1. KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG PAKIKIPAGKASUNDO
I. SITWASYON NG BUHAY:
1. Naranasan n’yo na ba ang mapagalitan ng inyong mga magulang?
2. Ano ang dahilan kung bakit kayo napapagalitan?
3. Nakaranas na ba kayo na humingi ng paumanhin o tawad sa iyong mga magulang o kaaway?
4. Ito’y ba’y mahirap o madali?
Tayong lahat ay nakakaranas na mapagalitan o mapagsabihan ng ating mga magulang, sa
kadahilanang hindi natin pagsunod sa kanilang mga ipinag-uutos, sa pagiging matigas ng ating mga
ulo, sa paggawa natin ng mga hindi magaganda,( kuhain ang sagot ng mga bata). Pagkatapos nito tayo
ay humihingi ng paumanhin sa kanila dahil tayo’y kanilang mahal pinatatawad nila tayo at sinasabihan
na huwag ng ulitin ang mga iyon. Tunay na napakahirap humingi ng tawad sa ating mga kaaway, o sa
mga mahalaga sa atin.(maaring dagdagan )
Ngayon ay ating pakinggan ang ang isang kwento na nagmula sa Banal na Kasulatan.
ii. SALITA NG DIYOS: Lukas 15:11-32 Ang mapagmahal na Ama
(Kwewento ng Katekista ang Talinghaga)
1. Sinu-sino ang pangunahing tauhan sa Kwento?
2. Ano ang ginawa ng Bunsong Anak?
3. Pagkatapos ibigay ng Ama ang mana ano ang kanyang ginawa?
4. Ano ang nangyari sa kanya matapos maubos ang salapi?
5. Anong naisip niya ng maghirap siya?
6. Ano ang reaksyon ng Ama ng Makitang dumarating ang bunsong Anak?
7. Ano ang ginawa ng bunsong Anak ng nilapitan siya ng kanyang Ama?
8. Tanda ng pagapapatawad anong ginawa ng Ama?
9. Anong naging reaksyon ng panganay na anak ng malaman niya na pinaghanda ng kanyang Ama
ang kanyang kapatid?
10.Ano naman ang ginawa ng Ama?
PAGBUBUO:
Ayon sa ating Panginoon Hesukristo , ang AMA sa kwento ay larawan ng Diyos. Ang Diyos na
handang magpatawad sa mga taong nagkakasala’t nagbabalik-loob. Ang Diyos na lagging nag-aantay
sa ating pagbabalik-looob at punong-puno ng awa at pagmamahal.
Ang BUNSONG ANAK naman ay larawan nating lahat. Lumalayo tayo at pinuputol natin ang
ating ugnayan o relasyon sa Diyos Ama sa pamamagitan ng pagsuway sa kanya, ang paggawa ng di
mabuti. ANG PAGLAYONG ITO SA Ama at pagputol ng ating pakikipag-ugnayansa kanya ay
tinatawag na kasalanan. Ang pagbabalik ng Anak at paghingi ng tawad ay larawan ng ating pagsisisi sa
tuwing tayo’y nagkakasala.
Ang PANGANAY NA ANAK naman ay larawandin nating lahat sa tuwing tayo’y ayaw
magpatawad sa mga taomg nagkakasala sa atin at ang tingin natin sa sarili’y mas mabuti kaysa iba.
INTERPLAY:
Paminsan-minsan o kadalasan tayo ay sumusuway sa ating mga magulang at nakatatanda sa atin
tulad ng di pagsunod sa kanilang ipinag-uutos at pagbalewalasa kanilang mga pangaral kung kaya’t
tayo ay napapagalitano napagsasabihan, Gumagawa tayo ng mga bagay na makakasira ng relasyon
natin sa ating mga kaklase o kaibigan tulad ng pakikipag-away,pangangantiyaw at iba (maaaring
mgbigay pa ng ibang halimbawa)..Ang mga bagay na ito ay nakakasira ng ating ugnayan o relasyon sa
Diyos. Samantalang ang ating mga magulang ay tayo’y kanilang minamahal sa kabila ng ating
kasamaan o di mabuti, ganun din ang ating Amang nasa langit siya ang Ama na pinakilala ni Hesus sa
Kwento, Ang Ama na mapagpatawad, puno ng awa at mapamahal. Ang Ama sa kabila ng ating
pagsuway at pagtalikod sa kanyang pag-ibig ay laging nakatingin at nag-aantay sa ating pagbabalik.
2. Patuloy siyang nag-aanyaya sa atin na tularan ang bunsong Anak na maglakas-loob na humingi ng
tawad sa mga nagawang pagkakamali.
Paano tayo hihingi ng TAWAD SA Diyos?
II. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA:
Sa Sakramento ng pakikipagkasundo tayo ay pinapatawad ng Diyos sa ating mga kasalanan sa
pamamagitan ng Pari
Tunay na pinapatawad tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan sa tulong ng Pari na kanyang pnili,
siya ang naggagawadng kapatawaransa ngalan ni Kristo. Sila ang binigyan ng kapangyarihan ni Hesus
na magpatawad ng ating mga kasalalan pagkatapos na siya’y mabuhay na magmuli “Ang patawrin
ninyo sa kanilang kasalanan ay pinapatawad na nga, ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga
pinapatawad”.
Nagkakasala tayo sa Diyos sa ating mga ginagawang di magaganda at ito ang ating sinasabi sa Pari.
Bunga ng ating kahinaan o kagustuhan tayo ay gumagawa ng mga bagay na di kanais-nais at
tayo ay tumatalikod sa Diyos at tayo’y nagkakasala dahil sa ating mga ginagawa na di maganda ito ay
ang Ksalanan. Ito ang ating mga ihihingi ng tawad sa Diyos na kung saan ito’y sasabihin nati sa Pari.
(MAGBIGAY NG MGA KONGRETONG HALIMBAWA NG KASALANAN)
Ang Diyos Ama na mapagmahal ay lagging nag-aantay at handang magpatawad.
Sa kabila ng ating pagsuway at di pagsunod may isang Ama na ang-aantay sa ating pagbabalik-
loob o paghingi ng tawadsa ating mga nagawang ksalanansapagkat siya ay punong-puno ng pag-ibig at
pagpapatawad walang iba ang ating Diyos Ama na nagpapatwad sa ating mga kasalanan.
Paano tayo magiging Handa sa pagtanggap ng Sakramento ng Pakikipagkasundo?
1. Ang panahimik na pagdarasal- Hingin natin ang tulong ng Espiritu Santo upamng bigyan tayo
ng lakas na Makita, aminin, at tanggapinang ating kasalanang nagawa.
2. PAGSISISI- Pagsisisihan natin ang ating mga nagawang kasalanan at pangakong hindi na
magkakaksala muli.
3. Pangako na magbabago- Ang pagbabago ay isa sa mga bunga ng tunay na pagsisisi ( Hal:
Kung dating parakupit sisisikaping mabgo, magbigay pa ng halimbawa)
4. Pangungumpisal- Ito ang paglapit sa pari at pagsabi ng kasalanan.
a) Lalapit sa Pari
b) Luluhod o uupo sa harapan ng Pari at mag-aantanda ng Krus ()
c) Sasabihin sa Pari “Padre, Bendisyunan mo po ako sapagkat ako’y nagkasala” ang huli ko
pong kumpisal ay noong (sasabihin kung kalian ang huling pangungumpisal)
d) Ito po ang aking mga Kasalanan(SASABIHIN NA ANG MGA NAGAWANG
KASALANAN)
e) Hintayin ang sasabihin ng PARI at sundin itomaging ito ay payo, pagdarasal o may
ipagagawang hakbang upang tunay na makipagbalikang-loob sa kapwa higit sa Diyos
f) Hintayin ang paggawad ng kapatawaran o absolusyon ng Pari
g) Mag-antada ng Krus bago umalis sa harapan ng Pari.
Dasal na pagsisisis
O Panginoong Hesuristo ako ay nagkasala laban sa iyong kabutihang walang hanggan ako’y
nagsisis at nangangakong di na muling magkakasala sa tulong ng iyong Mahal na grasya.Amen
Tugon ng Pananampalataya:
1. Ano ang gagawin ninyo kapag kayo’y nagkakasala?
2. Bakit tayo nangungumpisal?
Prepared by:joemervaragon020811