:8). Ang pagkakasilang kay Cristo ay ang Incarnation (John 1:14). Kaya’t sabi sa Hebreo 10:5 ay ipinaghanda siya ng isang katawan, pagpasok niya sa Sanglibutan. Kaya si Maria ay isang tao at hindi Diyos.
  • 60. Objection 48: Si Cristo ay hindi gumagawa ng ganang sa kanyang sarili? Sagot: Juan 8:28 “Kaya’t sinabi ni Jesus, “Kapag naitaas na ninyo ang Anak ng Tao, malalaman ninyong ‘Ako’y Ako Nga.’ Wala akong ginagawa batay sa sarili kong kapangyarihan. Ang ipinapasabi lamang ng Ama ang siya kong sinasabi,”” Juan 10:37 “Kung hindi ko ginagawa ang mga ipinapagawa ng aking Ama, huwag ninyo akong paniwalaan.” We need to understand na si Cristo ay nagpakumbaba, at naging masunurin sa kanyang Ama (Phil. 2:3,5-8), at ito ay palatandaan na siya at ang Ama ay iisa (Juan 10:30, 14:10). Ginagawa niya ito dahil mahal niya ang Ama (John 14:31). Kaya hindi siya iniiwan ng Ama(John 8:29). At sa Mateo 21:27, hindi na dapat nating gawing isang malaking issue iyon dahil iyon ang nais ni Cristo kung di natin unawain.
  • 61. Objection 49: Paniniwala ng mga Pagano at Kulto na si Cristo ay Diyos? Sagot: Mali, wala kang mababasa sa Biblia na ganyan, bagkus ay paniniwala ng mga Cristiano na si Cristo ay Diyos. Hindi ka matatawag na Cristiano kung hindi ka naniniwala na si Cristo ay Diyos. Kahanay mo pa ang mga sumusunod: Paganismo-Hindi Diyos si Cristo Islam-Hindi Diyos si Cristo Hinduismo-Hindi Diyos si Cristo Buddhismo-Hindi Diyos si Cristo Okultismo-Hindi Diyos si Cristo Hudaismo-Hindi Diyos si Cristo Shintoismo-Hindi Diyos si Cristo At iba pa.
  • 62. Objection 50:Katha lamang sa Council of Nicea 325 AD ang pagkaDiyos ni Cristo ni Constantine? Sagot: Wrong. Ang Council of Nicea po ay isang Konsilyo na pinatawag lang ni Constantine upang maayos ang sigalot ng mga Cristiano sa kanyang imperyo. Pero hindi siya nangialam sa usaping Theological dahil hindi naman siya Theologian. Bagkus ang mga Obispo at Pari(Magisterium) na ginagabayan ng Espiritu Santo (John 16:13, 1 Tim. 3:15, Mateo 16:18-19) ang nagproklama nito at nalinaw laban sa mga Heresiya gaya ng Arianism. Pero malinaw na ang mga Cristiano ay naniniwala nang Diyos si Cristo bago pa ang Konsilyo, dahil sa Biblia ay malinaw na na si Cristo ay Diyos(John 1:1, 18, 20:28, Titus 2:13, 2 Peter 2:1, Heb. 1:8, Isaiah 9:6, John 10:30, etc).
  • 63. Objection 51: Paanong Diyos si Cristo kung siya ay binigyan lamang ng kapangyarihan sa John 17:2? Sagot: Basahin natin ang talata, Juan 17:2 “Sapagkat binigyan mo ako ng kapangyarihan sa sangkatauhan upang bigyan ko ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa Anak.” Wala namang problema diyan dahil si Cristo ay nagpakababa at naging tao(Phil. 2:5-8), pero we need to understand na dahil sa pagpapakumbaba ay binigyan siya ng kapangyarihan at pagkalugod ng Ama (Phil. 2:9-11), alinsunod iyan sa sinasabi ng propesiya sa Isaias 9:6 na maaatang sa kanya ang kapamahalaan. Si Cristo bagama’t sinabing binigyan ng kapangyarihan ay hindi nangangahulugang wala siyang kapangyarihan dahil una sa lahat siya ang kapangyarihan ng Diyos (1 Cor. 1:24). At kung ating babasahin ang sumunod na mga talata sa Juan 17:5, siya pala ay may kaluwalhatian na gaya ng Ama bago pa ang mundo ay malikha. At tandaan din natin na si Cristo bagama’t isang tao ay tunay paring Diyos (Col. 2:9).
  • 64. Objection 52:Kung si Cristo ay Diyos at nagdasal siya sa Diyos, kinakausap niya ang kanyang sarili? Sagot: Maling unawa. Si Cristo gaya na lamang sa Juan 17:1-5, nung nagdarasal siya sa Ama ay hindi sa kanyang sarili. Ang Diyos ay iisa pero hindi author ng confusion (1Cor. 14:33), bagkus iisa ito pero may tatlong magkakaibang persona, ang Ama, Anak at Espiritu Santo, kaya do not be confused about the persons, pero ang nature nila ay iisa lamang, dahil iisa ang Diyos(Deut 6:4).
  • 65. Objection 53: Umiiral na ba si Cristo sa Lumang Tipan? Sagot: Oo naman. Umiiral na si Cristo sa Lumang Tipan, nakita nga ni Abraham (John 8:56,58) at ni Propeta Isaias (John 12:41). Pero si Cristo ay hindi pa fully revealed sa Lumang Tipan, dahil siya ay sa Bagong Tipan. Kasama na si Cristo sa paglikha (Gen. 1:1-5, 1:26) na pinatutunayan sa Bagong Tipan (Col. 1:15-16, John 1:1-3, Heb. 1:10).
  • 66. Objection 54: Sino ang Diyos ni Cristo sa Biblia? Sagot: Kung ang pag-uusapan ay kung may DINIDIYOS ba si Cristo ay wala, pero kung ang pag-uusapan ay ang Diyos na kanyang kinikilala at tinatawag, ito ay ang Ama niya gaya na lamang sa Juan 20:17. Natural na iyon ay sabihin ni Cristo bilang tao. Pero natural din sapagka’t ang Ama ay Diyos naman talaga, pero hindi ibig sabihin non ay hindi na Diyos si Cristo bilang Anak, sapagka’t kung tinawag ni Cristo na Diyos ang Ama, ay ganoon din ang pagtawag sa kanya ng Diyos ng kanyang Ama(Heb. 1:8).Isa lang ang ibig sabihin nito, si Cristo at ang Ama ay iisang Diyos. Iisa ang nature nila bilang Diyos.
  • 67. Objection 55: Kung si Cristo ay 100% Human at 100% Divine, may pagkaTao na siya bago ang Incarnation? Kung wala bakit mali ang Nestorianism kung si Cristo ay nagkaroon lamang ng katauhan after ng Incarnation? Sagot: Ang pagkaTao o humanity ni Jesu-Cristo ay kanyang natanggap sa Incarnation o pagkakatawang tao(John 1:14).Ibig sabihin hindi siya tao bago siya maging Tao. Mali ang posisyon ng Nestorianism dahil nireject nila ang Hypostatic Union, bagkus ay tinuturo nila na may dalawang nature si Cristo pero may dalawa ding persons, while sa Catholic Church ay itinuturo na si Cristo ay one person at may two natures.
  • 68. Objection 56: Hindi ginamit kay Cristo ang salitang “ADONAI” sa Psalm 110:1? Sagot: Walang problema kung hindi ginamit ang Adonai para kay Cristo sa Awit 110:1. Kahit pa Adoni ang ginamit sa isang Lord, hindi nito maalis ang katotohanan na si Cristo ay Panginoon. Sa Greek ay ginamit sa kanya ang terminong Kurios o Lord at siya ay tinawag na Panginoon ng Ama(Hebreo 1:10). Ipinapakita lamanh nito na kahit si Cristo ay naging tunay na Tao, siya ay tunay na Panginoon at Diyos(Juan 20:28).
  • 69. Objection 57: Kung Diyos si Cristo bakit siya tinawag na Anak ng Tao? Sagot: Si Cristo noong Incarnation ay pumasok sa Space and Time at naging si Jesus ng Nazareth. Kahit siya ay naging tao ay nanatili sa kanya ang buo niyang pagkaDiyos (Col. 1:19, 2:9), nagpakababa siya at nakitulad sa atin(Phil. 2:5-8). Nagkaroon siya ng human body at soul at ang taong si Cristo ay ang ikalawang Persona ng Trinity ganon din ang Diyos na Cristo. Nagkaisa ang kanyang human soul at Divine self sa isang perpektong kalagayan na hindi nagkakahiwalay sa isang Divine Person. At dahil dito ay naging tagapamagitan siya sa Tao at sa Diyos(1 Tim. 2:5), isinilang ng isang tao, pero siya ay ang Anak parin na Bugtong ng Diyos. Kung kaya ito ang dahilan kaya siya ay tinatawag na Anak ng Tao at Anak ng Diyos at the same time (Mat. 26:63-64).
  • 70. Objection 58: Kung Diyos si Cristo bakit siya natukso ng Diablo sa Matthew 4:3-9? Sagot: Magkaiba po ang tinukso sa natukso. Ibig sabihin, kapag sinabing tinukso ay sinubukan siyang tuksuhin o linlangin ng Diablo, either nahulog o hindi. Kapag naman sinabing natukso ay tagumpay siyang natukso. Mababasa natin sa Mateo 4:3-9 ang pagtukso ni Satanas kay Cristo. Noong nagsimula si Cristo sa ministry niya ay hindi alam ng Diablo na siya ay Diyos. Ang akala niya ay isa lamang sugong tao o propeta si Cristo, nagkaroon lamang siya ng maliit na idea ng narinig ang sinabi si Juan Bautista na siya ang Korderong nag-aalis ng kasalanan(John 1:29), at muli siyang nagtaka sa mga nakita niya sa Bautismo ni Cristo at nang marinig na siya ang Anak ng Diyos(John 1:34). Ayon sa mga Theologians, ang Diablo ay hindi omniscient, dahil hindi naman siya Diyos, kung kaya noong makita ang mga bagay na ito ng Diablo ay napagtanto niya na kailangan niya munang subukan si Cristo para mapatunayan nga ang kanyang iniisip na siya ay Diyos. Pero hindi siya nagtagumpay, bagkus nahayag pa na si Cristo ay Diyos ng sabihin ni Cristo na huwag niyang tuksuhin ang Panginoon niyang Diyos. Ang pagkatukso kay Cristo ay natural sa isang tao gaya natin. Pero gaya niya ay kaya din nating labanan.
  • 71. Objection 59: Kung umiiral na ang Divinity ni Cristo bago lalangin ang daigdig, nasaan siya bilang Persona? Sagot: Malinaw ang Biblia si Cristo bago lalangin ang mundo ay kasama na ng Ama: Juan 1:1-3 “Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos.Sa pasimula ay kasama na siya ng Diyos.” Siya ay kasama na ng Diyos at may partisipasyon sa pag gawa at paglika(John 1:1-3, Col. 1:15-17, Heb. 1:10). Ito ay patunay sapagka’t ang Diyos ay hindi solitary ng ginawa ang mundo, siya ay may co-creators (Gen. 1:1-3, 26), dahil ang Ama, Anak at Espiritu Santo mula sa walang pasimula at bago likhain ang daigdig ay magkakasama na bilang iisang Diyos at nagnamahalan, dahil ang Diyos ay pag-ibig(1 John 4:8). Kaya si Cristo ay nasa piling na noon ng Ama(John 17:5 John 1:8). Siya ay naging Anak na bago ang mundo (Prov. 30:4, Heb. 5:5), galing sa Diyos at sa Diyos din paroroon(John 13:3).
  • 72. Objection 60:Ano si Cristo bago likhain ang daigdig at bago maging Tao? Ano ang Nature niya? Sagot: Si Cristo bago maging Tao ay isang Espiritu(1Cor. 15:45-47), dahil ang Diyos ay Espiritu. Diyos na siya at begotten Son bago ang lahat at buhat sa walang pasimula (Eternally Begotten) (Heb 5:5, Micah 5:2). He always existed with the Father at walang time na hindi siya nagco-exist with the Father. Siya ay may dalawang nature, Divinity at Humanity, bago siya magkaroon ng Human Nature sa Incarnation, siya ay may Divine Nature so ibig sabihin ay Diyos siya bago siya maging tao kung saan ay nananatili ang kanyang pagkaDiyos.
  • 73. Objection 61: Bakit pa kailangang ipanganak si Cristo na walang taong ama? Sagot: Mahalagang si Cristo ay isilang na walang taong Ama upang mahayag ang kanyang divine origin o banal na pinagmulan. Pero mahalaga din na siya ay isilang ng isang tao upang sa ganon ay magkaroon siya ng laman, buto, dugo, etc, para mahayag ang katotohanan na siyang ang Salitang nagkatawang tao (John 1:13-14). Pero ganon pa man ay malinaw na siya ang Second Adam (1 Cor. 15:47) Mula sa langit( John 3:13,31) Mula sa itaas(John 8:23, 42)
  • 74. Objection 62: Kung Diyos si Cristo bakit siya nagdasal? Sagot: Una, dapat nating maunawaan ang concept of Trinity. May iisang Diyos pero may tatlong Persona na distinct o iba sa isa’t-isa, praying is a way of communication, so hindi kataka-taka kung ang bawat persona ay nakikipag-usap sa isa’t-isa, ang Anak ay nakikipag-usap sa Ama. Ikalawa, si Cristo ay nagkatawang tao(Phil. 2:5-8, John 1:14),at natural na siya ay magdasal bilang tao sa kanyang Diyos. Gayunpaman, kahit si Cristo ay tao ay Diyos (Col. 2:9), pero hindi din bawal na siya ay magdasal sa kanyang Ama na Diyos.
  • 75. Objection 63: Sinamba ba si Cristo gaya ng sa Diyos? Sagot: Oo, si Cristo ay Sinamba. Mateo 28:17 “Nang makita nila si Jesus, siya’y sinamba nila, subalit may ilan sa kanilang nag-alinlangan.” Juan 9:38 “Sumasampalataya po ako, Panginoon!” sabi ng lalaki. At sinamba niya si Jesus.”
  • 76. Objection 64: Kung Diyos si Cristo, nanalangin ba sila sa kanya? Sagot: Oo, sila ay nanalangin sa kanya. Mga Gawa 7:59-60 “At pinagbabato nila si Esteban, na nananalangin naman ng ganito: “Panginoong Jesus, tanggapin mo po ang aking espiritu.” Lumuhod si Esteban at sumigaw nang malakas, “Panginoon, huwag mo po silang pananagutin sa kasalanang ito!”At pagkasabi nito, siya’y namatay.”
  • 77. Objection 65: Si Cristo ba bilang Diyos ay makapangyarihan din sa lahat? Sagot: Oo, si Cristo ay may kapangyarihan sa lahat, siya ay higit sa lahat gaya ng kanyang Ama. Mga Taga-Filipos 3:21 “Sa pamamagitan ng kapangyarihang ginamit niya sa pagpapasuko sa lahat ng bagay, ang ating katawang-lupa na may kahinaan ay babaguhin niya upang maging maluwalhating tulad ng kanyang katawan.”
  • 78. Objection 66: May iba pa bang patotoo na si Cristo ay nasa lahat o omnipresent? Sagot: Ito pa ang isang talata na nagpapatotoo na si Cristo ay nasa lahat. Mga Taga-Efeso 1:23 “Ang iglesya ang katawan at kapuspusan ni Cristo, na siya namang pumupuno sa lahat ng bagay.” Kaya malinaw ang nasa Biblia na si Cristo ay omnipresent dahil siya ay Diyos.
  • 79. Objection 67: Si Cristo ba ay tinawag na YAWEH o kahalintulad ng Diyos sa Lumang Tipan? Sagot: Oo, si Cristo ay tinawag ding ganon sa Biblia. Isaias 40:3 Ganito ang isinisigaw ng isang tinig: “Ihanda ninyo ang daraanan ni Yahweh sa ilang; gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran sa ilang.” Ang talatang iyan ay paralleled dito: Juan 1:23 Sumagot si Juan sa pamamagitan ng pangungusap mula sa aklat ni Propeta Isaias, “Ako ang tinig ng isang taong sumisigaw sa ilang, ‘Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon.’” Gayundin ang nasa Joel 2:23 at Roma 10:13.
  • 80. Objection 68: Kung si Cristo ay Diyos paanong siya din ang Anak ng Diyos? Sagot: Do not be confused. Ang Anak ay ang Anak ng Ama. Siya ang Pangalawang Persona, at ang Ama ang Unang Persona ng Trinity. Gayunman, ang Anak ay Diyos gaya ng Ama dahil sila ay same substance. At ang Anak ay pinakilala ang sarili bilang iisa sa Ama (John 10:30, John 14:11). Pero sila ay iisa bilang Diyos at hindi bilang Persona. Ang Anak at hindi parehong Persona sa Ama (John 1:18).
  • 81. Objection 69: Nasaan si Cristo bago siya muling nabuhay? Sagot: Ayon sa Biblia, si Cristo ay nanaog o nagpunta sa kinaroroonan ng mga namatay (1 Peter 3:18; 1 Peter 4:6). Ito din ang itinuturo ng ating Simbahan na nasa Catechism of the Catholic Church (CCC 632-635) at ng Román Catechism o Council of Trent (1, 6, 3).
  • 82. Objection 70: Luke 22:43,kung Diyos si Cristo bakit siya pinatatag ng Anghel? Sagot: Si Cristo noong mga panahon na iyon ay pinalakas ng Anghel ang kalooban. Lucas 22:43 “Nagpakita sa kanya ang isang anghel mula sa langit at pinalakas ang loob niya.” Ang konteksto nito ay ang kanyang matinding Pighati ng malapit na ang kanyang oras. Lucas 22:42 “Sabi niya, “Ama, kung maaari po ay ilayo mo sa akin ang kopang ito, ngunit huwag ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo. “” Always remember na si Cristo ay tunay na Tao at Diyos, kung kaya bilang tao ay natural sa kanya ang mang hija ang loob at makaranas ng kapighatian. Siya ay naging masunurin hanggang kamatayan(Phil. 2:8).
  • 83. Objection 71: Namana ba ni Cristo ang Original Sin dahil naging Tao siya? Sagot: Hindi, remember that when Jesus was conceived in the womb of Mary, Mary is already prepared for that and was made free from sin through her Immaculate Conception, she was then full of grace(Luke 1:28), and Christ is also full of grace(John 1:14). Hindi siya nagkasala (Heb. 4:15). 2 Mga Taga-Corinto 5:21 “Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, siya'y itinuring na makasalanan upang sa pamamagitan niya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos.” Ang original sin ay pumasok dahil kay Adan at Eva na nagsimula dito sa lupa, samantalang si Cristo ay pumasok lamang dito sa mundo.
  • 84. Objection 72: Alam na ba ni Cristo na siya ay Diyos buhat siya’y isilang? Sagot: We cannot say what’s in the mind of Jesus lalo na noong siya’y bata due to the lack of detail ng kanyang kabataan. Pero masasabi nating alam niya na siya ay Anak ng Diyos at Diyos din. Pero since wala tayong historical background ni Cristo hanggang siya ay magtaong 30, ay hindi natin iyan masasabi. “We believe [Jesus] would have had full knowledge of his divinity by the time of his Baptism by John the Baptist” -Fr Fr. Claude Grenache, AA, Catholic Digest Pero gayunpaman, sa Biblia alam na ni Cristo na Anak siya ng Ama(Luke 2:41-52).
  • 85. Objection 73: Paano nagkatawang tao ang Salita sa John 1:14? Sagot: Nagkatawang tao ang Salita sa pamamagitan ng Incarnation. Siya ay ipinaglihi at isinilang ng tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Lucas 1:30-31,34-35 Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at siya’y papangalanan mong Jesus.” “Paano pong mangyayari ito gayong ako’y isang birhen?” tanong ni Maria. Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas- taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo’y banal at tatawaging Anak ng Diyos.” At nagkatawang tao ang Salita(John 1:14). CCC 483 The Incarnation is therefore the mystery of the wonderful union of the divine and human natures in the one person of the Word.
  • 86. Objection 74: Mapaghihiwalay ba ang PagkaDiyos at PagkaTao ni Cristo? Sagot: Hindi po ito mapaghihiwalay (Col. 2:9), ganito ang sabi sa Catechism of the Catholic Church: 481 Jesus Christ possesses two natures, one divine and the other human, not confused, but united in the one person of God's Son. 469 The Church thus confesses that Jesus is inseparably true God and true man. He is truly the Son of God who, without ceasing to be God and Lord, became a man and our brother: 464 The unique and altogether singular event of the Incarnation of the Son of God does not mean that Jesus Christ is part God and part man, nor does it imply that he is the result of a confused mixture of the divine and the human. He became truly man while remaining truly God. Jesus Christ is true God and true man. 467 We confess that one and the same Christ, Lord, and only-begotten Son, is to be acknowledged in two natures without confusion, change, division or separation. The distinction between the natures was never abolished by their union, but rather the character proper to each of the two natures was preserved as they came together in one person (prosopon) and one hypostasis.
  • 87. Objection 75: Kung may dalawang will si Cristo, paano pag ang dalawang will ay nagkakontrahan o magkaiba? Sagot: Hindi iyon mangyayari. Dahil ang dalawang nature ni Cristo ay united sa kanyang iisang Banal na Katauhan (One Divine Person). Catechism of the Catholic Church explains: 475 Similarly, at the sixth ecumenical council, Constantinople III in 681, the Church confessed that Christ possesses two wills and two natural operations, divine and human. They are not opposed to each other, but cooperate in such a way that the Word made flesh willed humanly in obedience to his Father all that he had decided divinely with the Father and the Holy Spirit for our salvation.110 Christ's human will "does not resist or oppose but rather submits to his divine and almighty will.
  • 88. Objection 76: Mangingibabaw ba ang PagkaDiyos ni Cristo sa kanyang pagkaTao? Sagot: Ganito ang sabi ang ating Simbahan sa CCC: • 470 Because “human nature was assumed, not absorbed”, in the mysterious union of the Incarnation, the Church was led over the course of centuries to confess the full reality of Christ’s human soul, with its operations of intellect and will, and of his human body. In parallel fashion, she had to recall on each occasion that Christ’s human nature belongs, as his own, to the divine person of the Son of God, who assumed it. Everything that Christ is and does in this nature derives from “one of the Trinity”. The Son of God therefore communicates to his humanity his own personal mode of existence in the Trinity. In his soul as in his body, Christ thus expresses humanly the divine ways of the Trinity: • The Son of God. . . Worked with human hands; he thought with a human mind. He acted with a human will, and with a human heart he loved. Born of the Virgin Mary, he has truly been made one of us, like to us in all things except sin. • 481 Jesus Christ possesses two natures, one divine and the other human, not confused, but united in the one person of God’s Son. Alalahanin na ang dalawang nature na ito ay distinct sa isa’t-isa, hindi naglalamangan. Ang pagkatao ni Cristo ay ang bahagi na siya ay tunay na taong nagugutom, natutulog, nasasaktan, etc, at ang kanyang pagkaDiyos ay ang kanyang pagiging Diyos, gumagawa ng mga bagay na Diyos lamang ang nakakahawa.
  • 89. Objection 77: Paanong naging 100% Diyos at 100% Tao si Cristo? Sagot: Malinaw na sinasabi sa Biblia na si Cristo ay tunay na Tao(John 8:40), hindi siya half human, siya ay tunay na tao talaga, kung anong meron ka meron din siya bilang tao aside from sin. Siya din ay tunay na Diyos (John 20:28), hindi half God, demi God etc. Siya ay tunay na Tao at tunay na Diyos (Col. 1:19, 2:9) bagama’t tao ay nasa kanya ang buong kalikasan at kapuspusan ng pagkaDiyos. Ganito ang sabi ng Catechism of the Catholic Church: 464 The unique and altogether singular event of the Incarnation of the Son of God does not mean that Jesus Christ is part God and part man, nor does it imply that he is the result of a confused mixture of the divine and the human. He became truly man while remaining truly God. Jesus Christ is true God and true man. 469 The Church thus confesses that Jesus is inseparably true God and true man. He is truly the Son of God who, without ceasing to be God and Lord, became a man and our brother.
  • 90. Objection 78: Pag sinabing “Bugtong na Anak” ibig sabihin ba ay nanganak ang Ama? Sagot: Kapag sinabing begotten ibig sabihin ay may begetter, ibig sabihin siya ay naging Anak, at siya ay naging Ama sa Anak, ang Anak ay fathered by a Father. Ang pagiging Anak ni Cristo ay hindi gaya ng pagkapanganak ng isang tao o kaya ay hayop, ang nangyari sa kanya ay ang intellectual begetting, the Son was generated by the Father and the Son is passively generated to the Father. Ang Anak ay ipinanganak at naging Anak ng Ama mula sa walang pasimula (Micah 5:2) gaya ng Ama (Is. 43:13). Siya ay Eternally Begotten Son of tbe Father (Heb. 1:5, Psalm 2:7, Prov. 30:4).
  • 91. Objection 79: Ano ba ang Homousios? Meron ba nito sa Biblia? Sagot: Ang Homousios ay tumutukoy sa pagiging isa ng substance ng Ama at ng Anak. Meaning, the Father and the Son as Persons of the Trinity shares the one substance of being God. Homoousios is the Greek term of “One Substance”. Si Cristo ay iisang nature at substance sa Ama(John 10:30, Col. 1:19, 2:9).
  • 92. Objection 80: May panahon ba na si Cristo ay hindi tao, at pagakyat ba niya sa langit ay dakila parin sa kanya ang Ama? Sagot: Si Cristo ay hindi tao bago siya maging tao sa Incarnation(John 1:14, Phil. 2:5-8, Heb. 10:5). Dakila ang Ama kay Cristo sa langit gaya ng sabi sa Juan 14:28 na kahit pagpunta doon ni Cristo, dahil ang Ama ay ang first principle sa Godhead, una siya in order, at doon siya nagiging greater, sa relationship nito sa Anak. Pero hindi sa nature .
  • 93. Objection 81: Sinasamba din ba natin si Cristo bilang Tao kung ang Persona niya ay 100% Man din? Sagot: Hindi natin sinasamba ang nature o kalikasan, sinasamba natin si Cristo bilang isang Persona. Si Cristo bagama’t tunay na tao ay subject parin ng kanyang Divinity ang kanyang kabuuan. Ito nag dahilan kaya si Cristo ay isang Divine Person at hindi Human Person, kaya kung sinamba natin si Cristo, siya ay sinasamba natin ng buong-buo bilang Divine Person.
  • 94. Objection 82: May Diyos bang Ipinapanganak? Sagot: Ang Diyos ay hindi ipinapanganak, kapag sinabi nating Diyos, ito ay tumutukoy sa Godhead at Divinity, pero ang ikalawang Persona ng Diyos na tunay na Diyos ay ipinanganak sa Incarnation. Hindi ang Divinity o Divine Nature ang ipinanganak kundi ang PERSONA. Hindi pwedeng ipanganak ang Nature o Kalikasan, ang ipinangak ni Santa Maria ay ang PERSONA ni Cristo.
  • 95. Objection 83: Paano natin masisiguro na si Cristo ang Tunay na Diyos at Buhay na Walang Hanggan sa 1 John 5:20? Sagot: Nasisiguro natin na si Cristo ang Tunay na Diyos at Buhay na Walang Hanggan sa 1 John 5:20 sapagka’t sa 1 Juan 1:2 ay tinawag siyang Buhay na Walang Hanggan. Isa pa ay ang paggamit ng Proximity Rule sa Greek Grammar, ito ay kung saan ang pinakamalapit na Antecedent(salita bago ang) salita o Pronoun na “ITO” o “THIS” ay ang Noun na Hesukristo o Jesus Christ ay ang tinutukoy na Tunay na Diyos.
  • 96. Objection 84: Naging Demi-God kung gayon si Cristo sapagka’t naghalo ang kanyang Pagka-Diyos at Pagka-Tao? Sagot: Si Cristo ay hindi Demi-God na 50% Diyos at 50% Tao. Siya ay tunay na Tao dahil siya ay 100% na Tao at siyabay tunay na Diyos dahil siya ay 100% na Diyos. Hindi naghalo ang dalawang nature niya, kundi nagsama sa iisang katawan bagama’t magkaiba. Ang tamang tawag dito ay, the Human Nature of Christ was absorbed not mixed.
  • 97. Objection 85: Ano ang tamang salin ng John 1:18? Monogenes Theos o Monogenes Huios? Sagot: Parehong salin o rendition ay tama. Tama ang MONOGENES THEOS(Bugtong na Diyos) at MONOGENES HUIOS(Bugtong na Anak) may rason ang mga scribes bakit nila ito ginagamit. Pero kung ang pag- uusapan ay kung ano ang mas malapit sa original na AUTOGRAPH, ito ay ang MONOGENES THEOS sapagka’t ang lahat ng pinakamatandang Manuscripts ay mayroon nito, isa na sa Halimbawa ay ang CODEX SINAITICUS o GA-01, ang CODEX VATICANUS o GA-03 at ang BODMER PAPYRUS P75.
  • 98. Objection 86: Cristo ba ANG DIYOS? Sagot: Ang tanong ay may mali. Hinding-hindi natin sinasabi na si Cristo ANG DIYOS, sapagka’t ANG DIYOS ay tumutukoy sa IISANG DIYOS na TATLONG PERSONA, ang TRINITY. Kaya hindi dapat maconfuse sa tanong na ito, ang tamang sabihin ay, “SI CRISTO AY DIYOS” sapagka’t ang pinag-uusapan natin dito ay Persona at hiniling ang buong Godhead.
  • 99. Objection 87: Si Cristo ba ay Hindi na Tao sa Langit at ang pagiging Tao niya ay TEMPORARYO? Sagot: Hindi po. Si Cristo ay Tao sa Langit at siya ay mananatiling Tao sa walang-hanggan. Sapagka’t siya ay tunay na Tao. At hindi na siya magbabago. Hindi temporaryo ang kanyang pagiging Tao. Pero bagama’t nasa Langit, siya ay isang Divine Person. Ang kanyang katawan ay hindi panlupa, kundi panlangit at ganito din ang mararanasan nating lahat(1 Cor 15:51-55).
  • 100. Objection 88:Ang MORPHE sa Philippians 2:6 ay synonymous sa EIKON? Sagot: Tama. Pero hindi ibig sabihin nito ay exactly na parehas na sila ng gamit. Alalahanin na ang iisang salita nga sa Greek at Hebrew gaya ng Elohim at Theos ay napakarami ng gamit. Pero gayunman, sinasabi sa atin ni Vines sa kanyang Dictionary na ang salitang MORPHE ay tumutukoy hindi sa PANLABAS o OUTWARD APPEARANCE ni Cristo kundi sa kanya mismong NATURE. Kaya maliwanag na ang salitang MORPHE ay mas nagpapalakas pa sa pagka-Diyos ni Cristo.
  • 101. Objection 89:Ang MORPHE THEO ay tumutukoy lamang sa KABANALAN? Sagot: Walang problema kung ang nais nilang palitawin na si CRISTO ay kaanyo o kawangis o kalarawan ng kabanalan ng Diyos pero ang sabihin na hindi siya Diyos dahil sa anyong kabanalan lamang ang mayroon siya ay mali. Si Cristo kasi mismo ang tunay at exact imprint of God(Hebrews 1:3). At nasa kanya din ang Kalikasan o Nature ng Ama(Colossians 1:19,2:9). Kung gagamitin ang argumento na siya ay ANYONG TAO din, hindi din lamang ito tumutukoy sa nayo ng pagiging makasalanan kundi siya ay naging tunay na Tao talaga. Kaya kung si Cristo ay ANYONG TAO at TUNAY NA TAO, siya din ay TUNAY NA DIYOS kung nasa ANYONG DIYOS.
  • 102. Objection 90: Kinatha lamang noong 325 AD ang Pagiging Diyos ni Cristo sa Council of Nicaea? Sagot: Mali. Bago pa maconvene ang Council of Nicaea noong 325 AD, ay matagal ng ipinapahayag ng mga Church Fathers ang pananampalataya nila kay Cristo na Diyos. Ilan sa kanila ay sina: 1. Saint Ignatius of Antioch (107 AD) 2. Tertulian(210 AD) 3. Irenaeus(189 AD)
  • 103. Objection 91: Si Cristo ay Ginawa Lamang na Panginoon at HINDI Katutubo ayon sa Gawa 2:36? Sagot: Wala tayong mababasa sa Biblia na si Cristo ay hindi katutubong Panginoon. Ang sentido naman ng “ginawang Panginoon at Cristo ” sa Gawa 2:36 ay upang ihayag ang kanyang pagka-Panginoon at Cristo sa mga Hudyo. Pero kung si Lucas na mismong sumulat ng Gawa ang tatanungin, si Cristo ay katutubong Panginoon at Cristo: “Isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon.” Lucas 2:11
  • 104. Objection 92: Hindi Diyos si Cristo dahil sa mga Ginagawa Niyang Himala kasi Ginawa din ito ng mga Propeta at Apostol. Sagot: Malaki ang pagkakaiba ng mga himalang ginawa ni Cristo kumpara sa mga Propeta at Apostol. Sa mga Propeta at Apostol la ging nilang sinasabi na ang kanilang gagawin o ginawa ay sa ngalan ng Panginoon, Diyos o Ni Cristo, samantalang si Cristo ay gumagawa nito ng may direktang kapasidad na hindi ginagamit ang salitang “sa ngalan ng Diyos”. Halimbawa ng himalang ginawa ng mga Apostol at Alagad: “Iunat ninyo ang inyong kamay upang magpagaling, at loobin ninyo na sa pangalan ng inyong banal na Lingkod na si Jesus ay makagawa kami ng mga himala.” Gawa 4:30
  • 105. Objection 93: Si Cristo ay siya din ang Ama? Sagot: Mali, ang paniniwala na ito ay isang Heresiya ng Oneness o sa pagkamatay ni Cristo sa Krus na siya rin daw ang Ama ay tinatawag na Patripassianism. Magkaibang Persona po si Cristo at ang Ama: “Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi, “Ama, dumating na ang oras; parangalan mo na ang iyong Anak upang maparangalan ka niya. Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo.”’ Juan 17:1,3
  • 106. Objection 94: Si Cristo ay isa lamang Propeta? Sagot: Bagamat si Cristo ay may tungkuling gaya ng isang Propeta(PROPHETIC MISSION) siya ay tunay na Diyos. Mababasa natin sa Biblia na si Cristo ay TRULY GOD. “CHRIST WAS TRULY GOD. But he did not try to remain equal with God.” Philippians 2:6 CEV
  • 107. Objection 95:Wala ni Isang Salin ng Biblia na Sinabi ni Cristo LETRA por LETRA na Siya ay Diyos? Sagot: Mayroon po. At ganito po ang ating mababasa mula sa isang SALIN ng Biblia: Yeshua said to her, “I AM THE LIVING GOD, I who am speaking with you.” John 4:26 Aramaic Bible in Plain English (see also John 8:58)
  • 108. Objection 96: Si Cristo ay mayroon lamang PAGKA- DIYOS ibig sabihin HINDI TUNAY NA DIYOS? Sagot: Kung ang argumento ay ganito na si Cristo ay mayroon lamang sense ng Pagka-Diyos na tumutukoy sa kabanalan, kay hindi siya tunay na Diyos, paano nila ipapaliwanag ang talata na ito na ginamit din sa Diyos sa Lumang Tipan? “Inyo bang lilingapin ang kaniyang PAGKA-DIYOS? Inyo bang ipakikipagtalo ang Dios?” Job 13:8
  • 109. Objection 97: Hindi parin Diyos si Cristo sa Hebrews 1:8 dahil sa verse 9 may Diyos din Siya? Sagot: Sa ibang salin ng Biblia, ang unang Diyos sa verse 9 ay ginagawang Nominative: “Kaya naman ANG DIYOS, ang Diyos mo” kaya ng sense ay ganito: Therefore God(Father), your(Christ) God(Father). Kung mapapansin ay inulit ang gamit ng God as Father. Pero ang iba ay ginagawa itong VOCATIVE, kaya ang siste ay ganito: Therefore God(Christ), your God(Father). Mas naniniwala ang ibang mga Scholars na ang ikalawa ay mas ganap na nagpapakita ng reconciliation sa verse 8 at verse 10 kung saan si Cristo ay tinawag na Diyos at Panginoon ng Diyos Ama.
  • 110. Objection 98: Sa John 1:1 ang nakasaad ay IN THE BEGINNING akala ko ba Eternity? Sagot: Masasabi ba natin kung kailan yang “beginning”? Hindi po. Kundi iyan ay tumutukoy sa pre-existence ni Cristo bago lalangin ang daigdig. Ineecho ni San Juan ang Genesis 1:1 kaya hindi malayong ito ay may reference sa paglikha(verse 3). Ito ay sapagka’t sumusulat si Juan para sa ikakaintdi ng mga taong FINITE sa isang bagay na INFINITE, kaya ginamit niya ang salitang BEGINNING. Kaya hindi po iyan kontra sa sinasabi natin na it denotes eternity.
  • 111. Objection 99: May Diyos bang Begotten? Sagot: Kaya po sinabing ONLY BEGOTTEN GOD ay dahil tumutukoy ito sa pagiging UNIQUE ng Anak bilang Diyos na Anak ng Ama. Kaya si Cristo, ang PERSONA ng Anak ang ONLY BEGOTTEN SON, kasi siya ay BORN OF THE FATHER. Sa paanong paraan? Sa tinatawag nating Filiation o Intellectual Begetting.
  • 112. Objection 100: Si Cristo ay Logos lamang kaya siya ay KAISIPAN lang? Sagot: Ginamit kay Cristo ang salitang Logos or Word upang ipakita na siya ay ang Salita, Kapangyarihan at Karunungan ng Diyos. Hindi ito nangangahulugan na siya ay isang Abstract na Thought kundi isang buhay na Persona, kung kaya ginamit sa kanya ang PRONOUN na HIM. “In the beginning was the Word: and the Word was with God: and the Word was God. The same was in the beginning with God. All things were made by HIM: and without HIM was made nothing that was made.”
  • 113. DEFINITION OF TERMS(simplified) No particular order: • Christ/ Cristo- título ni Jesus, nangangahulugan ng “Annointed One”. • Hypostatic Union-pagsasama ng dalawang distinct o magkaibang nature/kalikasan ni Cristo, Tao at Diyos sa kanyang iisang Persona. • Kenosis-tumutukoy sa pagbubuhos o self emptying na ginawa ni Cristo, paghuhubad ng sarili. • Incarnation-tumutukoy sa pagkakatawang-tao ng Salita, na Diyos. • Ascensión-tumutukoy sa pag-akyat ng Panginoon sa Langit gamit ang sariling kapangyarihan. • Crucifixion-tumutukoy sa pagpapako sa krus. • Emmanuel-Theophoric ni Cristo meaning, “God is with us”.
  • 114. • Theophory-pagkakabit ng attribute ng Diyos sa isang pangalan. • Omniscient-alam lahat ng bagay. • Omnipresent-nasa lahat ng dako. • Omnipotent-makapangyarihan sa lahat. • Omnibenevolent-mabuti sa lahat. • First-Born-Prototokos, tumutukoy sa isang antas na pangunguna o unang anak. • Pre-eminence-kadakilaan. • Pre-existence-umiral na bago pa siya mahayag. • Creation-paglikha, paglalang. • Nature-kalikasan o kung ano siya. • Essence/Being – Kalikasan • Will-kalooban.
  • 115. • Persona-isang indibidwal na may malayang kalooban at kaisipan. • State-kalagayan, sa kaso ni Cristo, Tao o Espiritu. • Finite-may limitasyon. • Infinite-walang limitasyon. • Filiation-tumutukoy sa pagiging Anak ni Cristo sa Ama. • Intelllectual Begetting-pagiging anak na hindi gaya ng sa biological na panganganak . • Monogenes Theos-only begotten God. • Monogese Huios-only begotten Son. • Christology-pag-aaral ukol kay Hesus. • Apologetics-pagtatanggol sa pananampalataya.
  • 116. • Prophecy-Hula. • Types/Typology-mga pangunang versión ng isang bagay sa New Testament na nasa Old Testament. • Divinity-pagka-Diyos. • Humanity-pagka-Tao. • Substance-tumutukoy sa umiiral sa sarili (self existent being) • Godhead-Diyos , Kalikasan ng Diyos. • Trinity-Iisang Diyos, tatlong Persona. • Yahweh/YHWH-Lord, pangalan ng Diyos ng Israel • Adonai-Lord, ginagamit lamang sa Diyos • Adoni-lord, ginagamit sa tao na panginoon.
  • 117. • Resurrection-muling pagkabuhay. • Doxology-papuri sa Diyos. • Creed-salaysay ng pananampalataya o paniniwala. • Council of Nicaea-konsilyo mg Simbahan lalo na noong 325 AD na lulutas sa Heresiya ng Arianismo. • Heresy-maling paniniwala. • Heretic-nagtataguyod o sumusunod sa Heresiya. • Arius-Pari na nagtaguyod ng Arianism. • Arianism-Heresiya na laban sa pagka-Diyos ni Cristo. Nagturo na si Cristo ay nilikha. • Oneness-Modalistic Monatchianism-nagtututo na si Cristo at ang Ama ay iisang Persona.
  • 118. • Patripassianism-nagtuturo na ang Ama ang naghirap at namatay sa Krus. • Nestorianism-itinatatwa ang Incarnation. Dalawang Persona daw si Cristo. • Nestorius-nagtaguyod ng Nestorianism. • Adoptionism-nagtutulungan na si Cristo ay ampon lamang ng Diyos bilang anak. • Ecumenical Council-pagtitipon ng mga Obispo upang lutasin ang isang problema sa Simbahan. • Anathema-sumpang nagtatakwil, muka sa mga Apostol. • Church Fathers-mga obispo at theologo na sumunod sa mga Apostol. • Eternity-walang hanggan.
  • 119. THE CHURCH FATHERS ON THE DIVINITY OF CHRIST
  • 120. Ignatius of Antioch • “Ignatius, also called Theophorus, to the Church at Ephesus in Asia . . . predestined from eternity for a glory that is lasting and unchanging, united and chosen through true suffering by the will of the Father in Jesus Christ our God” (Letter to the Ephesians 1 [A.D. 110]). • “For our God, Jesus Christ, was conceived by Mary in accord with God’s plan: of the seed of David, it is true, but also of the Holy Spirit” (ibid., 18:2). • “[T]o the Church beloved and enlightened after the love of Jesus Christ, our God, by the will of him that has willed everything which is” (Letter to the Romans 1 [A.D. 110]).
  • 121. Aristides • “[Christians] are they who, above every people of the earth, have found the truth, for they acknowledge God, the Creator and maker of all things, in the only-begotten Son and in the Holy Spirit” (Apology 16 [A.D. 140]).
  • 122. Tatian the Syrian • “We are not playing the fool, you Greeks, nor do we talk nonsense, when we report that God was born in the form of a man” (Address to the Greeks 21 [A.D. 170]).
  • 123. Melito of Sardis • “The activities of Christ after his baptism, and especially his miracles, gave indication and assurance to the world of the deity hidden in his flesh. Being God and likewise perfect man, he gave positive indications of his two natures: of his deity, by the miracles during the three years following after his baptism, of his humanity, in the thirty years which came before his baptism, during which, by reason of his condition according to the flesh, he concealed the signs of his deity, although he was the true God existing before the ages” (Fragment in Anastasius of Sinai’s The Guide 13 [A.D. 177]).
  • 124. Irenaeus • “For the Church, although dispersed throughout the whole world even to the ends of the earth, has received from the apostles and from their disciples the faith in one God, Father Almighty, the creator of heaven and earth and sea and all that is in them; and in one Jesus Christ, the Son of God, who became flesh for our salvation; and in the Holy Spirit, who announced through the prophets the dispensations and the comings, and the birth from a Virgin, and the passion, and the resurrection from the dead, and the bodily ascension into heaven of the beloved Christ Jesus our Lord, and his coming from heaven in the glory of the Father to reestablish all things; and the raising up again of all flesh of all humanity, in order that to Jesus Christ our Lord and God and Savior and King, in accord with the approval of the invisible Father, every knee shall bend of those in heaven and on earth and under the earth” (Against Heresies 1:10:1 [A.D. 189]). • “Nevertheless, what cannot be said of anyone else who ever lived, that he is himself in his own right God and Lord . . . may be seen by all who have attained to even a small portion of the truth” (ibid., 3:19:1).
  • 125. Origen • “Although he was God, he took flesh; and having been made man, he remained what he was: God” (The Fundamental Doctrines 1:0:4 [A.D. 225]).
  • 126. Hippolytus • “Only [God’s] Word is from himself and is therefore also God, becoming the substance of God” (Refutation of All Heresies 10:33 [A.D. 228]). • “For Christ is the God over all, who has arranged to wash away sin from mankind, rendering the old man new” (ibid., 10:34).
  • 127. Clement of Alexandria • “The Word, then, the Christ, is the cause both of our ancient beginning—for he was in God—and of our well-being. And now this same Word has appeared as man. He alone is both God and man, and the source of all our good things” (Exhortation to the Greeks 1:7:1 [A.D. 190]). • “Despised as to appearance but in reality adored, [Jesus is] the expiator, the Savior, the soother, the divine Word, he that is quite evidently true God, he that is put on a level with the Lord of the universe because he was his Son” (ibid., 10:110:1).
  • 128. Tertullian • “The origins of both his substances display him as man and as God: from the one, born, and from the other, not born” (The Flesh of Christ 5:6–7 [A.D. 210]). • “That there are two gods and two Lords, however, is a statement which we will never allow to issue from our mouth; not as if the Father and the Son were not God, nor the Spirit God, and each of them God; but formerly two were spoken of as gods and two as Lords, so that when Christ would come, he might both be acknowledged as God and be called Lord, because he is the Son of him who is both God and Lord” (Against Praxeas 13:6 [A.D. 216]).
  • 129. Hippolytus • “Only [God’s] Word is from himself and is therefore also God, becoming the substance of God” (Refutation of All Heresies 10:33 [A.D. 228]). • “For Christ is the God over all, who has arranged to wash away sin from mankind, rendering the old man new” (ibid., 10:34).
  • 130. Novatian • “If Christ was only man, why did he lay down for us such a rule of believing as that in which he said, ‘And this is life eternal, that they should know you, the only and true God, and Jesus Christ, whom thou hast sent?’ [John 17:3]. Had he not wished that he also should be understood to be God, why did he add, ‘And Jesus Christ, whom thou hast sent,’ except because he wished to be received as God also? Because if he had not wished to be understood to be God, he would have added, ‘And the man Jesus Christ, whom thou hast sent;’ but, in fact, he neither added this, nor did Christ deliver himself to us as man only, but associated himself with God, as he wished to be understood by this conjunction to be God also, as he is.” (Treatise on the Trinity 16 [A.D. 235]).
  • 131. Cyprian of Carthage • “One who denies that Christ is God cannot become his temple [of the Holy Spirit]” (Letters 73:12 [A.D. 253]).
  • 132. Gregory the Wonderworker • “There is one God, the Father of the living Word, who is his subsistent wisdom and power and eternal image: perfect begetter of the perfect begotten, Father of the only-begotten Son. There is one Lord, only of the only, God of God, image and likeness of deity, efficient Word, wisdom comprehensive of the constitution of all things, and power formative of the whole creation, true Son of true Father, invisible of invisible, and incorruptible of incorruptible, and immortal of immortal and eternal of eternal. . . . And thus neither was the Son ever wanting to the Father, nor the Spirit to the Son; but without variation and without change, the same Trinity abides ever” (Declaration of Faith [A.D. 265]).
  • 133. Arnobius • “‘Well, then,’ some raging, angry, and excited man will say, ‘is that Christ your God?’ ‘God indeed,’ we shall answer, ‘and God of the hidden powers’” (Against the Pagans 1:42 [A.D. 305]).
  • 134. Lactantius • “He was made both Son of God in the spirit and Son of man in the flesh, that is, both God and man” (Divine Institutes 4:13:5 [A.D. 307]). • “We, on the other hand, are [truly] religious, who make our supplications to the one true God. Someone may perhaps ask how, when we say that we worship one God only, we nevertheless assert that there are two, God the Father and God the Son—which assertion has driven many into the greatest error . . . [thinking] that we confess that there is another God, and that he is mortal. . . . [But w]hen we speak of God the Father and God the Son, we do not speak of them as different, nor do we separate each, because the Father cannot exist without the Son, nor can the Son be separated from the Father” (ibid., 4:28–29)
  • 135. Patrick of Ireland • “Jesus Christ is the Lord and God in whom we believe, and whose coming we expect will soon take place, the judge of the living and the dead, who will render to everyone according to his works” (Confession of St. Patrick 4 [A.D. 452]).
  • 136. End.
  • 137. At iyan po ang ilan sa mga basic at common objections at kung paano sila sagutin sa simpleng paraan ukol sa mga tuligsa nila sa Divinity of the Lord Jesus Christ. Hope na may natutunan kayo at sana ay ating ipagpatuloy ang pag-aaral nito. Disclaimer: The contents of this presentation was prepared by a Laty with small Theological background. If any errors are found, you are responsible for informing the Author for proper action. All parts of this material is owned by the author and the Catholic Faith Defense and The Stronghold of the Catholic Faith page, any unlawful use of this for the intent of harming the Catholic Faith is not allowed, reproduction of this without permission is strictly not allowed.
  • 138. References: Bible: Holy Bible, Contemporary English Version(CEV) Douay-Rheims Challoner Bible(DRB) King James Version-Authorized Version(KJV-AV) New Revised Standard Version(NRSV) Magandang Balita Biblia(MBB) Ang Biblia 1905(AB) Biblia ng Sambayanang Pilipino Katolikong Edisyong Pastoral(BSP) Others: Retrieved through biblehub.com
  • 139. Study Tools and References: Vines Dictionary Strongs and Concordance Lexicon Wilson, Benjamin, Emphatic Diaglott Shedd, William G. T., Dogmatic Theology Tanquerey, A. D., Trans: Byrnes, Manual of Dogmatic Theology Morrow, Louis L., My Catholic Faith Grenz, Guretzki, et al., Pocket Dictionary of Theological Terms Pietro, Piolanti, et al., Dictionary of Theological Terms Haydock, George, Catholic Commentary on the Bible Catechism of the Catholic Church(CCC)
  • 140. References and Web Sources: Apologists and Web Sources: Gitamondoc, Ramon, CFD, presentation Marasigan Arnie, CFD, article Villegas, Fran Rev. Fr., STL, CFD , article and presentation The Center for the Study of New Testament Manuscripts(CSNTM) Codex Sinaiticus Project Akin, Jimmy, article, Catholic Answers Cainong Jesryl, LA,God Died. article Argañosa, Abraham Rev. Fr., CFD, article, The Splendor of the Church Heinlein, Edward, Adonai. Catholic Encyclopedia. Ret. August 8, 2020. Web. Hecshmeyer, Joe, Understanding Christ Humanity and Divinity. Word on Fire blog. Ret. Aug. 8.2020.Web
  • 141. References and Web Sources: Catholic Fortress, Page. Why did Satan Tempted Jesus. Article and visual presentation Hunnius, Dr. On the nature of Christ before Incarnation. Web. Bailey, Richard, Questions and Answers about the Deity of Christ. AnsweringIslam.org . Ret. Aug 8, 2020.Web Christianity. Net. Article. Ret. Aug. 8, 2020. Web. Pope, Charles. Msgr. Where did Jesus… Catholic Standard Ret. Aug. 8,2020. Web. Piper, John, Desiring God. Org, article. Ret. Aug. 8, 2020. Web. Grenache, Claude, Rev. Fr., Catholic Digest. Article. Ret. Aug 8, 2020. Web Encyclopedia Brytanica. Homoousios. Phil. And Religion. Ret. Aug. 8, 2020. Web.
  • 142. Prepared by: Humphrey A. Beña, SPMS Lay Defender of the Faith Prepared for the LAYMAN’S USE of Simple Christological Apologetics