1. Ito yung work version nung isang article dun sa libro ni Bob Ong na "ABNKKBSNPL ako"... Sa halip na mga klase ng
estudyante, mga uri naman ng empleyado... Itigil muna ang pagbibisibisihan at alamin kung anung uri kayo...
....alin kayo dito..?
Sa mata ng isang boss, may isang dosenang klase
lang ng empleyado.
GEEKS - mga taong walang pakialam sa mundo. Papel, boss, at computer lang ang iniintindi.
Kahit na mainit na ang ulo ng boss at bad trip, ang mga geeks ang walang takot na lumalapit sa boss
at nagtatanong kung mag-iiba ang result ng entry kung isa-substitute ang value ng debit sa credit.
CLOWNS - ang official kenkoy ng office. May mga one-liner na gumigising sa lahat kapag
nagkakaantukan na. Sabi ng ilang boss, eto raw yung mga KSP sa office na dahil hindi naman
matalino, o kadalasang matalino na tamad lang, eh dinadaan na lang sa patawa ang pagpapapansin.
Pero aaminin ko, walang opisinang walang ganito, at kung meron man, magigigng malaking
sakripisyo ang pagpasok sa work araw-araw.
2. HOLLOW MAN - may 2 uri ng H.M. virus, ang Type A at Type B. Ang type A ay ang empleyado
na madalas na invisible sa office, bakante ang upuan, madalas absent. Ang type B naman ang
pumapasok sa office bagamat present eh inivisible naman ang work, at hollow ang utak.
SPICE GIRLS - barkadahan ng mga magkaka-ibigang babae m ahilig gumimik, sabay-sabay
pero laging late na pumapasok. Madalas na may hawak na hairbrush at songhits [ngiyeh! how
jologs!-gbs]. Pag pinagawan mo ng group works, sila ang madalas na magkaka-grupo.
DA GWAPINGS - ang male counterpart ng Spice Girls, isinilang para magpa-cute. onti lang
ang members nito, 2-3 lang para mas pansin ang bawat isa. Tulad ng Spice Girls, kadalasang puro
Hair Gel lang ang laman ng utak ng mga Da Gwapings.
3. CELEBRITIES - Politicians, Athletes, Performers. Politician ang mga palaban na mpleyado na
mas nag-aalala pa sa kalagayan ng kompanya at mga kapwa empleyado kesa sa performance.
Athletes ang ilang 'varsitarians' na kung gaano kabilis pumasok eh ganon kabagal mag-work.
Performers naman ang mga empleyado na kaya lang yata pumapasok eh para makasayaw, kumanta,
at makatula sa stage kapag organizational day. Sa pangkalahatan, ang mga celebs ay matindi ang
PR, pero mababa ang IQ.
GUINNESS - mga record holders pagdating sa persistence. Pilit pinupunan ang mga kakulangan
sa katalinuhan. Sila ang mga kadalasang nagtatagumpay sa buhay. Masinop sa work. Mabilis mag-
work, kahit na laging mali.
LEATHER GOODS - mga empleyadong maling uri ng determinasyon meron. Laging
determinado ang mga ito sa harapang pangungupit, bulgarang pandaraya, at palagiang
pagpapalapad ng papel sa boss. Talo ang mga buwaya sa pakapalan.
4. WEIRDOS - mga problematic employee, misunderstood daw, kadalasang tinatawag na black
sheep ng office. May kanya-kanya silang katangian, konti ang kaibigan, madalas mapaaway, mababa
ang evaluation, at boss's enemy.
MGA ANAK NI RIZAL - Ang mga Endangered Species k umbaga. Straight 'A' employees
pero well rounded at hindi geeks. Boss's pet pero hindi sipsip. Busy sa work pero may oras pa rin sa
extra-curricular activities, at gimiks.. Hanep!
COMMONERS - mga generic na member ng class. Kulang sa individuality, at katangiang
umuukit sa isipan. Hindi sila agad napapansin ng boss pag absent, at sa
paglipas ng panahon, sila ang mga taong nakakalimutan ng mga boss at co-employees nila.
(Adapted from Bob Ong's ABNKKBSNPL ako)