1. Ang Aking Munting Rosaryo
ni Caroline Kate D. Dunan
2 - St. Noel Chabanel
2. Ikaw ang aking gabay
Sa pang araw-araw na buhay;
Pinapawi ang kalungkutan
Kalituhan ko’y nababawasan.
Ikaw ang tanglaw at proteksyon
Sa lahat ng aking direksyon;
Tinupad mo ang aking dasal
Kahit masama ang inaasal.
Ikaw ang nagbigay liwanag
Sa daan kong hindi patag;
Dalangin ko, ako’y gabayan
Hanggang sa aking kamatayan.