2. Isang bahagi sa pakikipag-usap o pakikipagtalastasan na
ginagamit sa araw-araw ang wika. Ito ay mga tinipong
simbolo,tunog, at mga kaugnay na bantas na binuo upang
maipahayag ang mensahe o maging ang kaisipan ng
nagsasalita.
May dalawang uri ng antas ng wika na ginagamit sa
pakikipagtalastasan ito ay ang Pormal at Di-Pormal na
wika.
3. Antas ng Wika
Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang katigorya sa
antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang
pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan,
lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at
okasyong dinadaluhan.
5. Ang wika ay nagmula sa salitang Latin sa
lengua,na ang literal na kahulugan ay “dila”,
kayat magkasingtunog ang dila at wika.
Ito raw ay simbolong salita ng mga kaisipan,
saloobin, behikulo o paraan ng paghahatid ng
ideya, opinion, pananaw, lohika o mga
kabatirang ginagawa sa proseso na maaring
pagsulat o pasalita
6. Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon at
bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit ng
mga tao. Ito ay koleksyon ng iba’t ibang simbolo at
mga salita na nagpa
pahayag ng kahulugan.
Maaring maihayag ang wika sa pamamagitan
ng sulat o pananalita.
7. Lingua franca – wikang ginagamit ng
karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang
Filipino ang lingua franca ng mga tao.
8. Ang pormal na wika ay karaniwang salitang
ginagamit sa pakikipagtalastasan dahil ito ay
kinikilala at tinatanggap ng nakararami lalo na sa
mga nakapag-aral ng wika.
9. A. Pambansa
- Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat
sa aklat at pambalarila para sa paaralan at
pamahalaan.
Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan, Kapatid,
Libro, Matanda, Kotse, Pulis, Bata
10. B. Pampanitikan o panretorika.
Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat.
Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay
at masining.
Halimbawa:
Mababaw ang luha - Madaling Umiyak
Magbanat ng buto - Magtrabaho
Bukas Palad - Handang Tumulong
11. Impormal
Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak,
pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-
usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at
kaibigan.
12. Lalawiganin
Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na
pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang
tono o punto.
Halimbawa:
Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)
13.
14. Kolokyal
Pang araw-araw na salita, maaring may
kagaspangan nang kaunti, maari rin itong repinado ayon
sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa,
dalawa o higit pang titik sa salita.
Halimbawa:
Nasan, pa`no, sa’kin,kelan
Pre, ewan
15. Balbal
May katumbas itong “slang” sa Ingles at itinuturing na
pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa lansangan.
Ang mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng mga magulang
at may pinag- aralan dahil masagwa raw pakinggan. Sa mga grupu-
grupo nagsisimula ang pagkalat nito.
Halimbawa:
Chicks (dalagang bata pa) Utol (Kapatid)
Orange (beinte pesos) Lespu (pulis)
Pinoy (Pilipino) Jowa (Boyfriend/Girlfriend)
Ermat (Nanay) Erpat (Tatay)
16. Ang Klase ay magkakaroon ng isang maikling debate ukol sa
paggamit ng salitang BALBAL sa pang araw-araw.
Ang buong klase ay mahahati sa dalawa, ang unang pangkat
ang Pro at ang pangalawang pangkat naman ay ang against.