Goals, expectations and competencies of makabayan elementary
1. Goals, Expectations and Competencies of
Makabayan Elementary School
World Citi Colleges-Antipolo
Principles of Teaching 2
Buere, Michelle A.
BSED-III
2. HEKASI, KASAYSAYAN AT SIBIKA
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
Magkaroon ng malinaw na kaisipan tingkol sa
nilalaman ng asignaturang tinalakay
Makapagbigay halimbawa ng mabubuting
karanasan tungkol sa aralin
Makapagmungkahi ng nararapat na estratehiya
na nababagay sa aralin
3. Mga Kakayahang Pamprograma
1.
Nagpapakita ng pagmamahal sa bayan sa
mga pambansang pagkakakilanlan, at mga
karapatan at tungkuling dapat gampanan.
2.
May positibong saloobin at pagpapahalagang
nakatutulong sa pag-aangkop sa nababagong
panahon.
4. 3. May kakayahan sa pangangasiwa sa
kapaligiran kasanayan sa makasusi at
mapanuring pag-iisip at may global na
pananaw upang makaagapay sa mga
pagbabago sa daigdig.
5. Mga Inaasahang Bunga
•
Pagkatapos ng Ikaanim na Baitang, nakapagpakita
ang mga bata ng pagmamalaki bilang mamamayang
Pilipino at ang pagiging kabilang sa bansang Pilipinas
at sa pamayanang global; nagkakaroon ng
kasanayan sa mapanuring pag-iisip at matalinong
pagpapasya sa pangangasiwa ng kapaligiran.
6.
Pagkatapos ng Ikalimang Baitang, nakapagpakita ang
mga bata ng pagpapahalaga sa mga pangyayaring
naganap at nagaganap sa iba’t ibang aspeto ng
pamumuhay(panlipunan, pangkabuhayan at pulitikal)
ng mga Pilipino sa iba’t ibang panahon na
nakakatulong upang magkaroon ng magandang
kinabukasan.
7.
Pagkatapos ng Ikaapat na Baitang,
nakapagpakita ang mga bata ng pagmamalaki
at pagpapahalga sa katangiang pang
heograpiya, mga yaman at industriya, at sa mga
pagsisikap ng bawat rehiyon na mapaunlad ang
Pilipinas at ang kulturang nagpapakilala sa atign
pagka-Pilipino.
8.
Pagkatapos ng Ikatlong Baitang, nagpapakita
ang mga bata ng pagpapahalaga sa mga
yaman ng bansa, sa mga karapatang
tinatamasa ng mga tungkuling dapat gampanan
at may positibong saloobin sa paggawa na
nakakatulong sa pag-unlad ng pamumuhay.
9.
Pagkatapos ng Ikalawang Baitang, nakikila ng
mga bata ang mga sarili at mga katangian at
sagisag na nagpapakilala sa mga Pilipino at sa
bansa; may mga karapatan at tungkulin sa
paglinang ng kakayahan at nakikilahok sa mga
gawain sa pamayanan.
10.
Pagkatapos ng Unang Baitang, nagkakaroon
ang mga bata ng kamalayan bilang Pililpino;
may mga karapatang tinatamasa at mga
tungkuling dapat gampanin bilang kasapi ng
kamag-anak at para sa kabutihan ng kapwa.
11. Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
Magkaroon ng malinaw na kaisipan tungkol sa
nilalaman ng asignaturang tinalakay
Makapagbigay halimbawa ng mabubuting
karanasan tungkol sa aralin
Makapamungkahi ng nararapat na estratehiya
na nababagay sa aralin
12. Mga Kakayahang Pamprograma
Nagkakaroon ng mga kaalaman, kasanayan at
kanais-nais na saloobin at pagpapahalaga.
2. Nagkakaroon ng mga karanasang makaagham at teknolohikal upang maging
produktibo at responsableng kasapi sa
tahanan.
3. Nakapag-ambag upang maging matatag ang
pamilya, pamayanan at bansa
1.
13.
Pagkatapos ng Ikaanim na Baitang, nagtatamo at
nagagamit ng mag-aaral ang mga kaalaman,
kasanayan at wastong saloobin sa pagiging
responsable at karapatdapat na kasapi ng pamilya
at sa iba’t-ibang gawaing pangkabuhayan na
malkakatulong sa pagpapaunlad ng mag-anak at
lipunan.
14.
Pagkatapos ng Ikalimang Baitang, nagkakaroon
ng karagdagang kaalaman, kasanayan, at
wastong saloobin sa pagiging responsable at
karapatdapat na kasapi ng pamilya at sa nga
gawaing nakatutulong sa pagpapaunlad ng
pamumuhay ng mag-anak.
15. Edukasyon sa pagpapalakas ng
katawan
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
Magkaroon ng malinaw na kaisipan tungkol sa
nilalaman ng asignaturang tinalakay
Makapagbigay halimbawa ng mabubuting
karanasan tungkol sa aralin
Makapagmungkahi ng nararapat na estratehiya
sa aralin