4. Ano ang nararadaman
mo sa larawan?
Bakit kaya may
ganitong
pangyayari?
Ano kaya ang sanhi
at bunga ng kawalan
ng katarungan?
5. Punan ang tsart sa ibaba ng mga sitwasyong
nagpapakita ng (a) pagiging makatarungan,
(b) kawalan ng katarungan.
Magtala ng pinakamaraming sitwasyong
kayang itala.
Pagkatapos ng sampung minuto, talakayin ito
sa iyong katabi.
Makatarungan Kawalan ng Katarungan
1. 2.
6. Batay sa inyong ginawa, ano-ano ang mga
sitwasyong nagpapakita ng katarungan?
May natatandaan ka ba sa iyong karanasan na
ikaw mismo ang nagnakaw ng katarungan ng
iba? Sa bahay mo? Sa barangay? Sa paaralan?
Batay sa inyong ginawa, ano-ano ang mga
sitwasyong nagpapakita ng kawalan ng
katarungan?
Paano mo ito hinarap?
Ano ang iyong naramdaman?
7. Sa Araling ito natutunan ko na
____________________________________________
_______________________.
8. Gumawa ng sariling kowts tungkol sa
kkatarungan. Ibahagi ito sa klase.
9. Pangkatang Gawain.
Magtanong sa mga kakilala o kaya namn ay
maghanap online ng librong Ang Dekada 70
ni Lualhati Bautista. Suriin ang buod at
hanapin ang mga kasagutan sa mga
sumusunod
GroupI-Gumawa ng listahan ng mga mag-
aaral ng mga mahahalagang pangyayari na
nabasa sa aklat na tumatak sa inyong isipan
Sino Sino ang tauhan? Ilarawan ang bawat isa.
10. Group II. Ano ang suliraning kinaharap ng
bawat tauhan sa kwento? Isa-isahin ang mga
ito.
Saan nagyari ang kwento at sa anong
panahon ito naganap?
Mayroon bang pangyayari sa aklat na labis
mong tinutulan?
11. Group III. Sa iyong palagay ano ang layunin
ng may akda sa kanyang pagsulat sa aklat?
May mga pangyayari bang nasa aklat na
nagpapaalala ng iyong karanasan o
karanasang iyong nasaksihan mula sa isang
kaibigan, kakilala o kapamilya? Ilarawan
12. Group IV. Ano ang mahalagang aral na iyong
nakuha sa kwento?
Kung magaganap ang kwento sa
kasalukuyan, ano kaya ang magiging
pagkakaiba ng mga pangyayari sa kuwento?
Kung bibigyan ka ng pagkakataon baguhin
ang ilang bahagi ng kwento ano ang iyong
papalitan at ano ang ipapalit mo?